Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Bundok Ledang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Gunung Ledang
Talon sa Gunung Ledang
Pinakamataas na punto
Kataasan1,276 m (4,186 tal)
PagkalistaRibu
Heograpiya
LokasyonTangkak,Johor,Malaysia
Tanawin ngGunung Ledang mula sa kalsada

AngBundok Ledang (Malay:Gunung Ledang) ay isangbundok sa Pambansang Liwasan ng Gunung Ledang na matatagpuan saDistrito ng Tangkak (dating bahagi ngMuar),Johor,Malaysia. Ang tuktok ay matatagpuan sa pagitan ng hangganan ngMuar atMelaka . May taas ito na 1,276 m (4,186 ft).[1] Ito ang ika-64 na pinakamataas na bundok sa Malaysia at ang pinakamataas na rurok sa Johor.

Pangalan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mayroong ilang mga tanyag na opinyon tungkol sa pinagmulan ng pangalan ng bundok. Ayon sa isang opinyon, itinuturo ng sinaunang kasaysayan ang bundok bilang ang lugar na may mayamang deposito ng ginto kaya naakit ang mga mangangalakal mula saGresya atTsina. Ang Ophir ay isang lupa sa panahon ng bibliya na likas na mayaman sa mga pinagkukunan at binanggit ito saTorah, na kilala rin bilang ang Bibliyang Ebreo.

Noong ika-14 na Siglo, tinawag ito ng mga marino na Tsino na naglalakbay saKipot ng Malacca naKim Sua na nangangahulugang 'ginintuang bundok', posibleng mula saHokkien o Taiwanes na mga salita:kim, o 金 na nangangahulugang ginto atsua, o 山 nangangahulugang bundok.

Sabi ng ilang mga sanggunian, ang mgaHabanes noong panahon ng emperyo ngMajapahit ay nagpangalanan sa bundok bilangGunong Ledang, na nangangahulugang 'matayog na bundok', mula sa lumang salita ngJava naledang na nangangahulugang 'pakitang-gilas'.[2]

Tinawag itong "Ophir" ng mgakartograpongBriton mula pa noong 1801, batay sa isang mapa mula sa taong iyon. Ang pangalang 'Ophir' mismo ay napagisipang nagmula sa alinman sa mga wikang ito:

  • Wikang Ebreo, mula sa אוֹפִיר . Pagtitik bilang 'Owphiyr, at binibigkas ito bilang ō·fēr na isang personal na pangalang Ebero at tumutukoy sa lupain sa bibliya ng Ophir kung saan kumukuha si HaringSolomon ng ginto, mga mamahaling hiyas, at mgagaring para sa Templong Hudyo sa Jerusalem.

Sa panulaan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang isang tradisyonal napantun ay gumagawa ng kawikaan sa bundok:

Berapa tinggi pucukpinang

Tinggi lagi asap api

Berapa tinggi Gunung Ledang

Tinggi lagi harapan hati.

Kahit gaano kataas ang puno ngbetel,

Mas mataas ang usok ng apoy.

Kahit gaano kataas ang Bundok Ophir,

Mas mataas ang pag-asa ng puso.

Tingnan din

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga Sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. https://web.archive.org/web/20140527212151/http://www.tourism.gov.my/en/my/web-page/places/states-of-malaysia/johor/gunung-ledang-mount-ophir?page=%2F3
  2. Kamus Dewan 4th Edition Retrieved 2013-09-27

Mga panlabas na kawingan

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Bundok_Ledang&oldid=2147520"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp