Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Bawang

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Para sa ibang kagamitan, tingnan angBawang (disambiguation).

Bawang
Klasipikasyong pang-aghamedit
Kaharian:Plantae
Klado:Tracheophytes
Klado:Angiosperms
Klado:Monocots
Orden:Asparagales
Pamilya:Amaryllidaceae
Subpamilya:Allioideae
Sari:Allium
Espesye:
A. sativum
Pangalang binomial
Allium sativum

Angbawang (Ingles:garlic) oAllium sativum (L.) ay isang uri nghalamanggulay na ginagamit sa pagluluto.[1] Isa itong uri ngsibuyas[kailangang tiyakin] na nasa pamilyangAlliaceae. Kalapit na kamag-anak nito ang mgasibuyas. Ginagamit na ito sa kabuoan ng kasaysayang nakatala, partikular na sapagluluto atpanggagamot. Mayroon itong maanghang na amoy o lasang nakapagpapabanayad at nakapagpapatamis sa mga lutuin.[2]. Nahahati ang mga kumpol nito sa mga malalamang mga butil (bahaging karaniwang ginagamit). Ginagamit ang mga butil bilang buto, pagkain (hilaw o luto), at para sa panggagamot. Nakakain din ang mga dahon, sanga o tangkay, bulaklak sa ulo at kalimitang kinakain kapag mura at malambot pa. Ang tila mga papel na balot o balat at mga ugat na nakadikit sa mga kumpol ang mga natatanging bahaging hindi nakakain. Nagmumula ang matapang na amoy ng bawang sa nilalaman nitong kompawnd na maysulpur.[3]

Bilang halamang-gamot

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Pinahahalagahan na ang bawang ng may 5,000 mga taon, sapagkat isa sa mga katangian nito ang kakayahan sa pagpapababa sa antas ngkolesterol ngdugo, kaya't nakapagbabawas ng mga pagkakaroon ng atake sa puso sa mga pasyentengkardiyako. Isa rin itong estimulante o pampasigla ngsistemang imyuno at gumaganap naantibiyotiko. Hindi gaanong epektibo bilang gamot ang mga inalisan ng amoy na bawang.[3]

Bilang panlaban sa mga impeksiyon, partikular itong epektibo sa mga karamdamang pangbaga, suliraning dihestibo (sa panunaw ng tiyan), at mga impeksiyong dulot nghalamang singaw (fungus). Mainam din ito sa paglaban saaterosklerosis at pagkakaroon ngtrombosis. Nakapagpapaluwang ito ng butas ng mga ugat na daluyan ng dugo na nakapagpapababa ng presyon ng dugo. Nakakatulong din ito sa pagpapanatili ng antas ng asukal sa dugo, kaya't nakatutulong sa mga taong maydiyabetes. Bilang pamahid, nagagamit ang mga butil sa mga impeksiyon sa balat atakne. Mas mainam ito kung ginagamit ang sariwang bawang. Sa kasalukuyan, ilan sa mga paghahanda at anyong gamit sa panggamot ang mga bawang na dinurog at pinulbos, nasa loob ng kapsula o "perlas", o pinisa (giniling o piniga).[3]

Bawang

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James,Diksiyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ngNational Book Store, may 1583 na mga dahon,ISBN971-91055-0-X
  2. Gernot Katzer (2005-02-23)."Spice Pages: Garlic (Allium sativum, garlick)". Inarkibo mula saorihinal noong 2006-01-27. Nakuha noong2007-08-28.
  3. 3.03.13.2Ody, Penelope (1993). "Garlic,Allium sativum".The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.

Mga link na panlabas

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Mga yerba
Mga panimpla
African pepperAjwain (bishop's weed)Aleppo pepperAllspice •Amchur (pulbos ng mangga)Sangki •Aromatic gingerAsafoetida •Buto ng apyoCamphor •Caraway •Cardamom •Cardamom, blackCassia •Pamintang CayenneChili •Kanela •Clove •Buto ng silantroCubeb •Cumin, blackDill seedFennel •Fenugreek •Fingerroot (krachai)Galangal, greaterGalangal, lesserBawang •Luya •Grains of ParadiseHorseradish •Juniper berryKomino •Liquorice •Mace •Mahlab •Malabathrum (tejpat)Maitim na mustasaKayumangging mustasaPuting mustasaNasturtium •Nigella (kalonji)Nutmeg •Paprika •Pepper, blackPepper, greenPepper, longPepper, pink, BrazilianPepper, pink, PeruvianPepper, whitePomegranate seed (anardana)Buto ng amapolaSaffron •Sarsaparilya •Sassafras •Linga •Siling Sichuan(huājiāo,sansho)Star aniseSumac •Tasmanian pepperSampalok •Turmeric •Wasabi •Zedoary


HalamanBotanikaAng lathalaing ito na tungkol saHalaman atBotanika ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Bawang&oldid=2016052"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp