BulkanSabancaya, Peru sa 2017BulubulkaningCordillera de Apaneca saEl Salvador. Tahanan ang bansa sa 170 bulkan, aktibo ang 23 sa mga ito, kabilang dito ang dalawangkaldera, athigbulkan ang isa sa mga ito. Nabigyan ang El Salvador ng taguringLa Tierra de Soberbios Volcanes, (Ang Lupa ng mga Kahanga-hangang Bulkan).Tungkol ito sa isang anyong lupa, para sa mitolohikong diyos, tingnan angBulkan (diyos).
Mayroong mga bulkan sa Daigdig dahil na nakahiwalay ang kanyang krast sa 17 pangunahing, maigting naplakang tektonika na lumulutang sa mas mainit at mas malambot na latag ng mundo.[1] Samakatuwid, sa Daigdig, kadalasang matatagpuan ang mga bulkan kung saannaghihiwalay onagdidikitan ang mga plakang tektonika, at matatagpuan ang karamihan nito sa ilalim ng tubig. Bilang halimbawa, isanggitkaragatang gulod, tulad ngGit-Atlantikong Gulod, ay mga bulkan na bunga ng mga pahiwalay na plakang tektonika samantalang angSingsing ng Apoy ng Pasipiko ay may mga bulkan na bunga ng mga nagdidikit na plakang tektonika. Maaari ring mabuo ang mga bulkan kung saan may pagbanat at pagpayat sa mga plaka ng krast, hal. saSiwang ng Silangang Aprika, sabulubulkanin ng Wells Gray-Clearwater, atSiwang ng Rio Grande sa Hilagang Amerika. Ang ganitong uri ng bulkanismo ay nasa ilalim ng grupo ng "palagayin ng plaka" sa bulkanismo.[2] Ipinaliwanag din ang bulkanismo na malayo sa mga hangganan ng plaka bilang mgapluma ng latag. Ipinapalagay na ang mga tinatawag na "batik-init", tulad ng Hawaii, ay nanggagaling mula sa tumataas nadiapir na may magma mula sahangganan ng ubod–latag, 3,000 km kalalim sa Daigdig. Hindi naman nabubuo ang mga bulkan sa pagdulas ng dalawang plato sa isa't isa.
Maaaring magdulot ang mga pumuputok na bulkan ng mararaming panganib, hindi lamang sa paligid ngpagputok. Isang halimbawa ng peligro ay maaaring maging panganib ang abo sa mga eroplano, lalo na ang mga mayroong mgalikhisog panghimpapawid kung saan natutunaw ang mga tipik ng abo sa mataas natemperatura ng pagpapatakbo; pagkatapos, dumidikit ang mga natunaw na tipik sa mga talim ngturbina at nagbabago sa hugis nito na nakaiistorbo sa pagtakbo ng turbina. Nakaaapekto ang mga malaking pagsabog sa temperatura dahil hinaharangan ng abo at mga patak ng mgaasido sulpuriko angaraw at nagpapalamig sa ibabang atmospera (ohimpapawid); gayunman, maaari rin silang mabaon ng init na siningaw ng Daigdig, sa gayon ay nagpapainit sa mas itaas na atmospera (oalangaang). Ayon sa kasaysayan, naging sanhi ang mgabulkanikong tagginaw ng mga napakamalalangtaggutom.
Nanggaling ang salitangbulkan mula sa pangalan ngVulcano, isang bulkanikong pulo saKapuluang Eoliko ng Italya na ang pangalan naman ay nanggaling mula kayVulcan, ang diyos ng apoy samitolohiyang Romano.[3] Ang pag-aaral sa mga bulkan ay tinatawag nabulkanolohiya.
Sa mgagitkaragatang gulod, naghihiwalay ang dalawangplakang tektonika mula sa isa't isa habang nabubuo angoseanikong krast sa paglamig at pagtigas ng batong mainit at tunaw. Dahil napakanipis ang krast sa mga gulod na ito dahil sa hatak ng mga plakang tektoniko, humahantong ang pagpapakawala ng presyon saadiabatikong buklad (nang walang paglipat ng init o butang) at ang bahgyang pagtutunaw nglatag na sanhi ng bulkanismo at pagbuo ng bagong oseanikong krast. Karamihan sa mgahangganang pahiwalay ay nasa ilalim ng mga karagatan; samakatuwid, sa ilalim ng tubig ang karamihan ng aktibidad-bulkan na bumubuo sa bagong sahig-dagat. Ang mgasingawang idrotermal ay ebidensya ng ganitong uri ng aktibidad-bulkan. Kung saan sa ibabaw ng lebel ng dagat ang gitkaragatang gulod, nabubuo ang mga malabulkang pulo; halimbawa,Islandiya.
Ang mga sona ngsubduksyon ay mga lugar kung saan bumabangga ang dalawang plaka, kadalasang isang plakang oseaniko at plakang kontinental. Sa ganitong kaso, lumulubog ang plakang oseaniko sa ilalim ng plakang kontinental na bumubuo ng malalim na poso malayo sa pampang. Sa isang proseso na tinatawag naflux melting, binababa ng tubig na pinakawalan mula sa plakang nalulubog ang temperaturang pantunaw ng iwak-latag sa ibabaw nang gayon ay nabubuo angmagma. Karaniwangnapakalapot ang magma dahil mataas ang kanyang nilalamangsilika kaya kadalasang hindi ito umaabot sa ibabaw, ngunit lumalamig at tumitigas at sa lalim na iyon. Kung umaabot naman ito sa ibabaw, nabubuo ang isang bulkan. Ang mga tipikal na halimbawa nito ay angBundok Etna at ang mga bulkan saSingsing ng Apoy ng Pasipiko.
Ang mgabatik-init ay mga mabulkan na lugar na sa palagay ay binubuo ng mgapluma ng latag na ipinaniniwalaang mga haligi ng mainit na materyal na tumataas mula sa hangganan ng ubod–latag sa nakapirming puwesto na nagdudulot ng napakaraming pagtunaw. Dahil gumagalaw ang mga plakang tektonika sa kanilang ibayo, natutulog ang bawat bulkan at sa kalaunan ay nabubuo muli habang sumusulong ang plaka sa ibabaw ng nasapantahang pluma. Sinasabi na nabuo angKapuluan ng Hawaii sa ganitong paraan; pati na rin angKapatagan ng Ilog Snake, kung saan bahagi angKalderang Yellowstone ng plakang Hilagang Amerika sa ibabaw ng batik-init. Gayunman, pinagdudahan itong teorya.[2]
Ang pinakakaraniwang pagkaunawa sa isang bulkan ay isangtagilog na bundok na bumubuga ng mgalava at makamandag nabuhag mula sa isangbunganga sa kanyang rurok; gayunman, inilalarawan lamang nito ang isa sa mga iba't ibang uri ng bulkan. Mas kumplikado ang mga katanigan ng bulkan at nakadepende ang kanilang istruktura at pag-uugali ayon sa mga iilang salik. Ang mga ilang bulkan ay may mga mabagsik na rurok na hinubog ng mgadomo de-lava sa halip ng isang bunganga sa tuktok habang ang mga iba ay may mgamalatanawing katangian tulad ng napakalakingtalampas. Maaaring mabuo ang mga singawan na bumubuga ng mga bulkanikong materyales (kabilang anglava atabo) at mga buhag (higit sa lahat mgasingaw at magmatikong buhag) saanman saanyong lupa at maaaring magdulot ng mas maliit na tagilog tulad ngPuʻuʻŌʻō sa isang libis ngKīlauea ng Hawaii. Kabilang sa mga uri ng bulkan angkrayobulkan (o bulkang yelo), lalo na sa mga iilang bulan ngHupiter,Saturno, andNeptuno; atbulkang putik na mga pagbubuo na hindi nauugnay sa kilalang magmatikong aktibidad. Kadalasang mas mababa ang mga temperatura ng aktibong bulkang putik kumpara sa mga bulkangapuyin maliban kung talagang bahagi ang bulkang putik ng singawan ng isang bulkang apuyin.
Ang mgabulkang kalasag, na ipinangalan para sa kanilang malapad at malakalasag na itsura, ay binubuo ng pagbuga ng malabnaw na lava na maaaring dumaloy nang malayo mula sa isang singawan. Karaniwang hindi sila sumasabog nang malala. Dahil tipikal na mababa ang silika sa malabnaw na magma, mas karaniwan ang mga bulkang kalasag sa mga karagatan kaysa sa mga kontinente. Ang bulubulkaning Hawaiano ay isang serye ng mga kalasag na tagilog, at laganap din sila saIslandiya.
Nahuhubog ang mgadomo de-lava ng mga mabagal na pagbuga ng napakalapot na lava. Paminsan-minsan, nabubuo sila sa loob ng bunganga ng dating pagbuga ng bulkan, tulad ngBundok Santa Helena, ngunit maaari silang mabuo nang nakapag-iisa, tulad ngBundok Lassen. Tulad ng mga istratobulkan, nakabubuga sila ng mga matindi at eksplosibong pagsabog, ngunit ang kanilang lava ay hindi naman dumadanak nang malayo mula sa pinanggalingang singawan.
Bulkan Izalco, ang pinakabatang bulkan ng El Salvador. Halos patuloy na sumabog ang Izalco mula 1770 (kung kailan ito nabuo) hanggang 1958, at nakamit nito ang palayaw na "Parola ng Pasipiko".
Nalilikha ang mgakriptodomo kapag napipilitang umakyat ang malapot na lava na nagpapaumbok sa labas. Halimbawa angpagsabog ng Bundok Santa Helena noong 1980. Dahil sa lava sa ilalim ng bundok, nagkaroon ng umbok pataas na dumausdos sa hilagang panig ng bundok.
Nagreresulta ng mgabagang tagilog mula sa mga pagbuga ng mga maliliit na piraso ngeskorya atpiroklastikos (kapwa kahawig sa mga baga, mula rito ang pangalan ng itong uri ng bulkan) na umiipon sa paligid ng singawan. Maaaring maging maiski na pagbuga na naglilikha ng isang hugis-tagilog na burol na marahil 30 hanggang 400 metrong taas. Nag-aalboroto nangisang beses lamang ang mga bagang tagilog. Maaaring bumuo ang mga bagang tagilog bilang mgaumaagapay na singawan sa mga mas malalaking bulkan, o nabubuo sa kanilang sarili. Kabilang sa mga halimbawa ng bagang tagilog angParícutin sa Mehiko atBungangang Sunset saArizona. InBagong Mehiko, angCaja del Rio ay isangbulubulkanin ng higit sa 60 bagang tagilog. Ayon sa mga larawang buntabay iminumungkahi na maaaring magkaroon din ng bagang tagilog sa mga iba pang dutaing lawas sa sistemang Solar; sa ibabaw ng Marte at ng Buwan.[4][5][6][7]
Kaputol na bahagi ng isangistratobulkan (pinagrabe ang proporsyong pataas):
Ang mgaistratobulkan obulkang pinaglakip ay mga matangkad, alimusod na bundok na gawa sa mga agos ng lava at iba pang binuga sa mga salit-salit na saray. Kilala rin ang mga istratobulkan bilang mga bulkang pinaglakip dahil nalilikha sila mula sa mga maramihang istruktura sa mga iba't ibang alboroto. Ang mga istratobulkan ay gawa sa dupong, abo, at lava. Pumapatong nang pumapatong ang mga dupong at abo sa isa't isa, umaagos ang lava sa ibabaw ng abo, kung saan lumalamig at tumitigas ito, at nauulit ang proseso. Kabilang sa mga klasikong halimbawa nito angBundok Fuji sa Hapon,Bulkang Mayon sa Pilipinas, atBundok Vesubio atStromboli sa Italya.
Sa buongnakatalang kasaysayan, umanyo ang mgaabong nalalabas dahil saeksplosibong pagsabog ng mga istratobulkan bilang ang pinakamalalang bulkanikong peligro sa kabihasnan. Hindi lamang na mas malakas ang pagkaipon ng presyon mula sa daloy ng lava sa ilalim kumpara sa mga bulkang kalasag, ngunit mas malakas din ang mga pagsabog ng kanilang mga bitak-singawan atbagang tagilog dahil sumasalim ang mga ito saekstensyon. Mas matarik din sila kaysa sa bulkang kalasag na may dalisdis ng 30–35° kumpara sa kalimitang dalisdis ng 5–10°, at ang kanilang malubay natepra ay materyal para sa mapanganib nalahar.[8] Tinatawag nabulkanikong bomba ang mga malalaking piraso ng tepra. Ang mga malalaking bomba ay maaaring sumukat ng higit sa 4 talampakan (1.2 metro) sa kabuuan at tumitimbang ng iilang tonelada.[9]
Anghigbulkan ay isang malakingkaldera at maaaring magdulot ng pagkaluray sa isang napakalaking, minsan kontinental na iskala. Nakakapaglamig nang lubos ang mga ganitong bulkan sa pandaigdigang temperatura sa loob ng maraming taon pagkatapos ng pagsabog dahil sa napakatinding dami ngasupreng at abong ibinuga sa atmospera. Ito ang pinakamapanganib na bulkan. Kabilang sa mga halimbawa angKalderang Yellowstone saPambansang Liwasan ng Yellowstone atValles Caldera saBagong Mehiko (kapwa sa kanlurang Estados Unidos);Ilog Taupo sa Bagong Silandiya;Ilog Toba saSumatra, Indonesia; atBungangang Ngorongoro sa Tanzania. Dahil napakalawak ang maaaring sakop ng mga ito, mahirap hanapin ang mga higbulkan iilang siglo pagkatapos ng pagsabog. Katulad dito, itinuturing ding higbulkan ang mgamalaking lalawigang apuyin dahil sa napakaraming nabugang lavangbasalto (kahitdi-eksplosibo ang daloy ng lava).
Ang mgasubmarinong bulkan ay karaniwang tampok ng sahig ng karagatan. Sa mababaw na tubig, nagpaparamdam ang mga aktibong bulkan sa pagsabog ng singaw at mabatong labi pataas mula sa ibabaw ng karagatan. Sa kalaliman naman, pinipigil ng napakabigat na timbang ng tubig sa ibabaw ang eksplosibong pagkaputok ng singaw at buhag; gayunman, maaari silang matuklas ng mgahidropono at pag-iibang kulay ng tubig dahil sa mgabulkanikong buhag. Anglavang malaunan ay karaniwang produkto ng pagsabog ng mga submarinong bulkan at kakikitaan ng makapal na pagkakasunod-sunod ng pahinto-hintong kimpal na hugis-unan na nabubuo sa ilalim ng tubig. Kahit ang mga malalaking submarinong pagsabog ay maaaring hindi makaistorbo sa ibabaw ng tubig dahil sa mabilisang paglamig at mas mataas na balintang ng tubig (kumpara sa hangin) na kadalasang nagiging sanhi ng bulkanikong pasingawan na nagbubuo ng matarik na tukod sa sahig ng karagatan. Karaniwan ang mgapasingawang hidrotermal malapit sa mga bulkang ito, atsumusuporta ang ilan ng mga kakaibang ekosistema ayon sa mga natunaw na mineral. Sa paglipas ng panahon, maaaring lumaki nang lumaki ang mga nabuo ng mga submarinong bulkan na umuusli sila sa ibabaw ng tubig bilang mga bagong pulo o lumulutang nabalsang buga.
Noong 2018, natuklas ang mararaming senyas-lindol ng mga ahensyang nagsusubaybay nglindol sa buong mundo noong Mayo at Hunyo. Lumikha sila ng isang kakaibang malahuning tunog at iilan sa mga senyas na natuklas noong Nobyembre sa taong iyon ay tumagal nang hanggang 20 minuto. Ipinakita ng isang kampanyangoseanograpo noong May 2019 na ang mga dating misteryosong malahuning tunog ay dahil sa pagbuo ng submarinong bulkan sa baybayin ngMayotte.[10]
Nabubuo ang mgabulkang subglasyal sa ilalim ng mgakapa de-yelo. Gawa sila ng patag na lava na umaagos sa ibabaw ng malawakang lavang malaunan atpalagonita. Tuwing natutunaw ang kapa de-yelo, gumuguho ang lava sa itaas na umiiwan ng patag-tuktok na bundok. Kilala ang mga bulkang ito bilangtable volcano,tuya, o (di-karaniwan)moberg. Makikita ang mga napakahusay na halimbawa ng ganitong uri ng bulkan sa Islandiya, subalit, mayroon ding mga tuya saBritish Columbia. Ang pinagmulan ng tawag ay mula saTuya Butte na isa sa mga iilang tuya sa lugar ngIlog Tuya atBulubundkin ng Tuya sa hilagang British Columbia. Ang Tuya Butte ang pinakaunanganyong lupa na nasuri kaya nakapasok ang pangalan nito sa panitikang heolohikal para sa ganitong uri ng bulkan. Kamakailang itinatag angPanlalawagiang Liwasan ng Bulubundukin ng Tuya upang maprotektahan ang kakaibang tanawin na ito na matatagpuan sa hilaga ngLawa ng Tuya at timog ngIlog Jennings malapit sa hangganan saTeritoryo ng Yukon.
Ang mgabulkang putik odomo de-putik ay mga pormasyong nabuo ng dunilabasang likido at buhag, ngunit mayroong iilang proseso na maaaring maging sanhi ng ganitong aktibidad. Ang mga pinamalaking istraktura ay 10 kilometro sa diyametro at umaabot ng 700 metro.
Eskematikong larawan ng pagbuga ng bulkan ng mga erosol at buhagTalangguhit ng radyasyong solar mula 1958–2008 na nagpapakita kung paano nababawasan ang radyasyon pagkatapos ng mga malaking pagsabog ng bulkanKonsentrasyon ngdioksido de-asupre sa itaas ngBulkang Sierra Negra,Kapuluan ng Galapagos, noong isang pagsabog sa Oktubre 2005
Ang mga malalaking, eksplosibong pagsabog ay nagbubuga ng singaw ng tubig (H2O), dioksido de-karbon (CO2), dioksido de-asupre (SO2), kloruro de-idrohino (HCl), ploruro de-idrohino (HF) at abo (durog na bato atbuga) patungo sahimpapayaw mula 16–32 kilometro (10–20mi) sa itaas ng ibabaw ng lupa. Nanggagaling ang pinakamabuluhang epekto ng mga pagbuga mula sa komberson ng dioksido de-asupre saasido sulpuriko (H2SO4) na kumokondensa sa himpapayaw para makabuo ng mga pinongerosolde-sulpato. Ang nilabas na SO2 mismo ng dalawang magkaibang pagsabog ay sapat para ikumpara ang kanilang potensyal na epekto sa klima.[12] Pinapataas ng mga erosol angalbedo ng Daigdig —ang kanyang pagpapaaninag ng radyasyon mula saAraw pabalik sa kalawakan—at sa gayon ay pinapalamig ang mas mababang atmospera o himpapawid; gayunman, sumisipsip din sila ng init na nagpakinang mula sa Daigdig, at sa gayon ay pinapainit anghimpapayaw. Ang mga iilang pagsabog sa nakaraang siglo ay naging sanhi ng pagbaba sa katamtamang temperatura sa ibabaw ng Daigdig nang hanggang kalahating digri (Fahrenheit) mula isa hanggang tatlong taon; marahil ang dioksido de-asupre mula sa pagsabog ngHuaynaputina ay naging sanhi ngRusong taggutom ng 1601–1603.[13]
↑NSTA Press / Archive.Org (2007)."Earthquakes, Volcanoes, and Tsunamis"(PDF).Resources for Environmental Literacy. Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong September 13, 2012. Nakuha noongApril 22, 2014.
12Foulger, Gillian R. (2010).Plates vs. Plumes: A Geological Controversy. Wiley-Blackwell.ISBN978-1-4051-6148-0.
↑Young, Davis A. (January 2016)."Volcano".Mind over Magma: The Story of Igneous Petrology. Inarkibo mula saorihinal noong November 12, 2015. Nakuha noongJanuary 11, 2016.
↑Wood, C.A. (1979). "Cindercones on Earth, Moon and Mars".Lunar and Planetary Science.X:1370–1372.Bibcode:1979LPI....10.1370W.
↑Meresse, S.; Costard, F.O.; Mangold, N.; Masson, P.; Neukum, G. (2008). "Formation and evolution of the chaotic terrains by subsidence and magmatism: Hydraotes Chaos, Mars".Icarus.194 (2): 487.Bibcode:2008Icar..194..487M.doi:10.1016/j.icarus.2007.10.023.
↑Berger, Melvin, Gilda Berger, and Higgins Bond. "Volcanoes-why and how ." Why do volcanoes blow their tops?: Questions and answers about volcanoes and earthquakes. New York: Scholastic, 1999. 7. Print.
↑Pedone, M.; Aiuppa, A.; Giudice, G.; Grassa, F.; Francofonte, V.; Bergsson, B.; Ilyinskaya, E. (2014). "Tunable diode laser measurements of hydrothermal/volcanic CO2 and implications for the global CO2 budget".Solid Earth.5 (2):1209–1221.Bibcode:2014SolE....5.1209P.doi:10.5194/se-5-1209-2014.{{cite journal}}: CS1 maint: unflagged free DOI (link)