Angblaspemiya,lapastangang panrelihiyon orelihiyosong lapastangan (Ingles:Blasphemy), gaya ng tinukoy sa ilangrelihiyon o mga batas na nakabatay sa relihiyon, ay isang insulto na nagpapakita ng paghamak, di-paggalang o kawalan ngpamimitagan tungkol sa isang relihiyosongdiyos, isang bagay na itinuturing nabanal o isang bagay na itinuturing na di-nalalabag.[1][2][3] Itinuturing ng ilang relihiyon ang blaspemiya bilang isang relihiyosong krimen, kabilang ang pang-iinsulto sa Islamikong propeta na si Muhammad saIslam, ang pagsasalita ng "sagradong pangalan" sa Hudaismo, at ang "walang hanggang kasalanan" sa Kristiyanismo.
Sa unang bahagi ng kasaysayan ng Simbahan, ang blaspemiya o relihiyosong lapastangan ay "itinuring na nagpapakita ng aktibong di-paggalang sa Diyos at may kinalaman sa paggamit ng bastos na pagmumura o panunuya sa kanyang mga kapangyarihan".[4] Sa mundo ng medieval, ang mga gumawa ng blaspemiya ay nakikita na nangangailangan ng disiplina.[4] Pagsapit ng ika-17 siglo, maraming makasaysayang Kristiyanong bansa ang may batas laban sa blaspemiya. Ang mga blaspemiyang batas o batas ng lapastangang panrelihiyon ay inalis sa England at Wales noong 2008, at sa Ireland noong 2020. Pinawalang-bisa ng Scotland ang mga batas nito sa relihiyosong lapastangan noong 2021. Marami pang ibang bansa ang nag-alis ng mga batas sa blaspemiya kabilang ang Denmark, Netherlands, Iceland, Norway at New Zealand.[5] Magmula noong 2019[update], 40 na bahagdan ng mga bansa sa mundo ang hanggang ngayon ay may mga blaspemiyang batas, kasama ang 18 na mga bansa saGitnang Silangan atHilagang Aprika, o 90% ng mga bansa sa naturang rehiyon.[6][7][8] Ang mga relihiyong Dharmic, tulad ngHinduismo,Budismo atJainismo, ay walang konsepto ng blaspemiya at samakatuwid ay walang pinipreskribong kaparusahan.[9]
↑"Blasphemy". Random House Dictionary. Nakuha noong12 January 2015.Quote: impious utterance or action concerning God or sacred things.; the crime of assuming to oneself the rights or qualities of God.
↑Blasphemy Merriam Webster (July 2013); 1. great disrespect shown to God or to something holy 2. irreverence toward something considered sacred or inviolable
↑Blasphemies, in Webster's New World College Dictionary, 4th Ed, 1. profane or contemptuous speech, writing, or action concerning God or anything held as divine. 2. any remark or action held to be irreverent or disrespectful
↑4.04.1Maling banggit (Hindi tamang<ref>tag;walang binigay na teksto para sarefs na may pangalangNash2007); $2