Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Bolpen

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Napipindot na bolpen oretractable ballpoint pen sa Ingles. Binaklas na anyo ang nasa itaas, samantalang nasa ibaba ang muling binuong anyo nito.
Mga parte ng isang hindi napipindot na bolpen.

Angbolpen (Ingles:ball pen,ballpen,ballpoint pen; tinatawag dingbiro [bigkas: /bay-ro/ o /bi-ro/] sa Britaniko at Australyanong Ingles, na nagmula saimbentor nitong siLászló Bíró) ay isang makabagong uri ngpanulat na may maliit nabolitas o muntingbola sa dulo nito na gumaganap bilang tagapagkalat ng malapot natinta.[1] Nakapaloob ang tinta sa isang mahaba at payat na sisidlan sa loob ng bolpen. Kapagnagsusulat ang isang tao sa pamamagitan nito, lumalabas ang tinta sa loob ng pandulong munting bolitas ng bolpen. Agad na natutuyo ang tinta kapag sumayad sa ibabaw ngpapel.

Bago naimbento ang bolpen, kalimitang gumagamit ang mga tao ng mga panulat na isinasawsaw sa tinta, o kaya gumagamit ng mgapontempen na muling pinupunan ng tinta kapag naubos na. Ipinatala ng imbentor na si László Bíró ang kanyang imbensyong bolpen noong1938.

Ang naghahawak ng tinta oink reservoir sa Ingles.

Mayroong dalawang uri ng mga bolpen:

  • Mganaitatapong bolpen (Ingles:disposable pen) - mga mura ang halagang bolpen na halos yari saplastik, at maitatapon pagkaraang magamit o maubos na ang lahat ng laman nitong tinta.
  • Mganakakargahang bolpen (Ingles:refillable pen) - mga bolpen may mas mataas na kalidad at mas mahal ang halaga, at maaaring mapalitan ang bala o sisidlang nito ng tinta kapag naubos na ang lamang tinta. Nasa medyo murang presyo ang nabibiling pamalit o pampunong lalagyang may tinta.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L.Ball pen - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.


AghamAng lathalaing ito na tungkol saAgham ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Bolpen&oldid=1606503"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp