Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Biyoimpormatika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Angbiyoimpormatika ay ang pag-aaral ng malalaking mga dami ng impormasyong biyolohikal o kabatirang pambiyolohiya. Sa karamihan, tumutuon ito sa mgamolekulang katulad ngDNA. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng tulong ng mgakompyuter. Kung kaya't ito ang paggamit ngestadistika atagham pangkompyuter sa larangan ngbiyolohiyang molekular. Ang katawagangbiyoimpormatika ay inimbento ninaPaulien Hogeweg at Ben Hesper noong 1978 para sa pag-aaral ng mga prosesong pangkabatiran o impormatika sa mga sistemang biyotiko[1]. Magmula noong hindi bababa sa hulihan ng dekada ng 1980, ang pangunahing gamit nito ay ang sahenomiks (henomika) athenetika, partikular na sa mga area ng henomiks na kinasasangkutan ng may malakihang sukat napagsesekuwensiya ng DNA. Sa kasalukuyan, kinasasangkutan na ang biyoimpormatika ng paglikha at pagpapasulong ng mga kalipunan ng dato (database), mgaalgoritmo, mga teknikong pangkomputasyon at pang-estadistika at teoriya upang malutas ang mga suliraning pormal at praktikal na nagmumula sa pamamahala at pagsusuri ng datong pambiyolohiya.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Hogeweg, P. (1978).Simulating the growth of cellular forms. Simulation 31, 90-96; Hogeweg, P. at Hesper, B. (1978)Interactive instruction on population interactions.Comput Biol Med 8:319-27.

BiyolohiyaKompyuterAng lathalaing ito na tungkol saBiyolohiya atKompyuter ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Mga subdisiplina ng biyolohiya
Hierarka ng buhay
Mga pundasyon ng Biyolohiya
Mga prinsipyo ng ebolusyon
Mga prinsipyo ng ekolohiya
Mga prinsipyo ng Biyolohiyang Molekular
Mga prinsipyo ng biyokimika
Glosaryo
Mga sangay ngbiyolohiya
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Biyoimpormatika&oldid=1945612"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp