Isa ang Batangas sa pinakasikat na destinasyong panturismong malapit saKalakhang Maynila. Maraming mga magagandang baybayin ang lalawigan at kilala sa magagandang pook sisiran o"diving spots" kasama ang Anilao sa Mabini, ang pulo ng Sombrero sa Tingloy, pulo ng Ligpo sa Bauan, ang mga lugar na ito ay higit na kilala bilang Anilao. Kasama rin sa mga dinarayong lugar ay ang Matabungkay saLian, Punta Fuego saNasugbu,Calatagan at Laiya sa San Juan. Sa Batangas din matatagpuan ang tanyag naBulkang Taal, ang pinakamaliit na aktibong bulkan sa daigdig. Nasa Batangas ang ikalawang pinakamalaking daungang pandaigdig ng Pilipinas sunod sa Kalakhang Maynila.
Etimolohiya
Ang pinakaunang naitalang pangalan ng lalawigan ayKumintang. Ang sentro nito, ang kasalukuyang bayan ngBalayan, ay ang pinakamaunlad na bayang lalawigan at ang daing sentro ng pamahalaan. Lumaon, dahil sa pagkawasak ng bayan dahil sa pagsabog ng Bulkang Taal, inilipat ang sentro ng lalawigan saTaal, na dating tinatawag naBonbon at ang pangalan ng lalawigan ay pinalitan sunod sa pangalan ng bayan na iyon.
Ang salitangBatangan ay nangahuhulugang balsa, ang tawag ng mga katutubo sa sasakyang pantubig na gamit ng mga katutubo sa kanilang pangingisda sa kalapit naLawa ng Taal. Maaari rin siyang mangahulugang kahoy na gawa matatagpuan saIlog Calumpang, ang bahagi ng tubig na dumadaloy sa hilagang silangang bahagi ng bayan.
Mamamayan
AngTagalog ng Batangas na sinasalita sa lalawigan ay malapit sa sinaunang wikangTagalog na sinasalita bago dumating ang mga Kastila. Kaya ayon saSummer Institute of Linguistics[1], tinawag nila ang lalawigan bilang sentro ng wikang Tagalog.
Sa mga nakalipas na mga taon, ang pagdagsa ng mga katutubo mula saKabisayaan ang nagdulot ng pagdami ng mga Bisaya sa lalawigan. Mayroon din ilang nakapagsasalita ngKastila, dahil isang mahalagang sentro rin ang Batangas noong panahon ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas.
Isa ang Batangas sa may pinakamataas na antas ng kamuwangan sa Pilipinas sa 96.5%, kung saan ay higit na mataas ang muwang ng mga lalaki na nasa 97.1% kaysa sa mga babae na 95.9%.
Heograpiya
Pisikal
Magkahalong kapatagan at kabundukan ang lalawigan ng Batangas, kung saan matatagpuan din ang pinakamaliit na bulkan sa daigdig, angBulkan Taal, na may taas na 600 metro, na nasa gitna ngLawa ng Taal. Ang ilan pang mahahalagang bundok ay angBundok Makulot na may taas na 830 m, Bundok Talamitan, na may taas na 700 m, Bundok Pico de Loro na may taas na 664 m, Bundok Batulao, Bundok Manabo, at Bundok Daguldol.
Wika
Bagaman may sariling pamamaraan ng pagsasalita ng Tagalog ang mga Batangueño, matatas din manalita ng Ingles ang mga mamamayan nito. Nakauunawa din ng iilang salita sa wikang Kastila ang ilan sa mga Batangueño. Sa katunayan, ang ilang bayan gaya ngNasugbu, Taal at Lemery ay maroon pa ring iilang mananalita ng wikang Kastila. Marami rin ang nagsasalita ngCebuano dahil sa iilang dayo mula sa katimugan ng Pilipinas.
Pamahalaan
Politika
Ang Kapitolyo ng lalawigan ng Batangas
Kasama ang mga lalawigan ng ng Pulo ngPanay,Ilocos Sur atPampanga, isa ang Batangas sa mga naunang ekonomiyang binuo ng mga Kastilang nanirahan sa Pilipinas. Pinamunuan ito niMartin de Goiti at simula noon ay naging mahalagang sentro ang Batangas ng Pilipinas, hindi lamang para sa mga Tagalog. Unang nakilala bilang Bonbon ang Batangas. Isinunod ang pangalan nito sa kamangha-manghangLawa ng Taal, na dati ay tinatawag na Bonbon. Ang ilan sa mga naunang pamayanan sa Batangas ay naitatag malapit saLawa ng Taal. Noong 1534, naging kauna-unahang lalawigan naayos sa Luzon ang Batangas. Naging kabisera nito angBalayan simula noong 1597 hanggang 1732. Noong 1732, inilipat ito saTaal, at naging pinakamaunlad na bayan sa lalawigan hanggang noong 1754, nang mawasak ito ng pagsabog ng Taal. Noong 1889, inilipat ang kabisera sa kasalukuyangLungsod ng Batangas.
Pagkakahating Pampolitika
Mapang Pampolitika ng Batangas
Nahahati ang lalawigan sa 30 mgabayan at 4 mgalungsod.