University of Minnesota system Hibbing High School Sidwell Friends School
Trabaho
manunulat ng awitin, artista sa pelikula, makatà, gitarista, awtobiyograpo, pintor, record producer, direktor ng pelikula, lyricist, kompositor, screenwriter, disc jockey, artista, mang-aawit, personalidad sa radyo, disenyador, manunulat, musiko
Asawa
Sara Dylan (22 Nobyembre 1965–29 Hunyo 1977) Carolyn Dennis (4 Hunyo 1986–Oktubre 1992)
Kinakasama
Echo Helstrom Suze Rotolo Joan Baez
Anak
unknown value,Jesse Dylan,unknown value,unknown value,Jakob Dylan,unknown value
Magulang
Abram Zimmerman
Beatrice Stone
Pirma
SiBob Dylan (Ipinanganak bilangRobert Allen Zimmerman; Mayo 24, 1941) ay isang Amerikanong uma-awit, mangagawa ng kanta, naglalaro ng mga instrumento, at artista. Isa siya sa pinakabantog at pinakamatagumpay na sikat na manganganta ng huling 40 mga taon. Ipinanganak siya bilangRobert Allen Zimmerman, subalit legal niyang pinalitan ng Dylan ang kanyang apelyido. Ipinanganak siya saMinesota,Estados Unidos. Noong kanyang kabataan, naging tagapagtangkilik siya ngrock and roll, at nagbuo ng ilang mga banda habang nasa hayskul. Ngunit, naunang naging tanyag siya bilang isang musikerong pambayan (musikangfolk). Noong 1962, inilabas niya ang una niyang album na payak na pinamagatangBob Dylan. Noong sumunod na taon, inilabas naman niya ang awiting-bayang "Blowin' in the Wind", na naging napakapopular. Noong 1965, nagsimula siyang tumugtog ng rock and roll. Noong taon ding ito niyang inilabas ang "Like a Rolling Stone", na itinuturing na pinakadakilang awiting pangmusikang popular sa lahat ng panahon. Sa Hulyo 29, 1966, nakaranas si Dylan ng isang aksidenteng pangmotorsiklo, na naging sanhi ng pagkabali ng maraming buto sa kanyang leeg. Nakaraan ang maraming mga buwan bago gumaling si Dylan, at wala siyang nailabas na mga tugtugin o musika sa panahong ito. Binalik-tanaw ni Dylan ang kanyang buhay habang nagpapagaling, nakita niya ang ginagawa ng iba pang mga manunugtog, at nagsagawa siya ng mga pagbabago sa sarili niyang estilo. Sa kanyang pagbabalik, naging kaiba sa kanyang mga naunang mga gawa ang album naJohn Wesley Harding. Habang nagsasagawa ng maraming mga paglalakbay na pangpagtatanghal noong mga kalagitnaan ng dekada ng 1960, napakakaunti ng kanyang pagpapakita sa madla hang sa gitna ng dekada ng 1970.
NagingKristiyano si Dylan, ngunit lumayo rin pagkaraan mula sa Kristiyanismo. Gumawa siya ng pagtuklas kaugnay ngHudaismo, isang pagbabagong sinundan ng kanyang mag-anak.[2] Sa kasalukuyan, ayaw niyang pag-usapan ang ukol sa kanyang relihiyon. Mula noong mga 1980, nagtuon siya ng pansin sa paglalakbay.