Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Blog

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Angblog ay iba pang katawagan o pinaiksing salita para saweblog (literal na "talaan sa web"). Isa itongwebsayt osityo sa web na parang isang elektronikongtalaarawan o diyornal. Karamihan sa mga tao ang makagagawa ng isang blog at, pagkatapos nito, sumulat kasunod ng blog na iyon. Tinatawag na mgablogger ang mga taong sumusulat sa mga blog. Kalimitang isinusulat ng mga blogero sa mga blog ang kanilang mga opinyon, saloobin, mungkahi, adbokasiya, alaala, kaisipan at iba pa.

Karamihan sa mga blog ay naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa ilang mga paksa; ang ilan naman ay ginagamit ito para gawingonline diary (talaarawang nasa internet). Isang mahalagang bahagi ng mga blog ay ang pagiging interaktibo, iyon ay ang kakayahang mag-iwan ng mga komentaryo mula sa mga taong nagbasa ng isang partikular na blog.Karamihan sa mga blog ay binubuo lamang ng purong salita (otextual), pero mayroon ding nakapunto ang nilalaman sa mga obra (art blog),larawan (photoblog), mga bidyo (video blogging, vlogging), musika (MP3 blogging), at mga tunog (podcasting).Microblogging naman ang tawag sa blog na sobrang ikli.

Ang salitangweblog, web log o web-log ay unang narinig mula kay Jorn Barger noong 17 Disyembre 1997. Habang ang pinaikling anyo nito -blog ay mula sa isang biro ni Peter Merholz noong Mayo 1999. Magmula noon, nagsilbing isa sa mga pinakaimportanteng bahagi ng journalism angblogging. Sa Pilipinas noong Disyembre 2009, isangphotoblog ang nagsilbing pinanggalingan ng halos lahat ng mga pangkat pambalita para ibalita ang isang sunog noong buwang iyon. Pero, nagmula rin sa blog ang karamihan sa mga kontrobersiyang kadalasan ay nagpapatama sa mga mahahalagang personalidad.


InternetAng lathalaing ito na tungkol saInternet ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Blog&oldid=2119514"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp