Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Batanes

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Nangangailangan pongpatunayan ang nilalaman ng artikulo na ito sa pamamagitan ng mga pagdagdag o paglagay po ngsanggunian.(Mayo 2021)
Makakatulong po sapagpapabuti nito ang pagdadagdag ngmapagkakatiwalaang sanggunian.
Tandaan lamang po na maaaringbalaan o maalis ang mgaimpormasyong walang sanggunian.
Batanes
Lalawigan ng Batanes
Watawat ng Batanes
Watawat
Opisyal na sagisag ng Batanes
Sagisag
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Batanes
Mapa ng Pilipinas na magpapakita ng lalawigan ng Batanes
Map
Mga koordinado: 20°35'N, 121°54'E
Bansa Pilipinas
RehiyonLambak ng Cagayan
KabiseraBasco
Pagkakatatag1909
Pamahalaan
 • UriSangguniang Panlalawigan
 • GobernadorMarilou Cayco
 • Manghalalal13,655 na botante (2025)
Lawak
[1]
 • Kabuuan219.01 km2 (84.56 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2024)
 • Kabuuan18,937
 • Kapal86/km2 (220/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
4,709
DemonymIvatan
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-5 klase ng kita ng lalawigan
 • Antas ng kahirapan2.60% (2021)[2]
 • Kita₱ 748.9 million (2022) (2022)
 • Aset₱ 1,769 million (2022)
 • Pananagutan₱ 359.2 million (2022)
 • Paggasta₱ 460.5 million (2022)
Pagkakahating administratibo
 • Mataas na urbanisadong lungsod0
 • Lungsod0
 • Bayan6
 • Barangay29
 • Mga distrito1
Sona ng orasUTC+8 (PST)
PSGC
0200900000
Kodigong pantawag78
Kodigo ng ISO 3166PH-BTN
Klimatropikal na monsoon na klima
Mga wikaWikang Ibatan

Ang lalawigan ngBatanes (Batánes)[3][a] ay isang kapuluan at ang pinakahilagang lalawigan ngPilipinas. Kabilang ito sa rehiyon ngLambak ng Cagayan. Sa laking 219.01km2 at kabuuang populasyon na 17,246 noong 2015, ito rin ang pinakamaliit na lalawigan pagdating sa kabuuang laki ng sakop at populasyon. Ang bayan ngBasco, matatagpuan sa isla ngBatan, ay ang kabisera nito.

Matatagpuan ang kapuluan sa layong 162 kilometro hilaga ng isla ngLuzon at halos 190 kilometro timog naman ng isla ngTaiwan. Napapagitnaan ito ng dalawang bambang na naghihiwalay sa kapuluan mula sa karatig nitong anyong-lupa, angBambang ng Bashi sa hilaga, atBambang ng Balintang sa timog.

Etimolohiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Galing sa salitang Ivatan naBatan ang Batanes. Ang salitang ito ay ang lokal na tawag ng mgaIvatan sa kanilang pangkat-etniko.

Tao at Kultura

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang mga tao rito ay mabait. Ang kultura ng mga taga-Batanes o mgaIvatan, ang tawag nila sa kanilang mga sarili, ay isa sa mga pinakamatanda sa buongPilipinas. Sinasabing ang mga ninuno ng mga Ivatan ay nanggaling sa timog Taiwan 3,500 taon na ang nakakaraan at ginawang tulay ang Batanes upang makarating na sa mga malalayong lugar tulad ngIndonesia atMicronesia. Ang kultura nila ay pareho rin sa kultura ng mga tribo saLan Yu (timog Taiwan), dahil sa ang kanilang wika, angYami, ay medyo hawig saIvatan. Isa pang tribo na ikinukumpara ang mga Ivatan ay sa mga isla ngRiyuku na matatagpuan sa timogHapon. Sa pakikipagkapwa, talagang masaya sila kung may malalaman silang mga kababayan. Talagang mahal nila ang kanilang kapwa, tinatawag napachilipulipus.

Ngayon, ang kanilang kultura ay may halong banyaga na dahil sa pag-kolonisa sa kanila ng mgaKastila, na naghatid ng malaking impluwensiya sa kanilang wika, relihiyon, at mga tradisyon. Nahaluan na rin ng modernong mga kostumbre ang mga Ivatan dahil sa impluwensiya ng Maynila (na may mgadirect flight na patungo roon) at ngAmerika, sa kadahilanang maraming Ivatan na ang maaaring magtungo roon.

Ang kanilang wika, angIvatan, ay katangi-tangi rin dahil sa kakaibang bokabularyo at pagbigkas nito hindi katulad ng isang tipikal nawika sa Pilipinas. May mga similaridad naman ang Ivatan sa ibang mga wika sa hilagang Luzon, tulad ngIlokano atIbanag. Ang Ivatan ay may malaking pagkakatulad sa isang wika sa timog Taiwan, angYami, na salita ng mga katutubongLanyu roon. Sinasabi ng mga lingguwistiko na iisa ang pinanggalingan ng dalawang salita. Sinasabi rin daw na may ilang tribo pa sa timog Taiwan malapit sa lugar ngBanking na ginagamit ang Ivatan bilang wika.

Dahil sa binubuo ang Batanes ng maraming isla, hindi masyadong nagkakaintindihan ang mga tao roon. Sa mismong isla pa lang ngBatan, may dalawang diyalekto na ng Ivatan ang natagpuan, angIvasayen na ginagamit sa kapitolyo (Basco). Ang ikalawa ay angIsamurungen, na ginagamit sa mga munisipalidad ngMahatao,Ivana,Uyugan, atSabtang. Hindi masyadong magkaiba ang dalawa ngunit ang nakikitang pagkakaiba nila ay may kinalaman sa pagbigkas. May isa pang diyalekto ang Ivatan, angItbayaten. Ito ay ginagamit sa isla ngItbayat. Ang isang taga-Batan o Sabtang na makapunta sa Itbayat sa unang pagkakataon ay hindi kaagad makakaunawa ng diyalekto nila roon. Sinasabi nga na ibang lengguwahe na ang Itbayaten dahil hindi na halos maintindihan ang kanilang salita. Ang huling diyalekto ng Ivatan ay angIbatan, ang wika saBabuyan Islands na parte na ngCagayan. Mas magkatulad pa sila ng Itbayaten kaysa sa Ivasayen at Isamurungen.

Administrasyon

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Nahahati sa anim na bayan ang Batanes, lahat ay kinakatawan ng iisang distritong pangkongreso.

Mga paghahating administratibo sa Batanes.
Mga bayan ng Batanes
BayanPopulasyon(2020)Lawak(km2)Kapal(kadakm2)Barangay
Basco9,51749.461706
Itbayat3,12883.13345
Ivana1,40716.54804
Mahatao1,70312.901204
Sabtang1,69640.70406
Uyugan1,38016.28804
KABUUAN18,831219.017929
Kabisera ng Batanes ang nakadiin.

Heograpiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Topograpiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Mgabaka, sa madamongburol ng Batanes

Ang Batanes ay grupo ng mga isla na tinatawag naMga Isla ng Batanes(Batanes Islands) at ang mga ito ay nasa dulong hilagang bahagi ngPilipinas. Ang mga ito ay nasa pagitan ngMga Isla ng Babuyan (nasasakop ng Probinsiya ngCagayan) atTaiwan. Ang mga islang ito ay may kaunting naninirahan at madalas na daanan ng mga bagyo.

Ang tatlong malalaking isla ay angItbayat,Batan, atSabtang. Ang nasa pinakadulong hilaga naman ay angIsla ng Mavudis.

Halos kalahating bahagi ng Batanes ayburol atbundok. AngIsla ng Batan, ay may kabuuang lawak na 35 km², ay halos bulubundukin ang hilaga at timog-silangang bahagi nito. Animo'y hugis palaggana ang gitna nito. AngIsla ng Itbayat, na may kabuuang lawak na 95 km², ay padalisdis kadalasan pakanluran, dahil sa bulubundukin at maburol ang hilaga at silangang baybayin nito. Ang Sabtang naman ay nasasakop ng bundok ang gitnang bahagi, ang islang ito ay may kabuuang lawak na 41 km², na siyang dahilan upang ang lupa ay dumalisdis palabas ng baybayin nito.

Kamangha manghang mga burol ng Basco

Ang mga isla ay napapalibutan ng malawak na katubigan ngBashi Channel atBalintang Channel, kung saan ang Karagatang Pasipiko at Dagat Tsina ay nagtatagpo. Ang lugar ay syang pangunahing daanang pantubig ngPilipinas atJapan,Tsina,Hongkong atTaiwan. Mayaman ito sa yamag-dagat, kabilang na ang pinaka bihirangcorals sa mundo.

Ang probinsiya ay maburol at mabundok, na may halos 1,631.50 ektarya o 7.10% na bahagi nito ay taas-baba at 78.20% o 17,994.40 ektarya ay nahahati sa pataas-baba hanggang sa padalisdis, hanggang sa sobrang dalisdis. Apatnapu't dalawang bahagi (42%) o 9,734.40 ektarya ang padalisdis hanggang sa mabangin na lugar.

Mabatong baybayin ng Valugan Beach

Dahil sa natatanging katangian ng lugar, maganda ang daloy ng tubig dito at halos di nagtatagal ang pagbaha. Ang pangunahing isla ng Batan ang may pinakamalaking bahagi ng patag at halos patag ang lupa, kasunod ang Itbayat at Sabtang. Ang Itbayat ay may padalisdis hanggang sa halos patag na lupa sa mala talampas ng paligid nito patuloy hanggang sa matataas na bangin na umaabot sa halos 20-70 metro ang taas sa ibabaw ng dagat, at halos walang dalampasigan. Ang Sabtang naman ay may maliit na patag na lupa na manaka-nakang nakapaligid sa baybayin nito, habang ang gitna naman ay halos nasasakop ng matarik na bundok at malalalim na lambak. Ang isla ng Batan at Sabtang ay may paputol putol na maiikling baybayin na may buhangin at mga batuhan.

Ang kalupaan ng probinsiya na kahangahanga at kaakit akit ang halos bawat sulok, ay may limitadong katangian sa pagpapalawak ng agrikultura para sa sadyang napakaiit na probinsiya.

Klima

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Madilim naulap sa ibabaw ng parola ng Basco, nagbabadya ngulan

Ang klima dito ay halos pareho ng saTaiwan. Kadalasan ang lugar ay nakakaranas ng mababa sa normal na temperatura na 55 degriFahrenheit (13 °C).

Ang probinsiya ay kadalasang winawalis ng malakas na hangin at ulan na syang nagbibigay ng maling paniniwalang ang Batanes ay palaging ginugupo ng mga bagyo.Kung bakit ang Batanes ay laging naiiugnay sa sama ng panahon, ito ay dahil sa ang kabisera nitong basco ay ang huling himpilan ng panahon sa hilaga. Ito rin ang lugar na pinagbabatayan ng lahat ng bagyo na pumapasok sa nasasakupan ng Pilipinas. Wala itong ipinahayag na tuyo at basang panahon. Umuulan dito ng halos pinakamababa ang walong araw hanggang sa pinakamataas na 21 araw sa loob ng isang buwan. Nakakaranas dito ng praktikal na apat na pahahon, ang pinakamainam ay ang tag araw (Abril-Hunyo) at taglamig (Disyembre-Pebrero), kung saan ang temperatura ay kadalasang bumababa sa pitong digri Celsius.

Ang mainam na panahon ng pagpunta dito ay tuwing kalagitnaan ng Marso hanggang Hunyo. Ang "Indian summer" kadalasang nag uumpisa ng Setyembre. Minsan, ang panahon ay nag uumpisang maging maganda pinakamaaga na ang Pebrero hanggang sa pinakahuli ang Hulyo. Hanging galing hilaga o timog ang nagdadala ng malamig na hangin. Nagdadala rin ang mga ito ng sama ng panahon at namumuong mga ulap na nagiging dahilan ng pagkakansela ng pagdating o pag alis ng eroplano. Ang tag-lamig, ay ang malamig na panahon na nararanasan ng Ivatan kaya tinatawag nila itong tag-lamig (winter) ay nararanasan tuwing Disyembre hanggang Pebrero. Kung mag pupunta ng Batanes, lagi lang tandaan na sa mga islang ito ayvmadaling magbago ang panahon. Kung kaya't dapat maging handa sa anumang panahon ang mararanasan mo.

Pisikal

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang Batanes ay 680 km ang layo saMaynila at 280 sa bayan ngAparri. Sa hilaga nito, naroon ang kanal ngBashi, sa timog naman ay ang kanal ngBalintang. Sa kanluran ay angDagat Timog Tsina, at sa silangan ay angKaragatang Pasipiko. Binubuo ang lalawigan ng sampung isla. Ito angBatan,Itbayat,Sabtang atVuhos na pinakamalaki, ang iba pa aySiayan,Mavudis,Misanga,Ditarem,Dinem atDequey na walang nakatirang tao.

Kalikasan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang flora at fauna sa Batanes ay talagang katangi-tangi at doon lang matatagpuan. Maraming species ng mga hayop at halaman ang doon lang matatagpuan. Pati ang mga tanawin doon ay kakaiba, tulad ng mga bundok at mga dalampasigan.

Mga tanawin

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga bundok at dalampasigan:

  • Valugan Beach
  • Mt. Riposed
  • Mt. Iraya
  • Mt. Matarem
  • Rapang du Kavuyasan
  • Mt. Karobooban
  • Duvek Bay
  • Vuhos Marine Reserve
  • Tukon Hedgerows

Mga tradisyonal na bahay sa:

Pamayanan ng mga mangingisda ng Diura
  • Savidug
  • Chavayan
  • Nakanmuan
  • Sumnanga
  • Diura
  • Raele

Mga arkitekturang may impluwensiyang Kastila:

  • ang simbahan at plaza ng San Carlos Borromeo, Mahatao

Mga Ijangs (mgafortress okuta sa mga bundok):

  • Itbud Ijang
  • Ivana Ijang
  • Chuhangin Ijang
  • Savidug Ijang

Mga tirahan ng mga sinaunang Ivatan:

  • Rakuaydi
  • Nahili du Vutox
  • Mt. Karobooban

Mga libingang pa-barko ang hitsura:

  • Chuhangin
  • Nakamaya
  • Turungan

Mga hayop at halaman

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga puno:

  • Vutalaw (Calophyllum inophyllum)
  • Aynas (Anacardium occidentale)
  • Nato (Palaquium luzoniense)
  • Malaapdo (Gonstylus bancanus)
  • Vatinglaw (mga species ngDiospyros)

Mga damo:

  • Vayasuvas (Freycinetia willamsii)
  • Tamidok
  • Karukmuten

Mga hayop:

Ekonomiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Halos 75% ng mga Ivatan ay magsasaka at mangingisda. Ang ibang bahagi naman ay nagtatrabaho sa pamahalaan at pribadong kompanya. Bawang at bakahan ang pangunahing pinagkakakitaan dito. Ang mga Ivatan ay nagtatanim din ng kamote baging, kamoteng kahoy, gabi, at ang biharang uri ng puting uvi. Ang tubo ay itinatanim upang makagawa ng palek, isang uri ng katutubong alak, at suka.

Sa kasalukuyan, ang mga isdang nahuhuli rito ay unti-unting nababawasan dahil sa kakulangan ng tamang kaalaman. Kakaunti lang ang mga pwedeng pasukang trabaho rito. Kadalasan ang mga nakapag-aral na mga Ivatan ay lumuluwas sa siyudad o nag pupunta sa labas ng bansa.

Angwind diesel generating plant ay binuksan noong 2004.

Layo at masamang panahon ang syang humahadlang sa pag angat ng ekonomiya rito. Ang ibang pangngailangan gaya ng bigas, softdrinks, at gasolina ay kadalasang may dagdag na 75% hanggang 100% kumpara sa presyo nito sa Maynila.

Talababa

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Wikang Ivatan:Provinsiya nu Batanes

Sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "Province:".PSGC Interactive. Quezon City, Philippines:Philippine Statistics Authority. Nakuha noong12 Nobyembre 2016.
  2. "2021 Full Year Official Poverty Statistics of the Philippines"(PDF). Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 15 Agosto 2022. Nakuha noong28 Abril 2024.
  3. "Batánes".Diksiyonaryo.ph (sa wikang Filipino). Nakuha noong3 Enero 2021.

Kawing Panlabas

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Lalawigan ngBatanes
Basco (kabisera)
Mga bayan
Mga barangay
Mga distritong pambatas
Rehiyon I
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon II
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon III
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon IV
Lalawigan
Lungsod
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon V
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon VI
Lalawigan
Lungsod
NIR
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon VII
Lalawigan
Lungsod
Bogo •Carcar •Cebu •Danao •Lapu-Lapu •Mandaue •Naga •Tagbilaran •Talisay •Toledo
Rehiyon VIII
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon IX
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon X
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon XI
Lalawigan
Lungsod
Rehiyon XII
Lalawigan
Lungsod
General Santos (Dadiangas) •Kidapawan •Koronadal •Tacurong
Rehiyon XIII
Lalawigan
Lungsod
CAR
Lalawigan
Lungsod
NCR
Kabiserang Distrito
Ikalawang Distrito
Ikatlong Distrito
Distritong Katimugan
BARMM
Lalawigan
Lungsod
Mga ibang teritoryo
Mga pinag-aagawang teritoryo


Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Batanes&oldid=2042433"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp