Angbaranggay obarangay ay ang pinakamaliit na yunit ngpamahalaang lokal saPilipinas. Ang mgabayan atlungsod ay binubuo ng mga barangay. Dinagdaglat ito minsan bilang“brgy.” at bumubuo din ito ng "Sangguniang Kabataan" upang magabayan ang kaayusan at kalusugan ng mga kabataan sa bawat barangay.
Naisining ang katagangbarangay at kayarian nito sa makabagong konteksto noong pamamahala niPangulongFerdinand Marcos, na naging pamalit ng mga lumang baryo. Naisakodigo ang mga barangay sa ilalim ng Kodigo ng Pamahalaang Lokal noong 1991.
Tungkol ito sa isang yunit ng pamayanan sa Pilipinas, para sa elementong kimikal, pumunta saBaryum.
Sa kasaysayan, isang maliit na pamayanan ang isang barangay na binubuo ng 30 hanggang 100pamilya. Mayroon lamang ang mga nayon ng tatlumpu hanggang isang daang mgabahay at nasa isang-daan hanggang limang-daan katao lamang ang tipon[a]. Sang-ayon kayLegazpi, tinatag niya na ang isang komunidad ay may dalawampu hanggang tatlumpung mga tao lamang. Maraming mga nayong malapit sa pampang sa rehiyon ngKabisayaan ang binubuo lamang ng walo hanggang sampung bahay. Hinango tuwiran ang salitangbarangay sa lumang bangkang Malay na tinatawag nabalangay. Karaniwang pinaniniwalaan noong panahon na ang Pilipinas ay hindi pa nasakop, nabuo ang bawat tunay na mga “barangay” sa pampang bilang hinatnan ng mga taong dumating sa pamamagitan ng mga bangka mula sa Taiwan, ang Out-of-Taiwan theory.
Karamihang nasa pampang o ilog ang mga pamayanan dahil nasa dagat at ilog ang pangunahing pinagkukunan ng laman. Umaasa ang karamihan ng mga tao sa pangingisda para sa pagkain at saka naglalakbay ang mga tao sa pamamagitan tubig. Ang paggalaw ng tipon ay malapit sa mga ilog at sa tabi ng mga pampang, laging sinusundan ng mga sistema ng ilog ang mga bakas. Naging isang pangunahing pinagkukunan ng tubig para sa pampaligo, panghugas, at pang-inom ang ilog. Bukod diyan, naging malapit sa mga mangangalakal ang mga nayong malapit sa mga baybayin kung saan nasulong ang aktibidad pang-ekonomiya. Naging daan ang pangangalakal sa mga nangangalakal upang makitungo sa mga ibangkultura atsibilisasyon tulad ng mgaIntsik,Indiyan, atArabo. Gawa non, nakakamit ng mataas na antas ng kagawian[b] ang mga komunidad sa mga baybayin saMaynila,Cebu,Jolo atButuan.
Sa pagdating ng mananakop na mgaKastila, ilan sa mga lumang barangay ang pinagsama upang buoin ang mga baryo. Pinamumunuan ngcabeza de barangay ang bawat barangay sa isang baryo. Unang nakakamit ng pagkalagak[c] ang mgadatu na naging cabeza de barangay, ngunit ginawang hinahalal sa kalaunan. Paglikom ng mga buwis sa mga mamamayan ang pangunahing tungkulin ng mga cabeza de barangay.
Nang dumating ang mgaAmerikano, namayani ang katagangbaryo, habang naging ganoon ang tawag sa mga barangay. Naging ganito ang katawagan sa ika-dalawampung siglo hanggang inutos ni Marcos na baguhin ang pangalan mula sa baryo pabalik sa barangay. Ginamit na ang pangalan simula noon, bagaman may ilang tao ang ginagamit pa rin ang lumang kataga.
Mayroong isang unyon ng mga barangay sa Pilipinas: angLiga ng mga Barangay. Kinakatawan ang 41,939 barangay, ito ang pinakamalaking pundamental na organisasyon sa Pilipinas. SiJames Marty Lim na kasapi ng ABC Partylist sa Pilipinas ang kasalukuyang pangulo nito.
Ang mga baranggay ay may pananagot sa paghatol sa tao ngunit walang maanyong[d] hukuman sa pamahalaang barangay. Gayunpaman, ang lahat ng usapan ay dumaraan sa pampublikongpaglilitis. Kapwa pinagsasalita ng kaniya-kaniyang panig sa usapin angnasasakdal. Kapwa sila pinanunumpa na sila ay mag-uutas ng pawang katotohanan lamang.