AngCalifornia /ka·li·for·nya/ ay isangestado na matatagpuan sa kanlurang pampang ngEstados Unidos. Ito ang pinakamataong estado sa Estados Unidos, at kung magiging independengbansa, magiging pang-anim sa pinamalakingekonomiya sa buong mundo, pagkatapos ngPransiya na halos magkalapit lamang at nilagpasan ang lahat ng mga pinagsamang bansa. Marahil ang pinaka-ibang estado sa bansa sa pisikal at demograpikal na anyo, "Ang Ginintuang Estado" oThe Golden State ang kanyang opisyal na palayaw. Kadalasang inaakalang pantukoy saGold Rush (Dagsa ng Ginto) ng California noong 1849 ngunit sa katotohanan tumutukoy ito sa mga natural nadamo na nagiging ginto ang kulay tuwing panahon ng tag-araw.CA ang opisyal na daglat pangkoreo ng California, at sa Associated Press,Calif. naman ang daglat nito.
Orihinal na tumutukoy ang salitangCalifornia sa buong rehiyon na bumubuo sa Tangway ng Baja California ng Mehiko, at ng mga kasalukuyang mga estado ng California,Nevada, at ngUtah, at ilang bahagi ngArizona,Bagong Mehiko atWyoming.
Mas kadalasang pinaniniwalaan na angCalifornia ay hango sa isang kathang-isip na paraiso na tinitirahan ng mgaAmasona na pinamumunuan ni ReynaCalafia.[3][4] Nakatala ang kuwento ni Calafia isang gawa noong 1510 naAng mga Pagsasamantala ng Esplandian, isinulat bilang kasunod ngAmadis de Gaula ng Kastilang manunulat at abentura na siGarci Rodríguez de Montalvo.[5][6][7] Ayon kay Montalvo, isang malayong lupain ang kaharian ni Reyna Calafia, na tinitirahan ng mgagripon at ng iba pang mga kakaibang mga halimaw, at mayaman sa ginto.
Ika-5 ang salitangCalifornia sa mga lumang salitang panglugar ng mga Europeo sa Estados Unidos at dating ginagamit sa ngayong pinakatimog na dulo ng tangway ng Baja California bilangPulo ng California ng mga Kastilang manlalayag na pinamumunuan ni Diego de Becerra atFortún Ximénez, na dumaong doon noong 1533 sa utos niHernán Cortés.[8]
May 482 mganasaping lungsod at bayan, kung saang 460 ay mga lungsod at 22 ay mga bayan. Sa ilalim ng batas ng California, ang mga katagang "city" at "town" ay malinaw na mapagpapalit; ang pangalan ng isang nasaping munisipalidad sa estado ay maaaring "City of (Pangalan)" o "Town of (Pangalan)".[9]
Naging kauna-unahang nasaping lungsod angSacramento noong ika-27 ng Pebrero, 1850.[10] Magkatablang mga pangalawang nasaping lungsod angSan Jose, San Diego atBenicia, bawat isa ay nakatanggap ng pagiging lungsod na katayuan noong ika-27 ng Marso, 1850.[11][12][13] AngJurupa Valley ay naging pinakahuling nasaping lungsod ng estado at ika-482 nasaping munisipalidad noong ika-1 ng Hulyo, 2011.[14][15]
↑Putnam, Ruth (1917). "Appendix A: Etymology of the Word "California": Surmises and Usage". Sa Herbert Ingram Priestley (pat.).California: the name. Berkeley: University of California. pp. 356–361.
↑"CA Codes (gov:34500-34504)". California State Senate. Inarkibo mula saorihinal noong Agosto 27, 2009. Nakuha noongEnero 29, 2010.{{cite web}}:Unknown parameter|deadurl= ignored (|url-status= suggested) (tulong)