Isa sa pinakamahabáng pangálang pampoók sa mundó ang buó at seremonyál na ngalan ng Bangkók. Iginawad ito ni Harìng Buddha Yodfa Chulaloke, at pinátnugot ni Harìng Mongkut:
"Lungsód ng mga Anghél, Ang Dakilàng Lungsód, Ang Waláng-hangganang Lungsód na Hiyás, Ang 'Di-matuhog na Lungsód ng Diyós Índra, Ang Bunyíng Kabisera ng Daigdíg na Biniyayáan ng Siyám na Hiyás na Mahál, Ang Masayáng Lungsód, Nanánaganà sa isáng Malakíng Makaharìng Palasyóng katulad ng Tahanang Makalangit na kung saán Nagahaharì ang Diyós na Naglamán-ulì, isáng Lungsód na Ibinigáy ni Índra at Itinindíg ni Vishnukarma".
Hangó ito mulà sa mga sinaúnang wikáng Indian na Pāli at Sanskrito, at ang natatanging katutubóng salitáng Thai lamang ay ang panimulángKrung o "kabisera". Kung isasa-alpabetong Latín ang pangálan ayón sa mga wikáng itó:Krung-dēvamahānagara amararatanakosindra mahindrāyudhyā mahātilakabhava navaratanarājadhānī purīramya uttamarājanivēsana mahāsthāna amaravimāna avatārasthitya shakrasdattiya vishnukarmaprasiddhi.