Angbentō (弁当 o べんと)[1] ay isang pang-isahang baon na nagmula saHapon. Sa labas ng Hapon, karaniwan ito sa mga lutuingTsino (kasama angTaiwanes) atKoreano, pati na rin sa mgalutuing Timog-silangang Asyano kung saan pangunahing pagkain angkanin. Maaaring maglaman ang tradisyonal nabento ng kanin o pansit na may isda o karne, madalas na may kasama ring gulay nainatsara at niluto sa isang lalagyan.[2] Iba't iba ang mga lalagyan nito mula mgagamit-tapongpangmaramihang-gawa hanggangbinarnisan na gawa sa kamay. Madaling makakuha ngbento sa maraming lugar sa Hapon, kabilang dito ang mgaconvenience store, tindahan ngbento (弁当屋,bentō-ya), estasyon ng tren, atalmasen. Gayunpaman, kadalasang ginugugol ng oras at lakas ang mga Hapones namaybahay sa paghahanda nga mgabaunan para sa kani-kanilang asawa, anak, o kani-kanilang sarili. Ang mgabento ay maaaring isagawa nang detalyado sa istilo na tinatawag na "kyaraben" ("bento ng karakter"), na karaniwang pinapalamutian para magmukhang sikat na karakter mula saanime,manga, olarong bidyo. Isa pang sikat na istilo ngbento ang "oekakiben" or "bento ng larawan". Pinapalamutian ito upang magmukhang tao, hayop, gusali, at bantayog o bagay tulad ng bulaklak o halaman. Kadalasang idinadaraos ang mga paligsahan kung saan nakikipagkumpitensiya ang mga tagapag-ayos ngbento para sa pinakakaakit-akit na pagsasaayos.
MMay mga maihahambing na anyo ng baunan sa mga bansa sa Silangang Asya kasama ang kalupaang Tsina at Taiwan (biàndāng saMandarin at "piān-tong" saHokkien Taiwanes) at Korea (dosirak), at sa mga bansa sa Timog-silangang Asya tulad ng Pilipinas (baon) at Thailand (pin-tou). Hinango rin ng kulturang Hawayano ang mga isinalokal na bersyon ngbento na nagtatampok ng mga lokal na panlasa pagkatapos ng higit sa isang dantaon ng impluwensyang Hapones.
Sa Hapon, isinusulat ang "bento" bilang弁当. Nagmumula ang salita sabalbal ngTimugang Song便当 (便當 (pinyin:biàndāng)), na nangangahulugang "maginhawa" o "kaginhawaan". Nang inangkat sa Hapon, isinulat ito gamit angateji便道 at弁道.[3][4]
Sa Hapon, ginagamit na ang salitang "bento" mula ika-13 dantaon at ang lalagyan mismo, na tinatawag din na "bento", ay nakilala na mula ika-16 na dantaon.[3]
Sa makabagong panahon, karaniwang ginagamit ang bento sa mga Kanluraning bansa at Silangang Asya. Sakalupaang Tsina,Hong Kong atTaiwan, isinusulat ang "bento" bilang便當 (pinyin:biàndāng).
↑"Bento: Changing New York's Lunch Culture" [Bento: Nagbabago sa Kulturang Pananghalian ng New York] (sa wikang Ingles).Chopsticks NY, vol. 27, Hulyo 2009, mga pa. 10-11.
↑3.03.1Bento弁当(べんとう) 語源由来辞典 (Diksiyonaryo ng Etimolohiya)