Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Brassicales

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Brassicales
Alliaria petiolata, mustasang bawang (Brassicaceae)
Klasipikasyong pang-aghame
Kaharian:Plantae
Klado:Tracheophytes
Klado:Angiosperms
Klado:Eudicots
Klado:Rosids
Klado:Malvids
Orden:Brassicales
Bromhead
Mga pamilya

Ang mgaBrassicales ay isangorden ng mgahalamang namumulaklak, na nasa mga pangkat ng mgaeurosida II ng mgadicotyledon sa ilalim ng sistemangAPG II.[1] Ang isang katangiang karaniwan sa maraming mga kasapi sa orden ay ang produksiyon ng langkapan ngglucosinolate (langis ng mustasa). Karamihan sa mga sistema ng klasipikasyon ay nagbilang ng ordeng ito, bagaman kung minsan ay sa ilalim ng pangalangCapparales (ang pangalang pinipili ayon sa kung anlin ang dapat mauna).[2]

Sa ilalim ngsistemang Cronquist, ang Brassicales ay tinatawag na Capparales, at isinama sa piling ng mga "Dilleniidae". Ang tanging mga pamilyang kabilang ay angBrassicaceae at angCapparaceae (tinatrato bilang magkakahiwalay na mga pamilya), angTovariaceae, angResedaceae, at angMoringaceae. Ang iba pang mga takson na kabilang na ngayon dito ay inilagay sa sari-saring mga orden.

Ang mga pamilyang Capparaceae at Brassicaceae ay malapit ang kaugnayan. Ang isang pangkat, na binubuo ngCleome at kaugnay na henera, ay nakaugaliang ibinibilang sa loob ng Capparaceae subalit ang pagsasagawa nito ay nagreresulta sa isangparapiletikong Capparaceae.[2] Sa gayon, ang pangkat na ito ay pangkalahatan na ngayong ibinibilang sa loob ng pamilyang Brassicaceae o bilang pansarili nitong pamilya naCleomaceae.[3][4]

Klasipikasyon

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang orden ay karaniwang naglalaman ng sumusunod na mga pamilya:[4]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Angiosperm Phylogeny Group (2003). "An update of the Angiosperm Phylogeny Group classification for the orders and families of flowering plants: APG II".Botanical Journal of the Linnean Society.141 (4): 399–436.doi:10.1046/j.1095-8339.2003.t01-1-00158.x.
  2. 2.02.1Jocelyn C. Hall, Kenneth J. Sytsma & Hugh H. Iltis (2002). "Phylogeny of Capparaceae and Brassicaceae based on chloroplast sequence data".American Journal of Botany.89 (11): 1826–1842.doi:10.3732/ajb.89.11.1826.PMID 21665611.
  3. Jocelyn C. Hall, Hugh H. Iltis & Kenneth J. Sytsma (2004)."Molecular phylogenetics of core Brassicales, placement of orphan generaEmblingia,Forchhammeria,Tirania, and character evolution"(PDF).Systematic Botany.29: 654–669.doi:10.1600/0363644041744491. Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong 2008-10-07. Nakuha noong2013-01-04.
  4. 4.04.1Elspeth Haston, James E. Richardson, Peter F. Stevens, Mark W. Chase & David J. Harris (2007)."A linear sequence of Angiosperm Phylogeny Group II families".Taxon.56 (1): 7–12.{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  • May kaugnay na midya angBrassicales sa Wikimedia Commons
May kaugnay na midya ang Wikimedia Commons tungkol sa artikulong:
Mayroong kaugnay na impormasyon saWikispecies angBrassicales


HalamanAng lathalaing ito na tungkol saHalaman ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Brassicales&oldid=2084999"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp