AngBangladesh,[a] opisyal naRepublikang Bayan ng Bangladesh,[b] ay isang bansa saTimog Asya. Ito angikawalong pinakamataong bansa sa mundo at kabilang samga bansang may pinakamakapal na populasyon na may populasyon na halos 170 milyon sa sukat na 148,460 km2 (57,320 sq mi). Matatagpuan ang Bangladesh sa mga hangganan saIndya sa hilaga, kanluran, at silangan, atMyanmar sa timog-silangan. Sa timog, mayroon itong baybayin sa kahabaan ngLook ng Bengal. Makitid na hinihiwalay ito saBhutan atNepal ng Koridor ng Siliguri, at mula saTsina ng bulubunduking estado ngSikkim ng Indya sa hilaga. AngDhaka, ang kabisera atpinakamalaking lungsod, ay ang sentrong pampulitika, pananalapi, at kultura ng bansa. AngChittagong ay ang pangalawang pinakamalaking lungsod at ang pinaka-abalang daungan sa Look ng Bengal.Bengali ang opisyal na wika ng Bangladesh habang ginagamit din ang Ingles na Bangladeshi sa gobyerno at mga opisyal na dokumento kasama ngBengali.
Binubuo ng Bangladesh ang soberanong bahagi ng makasaysayang atetnolingguwistikong rehiyon ng Bengal, na hinati sa panahon ng Paghahati ng Indiyang Britaniko noong 1947 bilang silangangengklabo ng Dominyo ng Pakistan, kung saan nahiwalay ito sa isang madugong digmaang pagsasarili noong 1971.[17] Ang bansa ay may mayoryang na Bengali. Kilala ang sinaunang Bengal bilang Gangaridai at isang balwarte ng mga kaharian bago ang Islam. Naipahayag ng mga pananakop ng Muslim pagkatapos ng 1204 ang panahon ng sultanato atMughal, kung saan binago ng isang independiyenteng Sultanato ng Bengal at isang mayamang Bengal na Mughal ang rehiyon bilang isang mahalagang sentro ng mga usaping pangrehiyon, kalakalan, at diplomasya. Pagkatapos ng Labanan sa Plassey noong 1757, umabot ang pinakamataas na lawak ng Bengal na Britaniko mula saPasong Khyber sa kanluran hanggang saSingapore sa silangan.[18][19] Nagtakda ang paglikha ng Silanganing Bengal at Assam noong 1905 ng isang pamarisan para sa paglitaw ng Bangladesh. Itinatag ang Liga ng Lahat na Muslim sa Indya sa Dhaka noong 1906.[20] Noong 1940, ang unang Punong Ministro ng Bengal, si AK Fazlul Huq, ay sumuporta sa Resolusyon Lahore. Bago ang pagkahati ng Bengal, isang estadong soberanya ng Bengali ang unang iminungkahi ni premiyer HS Suhrawardy. Isang reperendum at ang anunsyo ng Linyang Radcliffe ang nagtatag ng kasalukuyang hangganan ng teritoryo.
Noong 1947, naging pinakamataong lalawigan ang Silangang Bengal sa Dominyo ng Pakistan. Pinalitan ang pangalan nito sa Silangang Pakistan, at naging kabiserang pambatas ng bansa angDhaka. Nagresulta ng pag-angat ngnasyonalismong Bengal at mga kilusang panig sademokrasya ang Kilusang Wikang Bengali noong 1952; ang halalang pambatasan sa Silangang Bengali, 1954; angkudeta sa Pakistan ng 1958; ang anim na puntong kilusan ng 1966; at ang halalang pangkalahatan sa Pakistan ng 1970. Humantong ang pagtanggi ng huntang militar na Pakistani na ilipat ang kapangyarihan sa Ligang Awami, sa pamumuno ni Sheikh Mujibur Rahman, ng Digmaang Pagpapalaya ng Bangladesh noong 1971. Naglunsad si Mukti Bahini, na tinulungan ngIndya, ng isang matagumpay naarmadong rebolusyon. Nakita ng salungatan anghenosidyo ng mga Bangladeshi at ang masaker ng maka-kalayaan na mga sibilyang Bengali, na pangunahing nagta-target sa mga intelektuwal. Naging unang sekular na estado na nakalagay sa konstitusyon sa Timog Asya ang bagong estado ng Bangladesh noong 1972.[21] Noong 1988, idineklera angIslam narelihiyon ng estado.[22][23][24] Noong 2010, muling pinagtibay ng Korte Suprema ng Bangladesh ang mga sekular na prinsipyo sa konstitusyon.[25] Opisyal na idineklara ito ng Konstitusyon ng Bangladesh bilang isangsosyalistang estado.
Isang gitnang kapangyarihan sa Indo-Pasipiko,[26] nasa Bangladesh ang ikalimang pinakasinasalitang katutubong wika sa mundo, ang pangatlo sa pinakamalaking populasyon ng Muslim na karamihan sa mundo, at ang pangalawang pinakamalaking ekonomiya sa Timog Asya. Pinapanatili nito ang pangatlo sa pinakamalaking militar sa rehiyon at ang pinakamalaking tagapag-ambag ng mga tauhan sa mga operasyong pangkapayapaan ngMga Nagkakaisang Bansa.[27] Ang Bangladesh ay isangunitaryongrepublikangparlyamentaryo batay sa sistemang Westminster. Binubuo ang mga Bengali ng halos 99% ng kabuuang populasyon.[28] Binubuo ang bansa ng walong dibisyon, 64 na distrito at 495 na mga subdistrito, pati na rin ang pinakamalaking taniman ngbakawan sa buong mundo. Nasa Bangladesh din ang pinakamalaking populasyon ng takas (orefugee) sa mundo dahil sa henosidyo ng Rohingya.[29] Ang Bangladesh ay nahaharap sa maraming hamon, partikular na angkatiwalian, kawalang-tatag sa politika, sobrangpopulasyon at mga epekto ngpagbabago ng klima. Naging pinuno ang Bangladesh sa loob ngClimate Vulnerable Forum (o Pagtitipon sa Maaring Mapektuhan ng Klima). Narito sa bansang ito ang punong-tanggapan ngBay of Bengal Initiative for Multi-Sectoral Technical and Economic Cooperation (BIMSTEC, Inisyatibong Look ng Bengal para sa Multi-Sektoral na Teknikal at Kooperasyong Ekonomiko). Ang bansa ay isang kasaping tagapagtatag ngSouth Asian Association for Regional Cooperation (SAARC, Timog Asyanong Asosasyon para sa Koopersyong Pang-rehiyon), gayundin bilang miyembro ng Organisasyon ng Kooperasyong Islamiko atKomonwelt ng mga Bansa.
↑বাংলা ভাষা প্রচলন আইন, ১৯৮৭ [Batas ng Implementasyon ng Wikang Bengali, 1987].bdlaws.minlaw.gov.bd (sa wikang Bengali). Ministry of Law, Justice and Parliamentary Affairs.Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Enero 2024. Nakuha noong7 Enero 2024.
↑"KEY FINDINGS HIES 2022"(PDF) (Pahayag para sa midya) (sa wikang Ingles). Bangladesh Bureau of Statistics. p. 15.Inarkibo(PDF) mula sa orihinal noong 2023-05-30. Nakuha noong13 Abril 2023.
↑Nations, United (13 Marso 2024)."Human Development Report 2023-24" (sa wikang Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong 2024-03-18. Nakuha noong18 Marso 2024 – sa pamamagitan ni/ng hdr.undp.org.