Angbisa (Ingles:visa) ay ang opisyal na pahintulot na inilalagay ng isang kinatawan ng dayuhang konsular sa loob ngpasaporte upang ang isang tao ay papasukin at makapaglalakbay sa loob ng isang bansa.[1][2] Nanggaling ang salitangvisa mula sa isang salitangLatin na may ibig sabihing "tingnan", "tanawin", o "upang makita". Nagpapahayag ang pagkakaroon ng bisa na nasuri na ang pasaporteng kinapapalooban nito, at pinatutunayang nabigyan ng pahintulot ang nagmamay-ari o nagtatangan nito na dumalaw sa isang bansa. Bagaman maraming mga bisa ang walang bayad, mayroong may bayad na iba-iba ang halaga ayon sa bansa. Maaaring tumanggi ang isang bansa na magbigay ng bisa, kung ayaw nilang papasukin ang isang tao sa kanilang bansa. May ilang mga pamahalaang nagpapakailangan din ng isangpahintulot sa paglabas ng bansa.[2]
Ang lathalaing ito ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.