Angtulin (Ingles:velocity) obelosidad (mulaKastila:velocidad) ng isang bagay ay angdalas ng pagbabago ngposisyon nito, na sinusukat mula sa isangsinasangguning punto (Ingles:frame of reference). Samatematika, isa itongbunin ngpanahon. Di tulad ngbilis na isangeskalar na kantidad, ang tulin ay isangbektor; ibig sabihin, may direksyon rin ito bukod sakalakhan (Ingles:magnitude) o halaga. Ito ay isinusulat o nirerepresenta bilang:o. Mahalaga at parating ginagamit ang tulin sakinematika, isang sangay ngklasikong mekaniks na tumutukoy sa paggalaw ng mga bagay.
Kung nagbabago ang tulin ng isang bagay,umaarangkada ito.
May dalawang katangian ang tulin:bilis at direksyon. Ang bilis ay angeskalar na kantidad ng tulin. Kung nagbabago ang tulin ng isang bagay, ibig sabihin,umaarangkada ito.
Kung ang isang bagay ay kumikilos papunta sa iisang direksyon at patuloy na lumalayo o lumalapit mula sa orihinal na kinalalagyan nito nang hindi bumibilis o bumabagal, sinasabing ang naturang bagay ay may di-nagbabagong tulin (Ingles:uniform velocity). Sa kabilang banda naman, kung ito ay bumibilis o bumabagal sa paglalakbay, o kaya nagbabago ang kanyang direksyon, sinasabing ito ay may nagbabagong tulin (Ingles:non-uniform velocity).
Walang tulin ang isang bagay kung hindi nagbabago ang posisyon nito, na maaaring mangyari kung ito ay umalis at bumalik sa orihinal nitong posisyon, o kaya hindi ito umalis. Kung hindi nagbago ang posisyon, walang direksyon ang tulin. Ganon din sa kabaligtaran: kung walang direksyon ang tulin ng isang bagay, ibig sabihin, hindi nagbabago ang posisyon nito.
Ang tulin ay isang halimbawa ng bektor. May dalawang katangian ang mga bektor:kalakhan at direksyon. Ang kalakhan ng tulin ay angbilis nito, at ang direksyon ay kung saang gawi ito papunta.
Ang bilis ay isang eskalar na kantidad. Ibig sabihin, wala itong direksyon. Samantalang ang tulin naman ay bektor na nangangailangan ng eskalar na kantidad at direksyon.[1][2]
Para masabing di-nagbabago ang tulin ng isang bagay, dapat hindi nagbabago ang parehong bilis at direksyon nito. Ang ibig sabihin ng hindi nagbabagong direksyon ay kailangang tuwid o diretso ang tinatahak ng isang bagay.[3]Nagbabago ang tulin kung paikot-ikot ang direksyong tinatahak, kahit na di-nagbabago ang bilis. Sa kasong ito, sinasabingumaarangkada ang naturang bagay.