Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Butiking walang hita

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Angmabagal na uod na isangbutiking walang hita.

AngButiking walang hita ay maaaring tumukoy sa anuman sa ilang mga pangkat ngbutiki na independiyenteng nawalan ng mgabiyas(hita) o nabawasan sa puntong wala ng silbi sa lokomosyon nito.[1] Ito ang karaniwang pangalan para sa pamilyangPygopodidae[2] ngunit kadalasang tumutukoy rin sa ibang mga pangkat gaya ng mga walang hitangAnguidae. Ang mgabutiking ito ay maitatangi mula sa mgaahas sa sumusunod na mga katangian: pagkakaroon ng takipmata(eyelids) na wala sa mga ahas, pagkakaroon ng mga bukasan sa tenga na wala rin sa ahas, kawalan ng malawakang mga kaliskis sa tiyan at isang napakahabang buntot kesa sa mahabang katawan at isang maikling buntot sa mga ahas.[1] Maraming mga pamilya ng butiki ang independiyenteng nag-ebolb na mawalan ng hita o malaking nabawasan ng mga hita. Ang mga halimbawa ang:[1]

  • Anguidae – maraming espesye na walang hita kabilang ang mgaOphisaurus atAnguis.
  • Cordylidae – henusChamaesaura.
  • Pygopodidae – ang mga kasapi ng pamilyang ito ay tinatawag na mga butiking walang hita dahil sa kawalan ng harapang biyas at malaking nabawasang mga likurang biyas.[2]
  • Dibamidae – Ang lahat ng kasapi ng pamilyang ito ay mga walang hita at naglulungga at halos o kumpletong bulag.
  • Anniellidae – ang lahat ng mga kasapi nito ay walang hita.
  • Gymnophthalmidae – Marami sa mga kasapi nito ay walang hita o halos walang hita.
  • Scincidae – Marami sa mga kasapi nito ay walang hita o halos walang hita.
  • Gerrhosauridae – Ang ilan nito ay walang hita o nabawasan ang hita.

Tingnan din

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 1.01.11.2Poughet al. 1992. Herpetology: Third Edition. Pearson Prentice Hall:Pearson Education, Inc., 2002.
  2. 2.02.1Browne-Cooper, R., Bush, B., Maryan, B., Robinson, D. (2007).Reptiles and Frogs in the Bush: Southwestern Australia.University of Western Australia Press. pp. 243, 244.ISBN 978-1-920694-74-6.{{cite book}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Butiking_walang_hita&oldid=2134768"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp