Angbiyola[1] (mula sa Ingles naviola/viˈoʊlə/vee-OH-lə,[2]Italyano: [ˈvjɔːla, viˈɔːla]) ay isang uri nginstrumentong pangtugtog na mas malaki ang sukat kaysa isangbiyulin. Pinapatugtog ito gamit ang hilis (bow), o kaya'y kinakalabit sa iba't ibang pamamaraan. Mayroon itong mas mababa at mas malalim na tunog kaysa biyolin.
Karaniwang tinotono ang apat na kuwerdas ng biyola sa mga ikalima: ang pinakamababang kuwerdas ay C (isang oktabo sa ibaba ng gitnang C), na may G, D, at A sa taas nito. Eksaktong isang ikalima ang pagtotonong ito sa ibaba ng biyolin,[3] para mayroon silang tatlong kuwerdas na karaniwan—G, D, at A—at isang oktabo sa itaas ngbiyolonselo.
Sa mga dakilang kompositor, may ilan ang ginusto ang biyola kaysa biyolin kapag nagpapatugtog sa mgaensemble o grupo,[4] ang mga pinakakilala sa mga kompositor na ito sinaLudwig van Beethoven,Johann Sebastian Bach[5] atWolfgang Amadeus Mozart. Kabilang pa sa ibang kompositor na ginusto ang pagtugtog ng biyola saensemble sinaJoseph Haydn, Franz Schubert,Felix Mendelssohn,Antonín Dvořák, at Benjamin Britten. Ilan sa mga parehong biyolista at kompositor ay sina Rebecca Clarke at Paul Hindemith. Nakasulat ang mga kontemporaryong kompositor at biyolistang sina Kenji Bunch, Scott Slapin, at Lev Zhurbin ng ilang gawa para sa biyola.
↑Forkel, Johann Nikolaus.Über Johann Sebastian Bachs Leben, Kunst und Kunstwerke. Herausgegeben und eingeleitet von Claudia Maria Knispel (sa wikang Aleman). Berlin: Henschel Verlag.