AngBiyelorusya (Biyeloruso:Беларусь,tr.Bielaruś), opisyal naRepublika ng Belarus, ay bansang walang pampang saSilangang Europa. Hinahangganan ito ngRusya sa silanga't hilagang-silangan,Litwanya atLetonya sa hilagang-kanluran,Polonya sa kanluran, atUkranya sa timog. Sumasaklaw ito ng lawak na 207,595 km2 at tinitirhan ng halos 9.1 milyong tao. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ayMinsk.
Sa pagitan ng panahong medievo at ika-20 siglo, pinamahalaan ang lupain ng kung ano ngayo'y tinatawag na Belarus ng mga banyagang estado, kabilang angRus ng Kyiv, Prinsipalidad of Polatsk, Dukadong Maringal ng Litwanya, Mankomunidad ng Dalawang Bansa, atImperyong Ruso. Matapos angHimagsikang Ruso ng 1917, nalikha ang Demokratikong Republika ngunit agad na ineksilya ng mga Bolshebista, na nagtagumpay sa naganap sadigmaang sibil sa dating imperyo at bumuo ngRepublikang Sosyalistang Sobyetiko sa bansa. Naging republikang konstituyente at pundador ito ngURSS. Nawala ang halos kalahati ng teritoryong hawak ng Biyelorusya sa pagtatapos ngDigmaang Polako–Sobyetiko. Karamihan sa mga makabagong hangganan nito ay nabuo noong 1939, nang naibalik ang iilan sa lupa ng Ikalawang Republikang Polako nang sinakalakay ng mga Sobyetiko ang Polonya sa ilalim ngPaktong Ribbentrop-Molotov. Sinalanta ng mga operasyong militar ang bansa noongIkalawang Digmaang Pandaigdig, nang nawala ang halos isang-kapat ng populasyon at kalahati ng mapagkukunang pang-ekonomiya nito. Sinakop ngAlemanyang Nazi ang Biyelorusya noong 1941, na gumawa ng malawak na insurhenteng kilusang anti-pasista sa bansa. Pinamunuan ng kilusan ang politika nito hanggang sa dekada 1970, kung saan trinansisyon nito ang ekonomiyang agraryo nito sa industriya. Prinoklama ng parlamento ang soberanya ng bansa noong Hulyo 1990, at nagdeklara ang Biyelorusya ngkasarinlan noong Agosto 1991. Ang estado ay lubhang nagdusa mula sa patakaran ngRusipikasyon.