Nakaturo ang "Country" dito. Para sa ibang mga gamit, tingnan angCountry (paglilinaw).
Mapa sa taóng 2019 na nagpapakita ng mga kinikilalang mga bansa, at mga iilang mga bansang di-kasapi ng mga Nagkakaisang mga Bansa, at iba pang mga teritoryo.
Saheograpiyangpolitikal at pandaigdigang politika, ang isangbansa (mula saSanskrito:वंश [vanśa]) ay isang pagkakahating pampolitika ng isang entidad pang-heograpiya, isangsoberanyangsakop, na mas karaniwang kumakabit sa mga kaisipangestado o nasyon atpamahalaan. Ang pormal na pagkikilala bilang estado ay nangangailangan ng pagganap ng teoriyang konstitutibo ng pagka-estado, na nangangilangan ng isang estado ng pagkilala mula sa ibang mga estado na, mula sa iyon, ay kinikilala rin ng ibang mga lehitimong estado, upang maging isang estado.
Nagmula ang salitangbansâ saSanskrito:वंश /ʋɐ̃.ɕɐ́/ o /vaṃśá/ na ang ibig-sabihin ay lahi, saling-lahi, kaangkanan.
Sa karaniwang paggamit, ang salitang bansa ay malawak na ginagamit sa diwa ng pagiging nasyon at estado, na may iba't ibang kahulugan. Sa ilang mga kaso tumutukoy ito sa mga estado at sa ibang mga pampolitikang entidad,[1][2][3] ngunit sa ilang mga panahon tumutukoy lamang ito sa mga estado[4] Itinuturing na karaniwan para sa mga lathalaing tungkol sa pangkalahatang impormasyon o estadistika na angkinin ang mas malawak na kahulugan para sa layong maglarawan o maghambing.[5][6][7][8][9]
Maraming mga entidad na nagbubuo ng isang heograpiking entidad na may kohesyon, kung saan ilan ay dating estado, ngunit sa ngayon ay hindi estadong suberano (tulad ngInglatera,Eskosya atGales), ay karaniwang tinutukoy bilang mga bansa. Ang antas ngpagsasarili ng gayung mga bansa ay malawak na nag-iiba. May ilang sinasakupan ng mga estado, sapagka't maraming mga estado ay may mgateritoryong umaasa (tulad ngKapuluang Birhen ng Britanya, angNetherlands Antilles atSamoang Amerikano), na may teritoryo at mamamayang magkaiba sa kanilang mga sarili. Ang ganoong mga teritoryong umaasa ay minsang nakatala kasabay ng mga malalayang estado sa tala ng mga bansa.