Batay sakasaysayan, kabilang sa mgaMabababang Lupain (oLow Countries saIngles) angkaharian bukod sa karamihang bahagi ngOlanda atLuksemburgo. Ang sakop ng rehiyong ito ay mas malaki pa sa saklaw ng kasalukuyang lipon ng mgabansangBenelux na dating kilala saLatinong katawagangBelgica na siyang hango saGallia Belgica na isang Romanong lalawigang sakop mahigit-kumulang ang sukat ng sinabing bahagi ngEuropa. Mula sa katapusan ngGitnang Panahon hanggang sa ika-17 siglo, ang rehiyon ay naging maunlad na lunduyan ngkalakalan atkultura. Mula sa ika-16 na siglo hanggang sa Himagsikang Belhikano ng 1830 nang humiwalay ang Belhika sa Olanda, maraming naganap na labanan sa pagitan ng maraming puwersang Europeo sa kinalalagyan ng Belhika na siyang tinaguriang "Battlefield of Europe" saIngles.
Nang makamit nito angkalayaan, naging bahagi ngRebolusyong Industriyal ang Belhika at sa buong ika-20 siglo ay nakapagmay-ari ng ilang kolonya saAprika. Ang ikalawang bahagi ng ika-20 siglo ang pagsilakbo ng agwatan sa pagitan ng mga Plamengko at mga Prangkopono (mga Valon) na pinasidhi ng pagkakaiba sa wika at di-pantay na pag-unlad ngekonomiya ngPlandes atValonia. Nagpatuloy ito sa mas lumubhang mga alitan na nagbigay-daan sa malawakang reporma sa pamahalaan ng Belhika na mula sa pinag-isang estado (unitary state) ay siyang ginawangpederal. Maliban pa dito, kabikabilang krisis pampolitika ang pinagdaanan ng bansa tulad ng nangyari mula 2007 hanggang 2011 na pinakamahaba sa kasaysayan.
Sa ngayon, ang Belhika ay nahahati sa dalawang rehiyon at dahil dito, dalawang wika. Ang mga nag-o-Olandes, o mga Plamengko (Flemish sa Ingles), ay nakatira saPlandes (Flanders). Samantala, ang mga nagpa-Pranses, tinaguriang mga Valon (Walloon), ay nasaValonia (Wallonia).
Ang kabisera at pinakamalaking lungsod ay angBruselas.