Itong artikulo ay tungkol sa mikroorganismo. Para sa uri o henus, tingnan angBacterium (genus). Para sa ibang mga gamit, tingnan angBakterya (paglilinaw).
Angbakterya[2] (Ingles:bacteria (IPA:/bækˈtɪəriə/) [maramihan] obacterium [isahan][3]) ay isa sa mga pangunahing grupo ng mga nabubuhay na mgaorganismo. Sa iba't ibang paglalapat, tumutukoy ang katagang bakterya sa lahat ng mgaprokaryote o sa isang pangunahing pangkat nila, o dili kaya ang tinatawag naeubakterya (eubacteria), depende sa mga kaisipan tungkol sa mga pagkaugnay nito. Dito, ginagamit ang bakterya upang tukuyin ang yubakterya. Isa pang pangunahing pangkat ng bakterya (hindi ginagamit sa malawak, hindi taksonomikong kaisipan) angArchaea.Bakteriyolohiya, isang sangay ngmikrobiyolohiya, ang tawag sa pag-aaral mga bakterya. Makikita ang mga bakterya sa lahat ng mgatinitirhan saMundo, tulad ng sa lupa,asidik na mainit na tubig,basurang radyoaktib,[4] tubig, at sa kailaliman ngKrust ng mundo, kasama na rin ang mga organikong bagay at mga buhay na katawan ng mga halaman at mga hayop, na nagiging isang halimbawa ngmutwalismo sasistemang panunaw ng mga tao, anay at mga ipis. Mayroong apatnapung milyongselula ng bakterya sa isang gramo ng lupa at isang milyong selula ng bakterya sa isang milimetro ngmalinis na tubig; sa pangkalahatan, mayroong tinatantiyang limangnonilyong (5×1030) bakterya sa mundo,[5] na bumubuo ng isangbiyomas na humihigit sa bilang ng lahat ng mga halaman at hayop.[6]
Bakterya ang pinakamarami sa lahat ng mga organismo, ito ay dahil sa kanilang mabilisang reproduksiyon o pagparami. Malawakang silang makikita salupa,tubig at bilang mgasymbiont ng ibang organismo. Maraming mgapathogen, mga organismong nagdudulot ng sakit, ay bakterya. Napakaliit ng karamihan, kadalasang nasa0.5-5.0 μm ang kanilang pinakamahabang dimensiyon, bagaman maaaring lumaki ang higanteng bakterya katulad ngThiomargarita namibiensis atEpulopiscium fishelsoni sa 0.5 mm ang laki. Mayroon silang mgaselulang pader (cell wall), katulad ng mgaselula (cell) nghalaman atamag, ngunit binubuo ngpeptidoglycan ang mga selulang pader ng bakterya.
Ang salitangbakterya ay isang maramihang salita ngBagong Latin nabacterium, na kung saan nanggaling ito salatinisasyon ngGriyegong βακτήριον (baktērion),[11] ang diminyutibo ng βακτηρία (baktēria), na may kahulugan na "baston, tungkod",[12] dahil mga bilog ang unang natuklasan na mga bakterya.[13]
Noong sinaunang panahon, ang kaalaman ng mga tao sa hugis at morpolohiya ng bakterya ay nakadepende sa laki ng uri ngmikroskopyo na ginagamit nila sa pag-aaral[14][15][16]. Unang nakita ang mga bakterya niAntonie van Leeuwenhoek, isang taga-Olanda, noong tag-init ng 1676. Nagtaka siya sa nang naging mainit ang paminta, kaya naghanda siya ng peppercorns sa tabi ng isang basong tubig at pinag-aralan ang tubig sa ilang araw. Sa ilalim ng single-lens na mikroskopyo sa magnipikasyong 400 ang patong[17] .
Dahil dito, nakita niya ang mga maliliit na organismo na gumagalaw, sa pagkamangha, tinawag niya itonganimalcules. Hindi siya nakapaghanda ng mga ilustrasyon sa maliliit na organismo hanggang sa ilang taon ang lumipas, at itong mga ilustrasyon, ay natapos ang mga paghahanda, na ipinakikita ang mga organismong ito na mula sa kanyangbibig. Malinaw na nakaindika na siya ang unang nag-ilustrasyon sa bakterya sa unang pagkakataon
Nang magbigay opinyon si Leeuwenhoek na ang mga maliliit na organismo ay may relasyon sa fermentation, dekay at sakit, hindi na ito binigyang halaga pa. Huling nadiskubre ang relasyong ito sa proseso sa isang aksidente. Itinaas saLouis Pasteur[18], isang batangKimikapranses, ngGobyernong Pranses para mapalakas ang kalidad ng inuming pranses, kinokonsedera ang mga kimiko ang mga tamang tao sa trabahong ito dahil alam nila ang permentasyon ay isang tunay na prosesongKimika[19].
Pansamantalang binuo ni Pasteur ang parte na ginampanan ng mga buhay na organismo sa permentasyon. Sa katunayan, ipinakita niya sa unang pagkakataon angpampaalsa ay kinakailangan sa produksiyon ngalak na galing saubas.Pasteurisasyon, ang mabilis na pag-nit ng likido para patayin ang mga hindi kilalang organismo, ang unang ginamit para ipreserba angpranses na inumim para sa pagluluwas.
Sa kasagsagan ng 1890's, ang , na kung saan sa Pastuer ay isang miyembro, ay mainit na pinag-aawayan na kung hindi o ang buhay ay nagmula sa isang organismo ng mabilis. Ang kinalabasan ng pagtatalo ay ang malinaw na ipinaliwanag ni Pasteur na angmikroorganismo ay palaging nanggagaling sa nabubuhay na organismo[20][21]. Ang nabubuhay na organismo, kahit bakterya o larvae nginsekto, ay hindi nanggalingde novo sa patay na bagay. ang mahabang tulay-tulay na ekperimento sa laboratoryo ni Pasteur ay pinagpatuloy sa pagkakatatag ng malinaw na relasyon sa pagitan ng bakterya (at pampaalsa) at ang proseso ng permentasyon, pagkalusaw at sakit.
Ang gampanin ng bakterya sa sakit ay unang natuklasan sa loob ng 25 na taon ng ika1900. Noong 1876, napatunayan niRobert Koch, isang pambansang doktor ngAlemanya, na angAnthrax ay sanhi ng isang bakteryum, (Bacillus anthracis). Siya ang gumawa at pinangalanan at pinuksa ang bakteryum, para iyurok sa isang dagang pang-ekperimento at nagsasanhi para magkaroon ulit ito ng ganoong sakit. Kumuha siya ng mga litrato ng mga organismo sa pamamagitan ngmikroskopyo dalawang taon na ang nakakaraan, na nagpalaganap ng unang litrato na ebidensiya ng bakterya. Sa kaparehas na oras, unang nalaman niBurmill na ang bakteryum ay isang Plant Pathogent.
Ipinapakita na ang bakterya ay maramingmorpolohiya at pagkakaayos
Mayroong tatlong ur ng hugis ng bakterya:Sperical,Rod-shaped, atSpiral. Tinatawag naCocci ang bakteryang sperical (pang-isahan:Coccus),Bacilli naman ang tawag sa mga hugis rod (pang-isahan:Bacillus), atSpirilla naman sa spiral (pang-isahan:Spirillum).[22] Mayroong kaunting intragrado sa pagitan ng mga hugis na ito. Mahirap itong, sa karamihan, paghiwalayin sa pagitan ng napaikling rod at isang oras na pabilog sa paghahanda sadibisyong selula. Sa katunayan, ang hugis ay nakadepende sa paghaba ng taon ng bakterya at sakalikasan.[23]
Ang bakterya na hugis coccus, nakaayos nang chain na katulad ng hugisperlas. Ang ibang uri nggenusstreptococcus ay napakaimportante at nag-sasanhi ngScarlet Fever,Erysipelas,Mastitis ngbaka at inpeksiyongsinus. AngS. lactus ay isang sangkap sa pag-pait nggatas. Kadalasang natitira ang mga bakteryang spherical sa iregular na piniping bigat; na tinatawag naStaphylococci.[24]
Sanhi ng pagkulo at pagkakasakit ang isang uri ng Staphylococcus.[25] Natitira naman ang ibang bakterya ang spherical sa paketeng kubikal na 8, 64 o marami pang selula; na makikita sa genusSarcina. Hugis kadenang selula ang mga rods nito.[26]
Ang bakterya ay ang pinakamaliit na nabubuhay na organismo. Ang ilan sa kanila ay makikita lamang sa kalapitan o pinakamataas na lente ng makapangyariang magaang na mikroskopyo. Karamihan sa mga bilyong bakterya ay makikita sa kubik sentimetro nglupa.[27] Ang napakaliit na hugis ng bakterya ay isang dahilan ng kahalagahan ng buhay nila. Ang lahat ng sustansiya, lahat ng gases, at inorganikong asin na kinakailangan ng isang bakteryum ay kailangang makuha sa pamamagitan ng kanilang cell wall.[28][29] Ang lahat ng mga produktong dumi, lahat ng lason, ibang enzyme at ibang espesyal na substans na kasama ng mga aktibidad ng bakterya ay kailangang dumaan palabas sa pamamagitan ng surface ng isang selulang bakteryum. Ang dami ng surface ng isang bakteryum sa relasyon ng bolyum ang dami sa mga bagay na ilalabas.[30]
Ang mga bakterya ay makikita sa lahat ng sulok ngmundo. Makikita sila sahangin,tubig, atlupa. Nabubuhay sila sa lahat nghayop at katawang halaman at sa lahat ng hinahawakang natin. Ang buhay na bakterya ay makikita sa mga gatas at sa lahat pagkain na hindi isterilisado. Kahit sa mga pagkain na dumaan sa proseso ng isterilisasyon ay kadalasang naglalaman ng spores ng bakterya. Nakikita ang mga spores na ito sa temperaturang malapit na sa zero kahit hindi napapatay. Nakikita rin ang bakterya sa bituka ng hayop. Nakadikit naman ang mga Nitrogen-fixing bacteria sa mga buhay na selula ng bulaklak na kinabibilangan nglegumes,alders,bitterbrush, at iba pa.
Sa kailaliman ng tubig, malamig na balon o springs, ay marami ito. Kahit na ang ilang sentimetro ng lupa ay kakikitaan ng mga bakterya, ang bilang nila ay bumababa kung ang lalim ay tumaas.
Kahit na nakakalat na ang mga bakterya sa buongmundo, posible pa ring maging ligtas ang mga kwarto sa mga bakterya. Ang mga babala ay laging inaalam sa mga kwartong operasyon saospital at uri ng biyolohikal at laboratoryong bakteryolohikal. Ang mga sahig ay hinugasan ng mga pamatay na likido, isterilisadong damit ang isinusuot, at ang mga instrumentong nilalagay sa nagiinit na tubig ang ginagamit. Pati ang hangin ay nalilinis sa pamamagitan ngsingaw oradiyasyong ultrabiyoleta. Tinatawag naAsepsis ang kundisyong walang bakterya. Isterilisasyon naman ang tawag sa pagtatangal o pagpuksa sa lahat ng nabubuhay, kasama ag bakterya, na nakakalat sa mga bagay-bagay.
Ang kahalagahan ng selula ay kailangan sa klasipikasyon ng bakterya sa hugis ng selula. Maraming bakterya, sa katunayan, ay maaring malaman sa kanilang kayang gawain, hindi sa mababaw na, sa pamamagitan ng pagpapalabas ng anyo.[24] Maaaring mahati ang 3000 o higit pang uri ng bakterya sa bilang na pangunahing grupo base sa anyo ng padre selula[28][29], pinagkukuhanan ng enerhiya atkarbon, hugid ng selula, porma ng paggalaw, pangangailangan saoksiheno at pagpapalabas ngspores. Sa pinakabagong edisyon ngBergey's Manual of Determinative Bakteriology, nahahati ang bakterya sa 19 na parte.[23]
Ito ang unang parte ng bakterya na may Gram-negative rods, cocci o spirilla. AngProteobacteria na tinatawag dingPhotosynthetic Bacteria.[31] Ito ay mgaGram-Negative rods, cocci, spirilla.[32][33] Ilan sa mga ito ay may Flagella. Kadalasan ang mgaselula (violet, berde, dilaw, lila, at tsokolate) ay dahil sa dami ng carotenoids. Ang ibang selula ay nagtataglay ngGas Vacuoles. Ang mga ito ay limitado sa pagkakaroon ng tirahan sa tubig tulad ng mababaw, at maalat nalawa, may lalim na 25m. na may anaerobic strata sa lawa o mainit na bukal na sagana sasulfate.[34]
Isang halimbawa ng Dumadausdos na Bakterya, ang Myxococcus xanthus
Ang mga dumadausdos na bakterya ay ang ikalawang bahagi ng bakterya na naglalaman ng mga grupong gram-negatibo. Taliwas sa pangalan ng pangkat na ito, hindi lahat ng miyembro ng bahagi na ito ay damadausdos (halimbawa ang isang henus ng berdeng potosintetikong bakterya naChloroflexus ay mayroong pagdausdos na paggalaw). Isa angmyxobacteria sa bahagi ng pangkat na ito. Hugis bilog ang kanilang selula na bumubuo sa isang kolonya. Naglalabas sila ng mga spores na nabubuhay ng maikli sa mga kadena tulad ng tumpok ng sitaw. Natatagpuan sila sa lupa at naglalabas ng mga enzyme na humihiwalay sa ibang bakterya o sa ibang pagkakataon, kinakain nila ang kanilangcellulose.
AngSpirochetes ay ang ikalimang bahagi ng bakterya na isang gram-negatibo. Sila ay mahahaba at kadalasang baluktot ang kanilang selula na kadalasang lumalangoy sa pamamagitan ng kanilangaxial flagella. Naninirahan ang iba sa mga putik o tubig na parating may asido at ang iba ay makikita samollusks na kung saan sila ay nagsisilbing parasitiko sa kanila. Isang miyembro ng pangkat na ito angTreponema na kung saan ay nagsasanhi ngsyphilis, atyaws.
Ito ang ikapitong bahagi ng bakterya na kinabibilangan ng ilang importanteng henera tulad ngRhizobium. Ito ay ginagamit upang ayusin angnitroheno ng mgalegume na lubhang may malaking ginagampanan sa ekonomiya. Ito rin ay naglalabas ng mgaasidong asetik na ginagamit sa paggawa ngsuka.
Napapalibutan ang kanilangselula ng mga kadena na pumapagitna sa kanilangpader ng selula. Nakababa naman ang kanilang balot sa terminal ng selula na kung saan ay naglalaman ngprotina,maramihang sakaride (polysaccharide), at mgalipido. Naglalabas naman ang ibang negatibong bakterya ayon kay Gram ng ilang patong naslime, na tinatawag nacapsule, sa palibot ng selula.
Isang halimbawa nito ay ang mgaCaulobacter. Sila ay nakapulupot sa pinaghuhugutan ng selula ng substrano.
Salmonella, isang halimbawa ng Pakultatibong Negatibong Bakterya
AngPakultatibong Negatibong Bakterya o kilala bilangEnterikong Bakterya ay ang ikawalong bahagi ng mga bakterya. Isang halimbawa ng bahaging ito ay angEscherichia coli na makikita sa atingbituka. AngSalmonella na nagsasanhi ngtyphoid at pagkalason sa pagkain,Shigella na nagsasanhi ng disenteryang bakteryal,Erwinia na nagsasanhi ngfive blight atYersinia na kilalang nagpapasimula ngbubonic plague ay ilan lamang sa halimbawa ng bahaging ito.
Bacteroides, isang uri ng Anaerobikong Negatibong Bakterya
Ang mgakemolitotropikong negatibong bakterya ay ang iakalabing-dalawang bahagi ng bakterya. Napakahalaga ng bahaging ito sa siklo ng sustansiya sa atingbiyospero. Makikita sila sa mga lupa at tubig, tulad ng mga maiinit na tubig. Bilog, rod at spiral ang kadalasang hugis ng mga bakteryang ito.
Gumagalaw ang mga bakteryang ito sa pamamagitan ng kanilangflagella at ang ibang ay dumadausdos. Nasa labas ang tupi ng kanilangPlasmalemma. Mayroong itong apat na pangkat na nababatay sa kanilang reaksiyon sa oksiheno na napapatunayan ng kanilang enerhiya, ang mga bakteryangnitroheno,sulfur,bakal, athidroheno.
Ito ay ang ikalabinglimang bahagi ng bakterya na makikita kadasalan sa mga lupa. Kung ang lupa ay naglalaman ngClostridium na kung saan ay pumapasok sa mga sugat ng tao, maaari itong magsanhi ngtetanus ogangremes. Makikita rin ang mga Clostridium sa mga gulay tuladmais atmani. Kung angClostridium botulinum ay hindi napapatay sa proseso ngpaglalata, lumalaki at dumadami ito sa mga produktong lata na makakapaglabas ng mga nakakalason na bagay. Kadalasan, bihira namang malason ang mga ito sa mga toksik galing dito. Nakakapatay ang mgacommercial[kailangang linawin] na paglalata sa lahat ng mga spores. Kaya ang ilang bakterya sa bahaging ito ay nakakaapekto ng lubusan sa mga tao.
Lactobacillus, isang uri ng Asporohenong Positibong Hugis Rod na Bakterya
Ang mgaasporohenong negatibing hugis rod na bakterya ay ang ikalabing anim na bahagi ng bakterya na naglalaman ng isang pamilya, angLactobacillaceae, at isang henera, angLactobacillus na kilala sa pagpapahaba ng buhay ng mga pangkalakalan (commercial) na gatas[kailangang linawin], at isang henera na hindi kilala ang apilasyon, angListeria.
Ang mgaactinomycete ay isangpositibong bakterya na ikinakategorya bilang ikalabing pitong bahagi ng bakterya na bumubuo sa ibat ibang uri ng mgamolde atfungi. Lumalaki at nahahati ang mga selula sa mahahabang pilamento na bumabahagi at bumabalukto sa isang kolonya. Naglalabas ng mga spores, na kadalasan ay mga endospores o mga spores sa loob ng selula, ang hulihang bahagi ng pilamento. Kadalasan itong nagsasanhi ng pagpapaamoy ng lupa at mga basura na kung saan galing ang mga organismo. Sa medisina, ito ay ang pinakaimportanteng pinagkukuhanan ng antibiyotiko.
Angrickettsia ay ang ikalabing walong bahagi ng mga bakterya. Sila ay isangnegatibo, maiikli at bilugang bakterya na obligadong parasitiko at hindi maaaring buhayin sa isang patay na medya. Nagsasanhi sila ngRocky Mountain Spotted Fever,Q Fever atScrub typhus sa mga tao, at pagkakaroon ng sindrom sa mga insekto na sumipsip ng tubig sa mga halaman. Halibawa, makikita lamang ang mgaaphids sa halaman. Natuklasan ang mga organismong ito noong 1970 sadolden, isang parasitikong lugar.
Noong 1880, hindi pa gaanong malaman ang isang seryoso at misteryosong sakit angPierce ng mgaubas. Una itong inilarawan niPierce noong 1880 at nagbigay siya ng suwesyon na may relasyon ang bakterya sa sakit na ito. Sinimulan niya ang mga eksperimento mula sa may sakit na ubas hanggang sa may sakit na organismo sa loob ng isang daang taon. Noong 1972, natuklasan ni Coheen, isang propesor at nagtatrabaho sa Unibersidad ng California, sa pamamagitan ng mikroskopyong gumagamit ng elektron na ang mga rickettsia ang may sanhi sa pagkakaroon ng sakit ng mga ubas.
Angmycoplasmas ay ang ikalabing siyam at pinakahuling bahagi ng mga bakterya. Sinasaklaw nila ang pinakamaliliit na organismong selular. Humigit kumulang 100 nanometro ang kanilang bolyum o isang sampung bolyum ng isang bakteryum tulad ngE. coli. Wala itong pader ng selula sapagkat hugis plastik ang kanilang selula. Ngalalaman sila ng isang kapat ng lahat ng mgaDNA na nakapapaloob saE. coli. Ang iba sa kanila ay mga parasitiko sa mga halaman na maari lamang mapatay nggrapting. Umaabot ang sintomas ng sakit na naidudulot nito mula sa paninilaw ng selula, abnormalidad sa paglaki nila tulad ngwitches broom.
May malinaw na pamamahgi ang nahagi na ito. Matatagpuan sila sa mga estero at naaagnas na bagy tulad ng sa aso, daga, at iba pang hayop na naaagnas. Lumalaki sila sa masustansiyang artipisyal na pagkain na naglalaman ng puso ng laman na may serum o iba pang kahawig nito.
Bago pa man itong ikategorya bilang bakterya, inilarawan muna ito bilang isang dilaw nabayrus na kadalasang nakikita sa mga halaman. Sa mga sumunod na taon, nalaman na ang tatlumpu sa mga ito ay isang ganap na bakterya na kung saan ay inihanay na samicoplasmas. Sa iba pang pagkakataon, ang ilang mahabang sakit ng mga halaman ay inilarawan na ang impeksiyong bayrus ang may sanhi nito subalit binago nila ito at inihanay ulit sa bahaging ito ang mga bakterya na nakikita rito tulad ngpear decline,citrus stubber atwestern X. Isang matagumpay ang tamang kaalaman sa pagkakategorya ng mga organismong nagsasanhi ng mga sakit na nakakatulong sa pagkontrol ng mga sakit sa halamn at mga tao.
Dahil sa sobrang liit ng mga bakterya, madali silang nadadala sa mga malalayong distansiya sa pamamagitan ng tubig o hangin. Subalit, aktibo namang gumagalaw ang ibang bakterya at kaya nilang lumipat ng lugar mula 50 hanggang 500 nanometro kada segundo. Sa proporsiyon sa sukat ng katawan, mapagkukumpara ito sa apat hanggang apatnapung metro kada oras ng isang usa.
Pagdausdos, pagsabay sa agos, at paglangoy ang kadalasan nilang ginagamit sa paggalaw. Ginagamit nila ang mgaflagella sa paglangoy na maaaring sa isang dulo ng selula (bakteryang polar ang tawag sa mga bakteryang may kakayahang gumawa nito) o sa isang selula (bakteryang peritrikores naman ang tawag sa mga bakteyang kaya ito). Lumulusot ang bawat flagellum mula sa pader ng selula at plasmalemma hanggang sa labas na sitoplasma. Makikita rin ang flagella sa ibangeukaryotes o mga organismong may maraming selula subalit kakaiba pa rin ang nasa bakterya. Sa mgaspirochetes, humahaba ang pangkat ng flagella sa haba ng selula hanggang sa patong ng pader at nabubuo ng aksiyal na pilamento. Hindi lubusang alam ang mekaniko ng pagdausdos subalit nangangailangan nito ng midyum at nagiiwan ang selula ng mga lapot sa pagitan.
Ngapapakita ng malawak na uri ngmetaboliko ang mga bakterya.[35] Tradisyonal na ginagamit ang distribusyon ng kauriang metaboliko upang malaman ang kanilang taksonomiya, subalit ang mga kaurian na ito ay hindi gaanong ginagamit sa modernong klasipikasyong henetiks.[36] Kinakategorya ang metabolismo ng bakterya sa mga pangkat na batay sa kanilang nutrisyon at tatlong pangunahing panuntunan: uri ng enerhiya na ginagamit sa paglaki, ang pinagkukuhanan ng karbon, at ang tagapagbigay ng elektron na ginagamit din sa paglaki. Kadalasang idinaragdag sa panuntunan ng repiratoryo ng mikroorganismo ang tagatanggap ng elektron na ginagamit sa respirasyong aerobiko at anaerobiko.[37]
Ang mgaPhotoautotrophs ay pangkat ng mga bakterya na gumagamit ng sinag ng araw bilang pinagkukuhanang enerhiya atCarbon Dioxide bilang pinagkukuhanang karbon.[37]Samantalang angPhotoheterotrophs ay pangkat ng mga bakterya na gumagamit ng sinag ng araw bilang pinagkukuhanang enerhiya at maraming organikong kompound (Halimbawa:Asidong asetik) bilang pinagkukuhanang karbon.[36]Naiiba naman angChemoautotrophs na isang pangkat ng bakterya na nagooksida o nagbabawas ng inoganikong kompound (Halimbawa: NH3, H2, H2S, FeH) para mapanatili ang enerhiya at gumagamit ng Carbon Dioxide para sa pinagkukuhanang karbon.[35]At, angChemoheterotrophs ay isang pangkat ng bakterya na nagooksida o nagbabawas ng organikong kompound para mapanatili ang parehong enerhiya at karbon.[38]
Nangangailangan ang mga bakterya, katulad ng ibang organismo[35], ngenerhiya para sa kanilang ikabubuhay. Gumagamit din ang mga bakterya ngoksihenong galing saatmospera sarepirasyong tinatawag naaerobes. Kaya ng nila na mag-ferment; huminga kahit walang oksiheno at walang oksidasyon ngpagkain sacarbon dioxide attubig. Kaya rin nilang sustentuhan ang enerhiya sa pamamagitan ngglycolysis. Ang oksidasyon ng pagkain saasidongorganiko.[37] Hindi nila kinakailangan ang malalaking enerhiya na inilalabag kapag ang oksiheno ay sumanib saalkohol,asidong pyrubiko o sa simpleng organikong kompound para mabuo ang Carbon Dioxide at tubig. Sa iba, kaunting bakterya ang hindi lumalaki sa oksiheno na tinatawag naanaerobes.[36]
Kaya ng ilang bakterya at blue-green algae na kumuha at ayusin ang nganitroheno papuntangammonium (NH4) na kung saan ay namemetaboliko at nagagamit ito para sa kinakailangang nitroheno ng selula. Kadalasan, hindi kayang hawakan ng ilang halaman ang nitroheno mula sa mga solusyon mula salupa na tinatawag nanitrate (NO3) o ammonium.
Napakalaking bahagi ang ginagampanan ng piksasyong nitroheno sa ekolohikal at pang-ekonomiya na aspeto dahil ito ang nagpapataas ng pertilidad ng tubig at lupa. Malakingenerhiya ang kinakailangan sa aplikasyon ng produksiyon ng ammonium bilang pertiliser opampataba ng lupa. Sa ngayon, umaasa ang mga hindi industriyalisadong bansa tulad ngPilipinas sa mga dumi ng hayop, kasama na ang mga tao, para sa ikakarami ng pinagkukuhanan ng pampataba ng lupa. Gumagamit ang buong mundo ng 50 milyong metriko toneladang nitrohenong pampataba sa tanim bawat taon, tatlong ulit nito ang mga biyolohikal na nitrohenong pampataba. Batay sa ilang pagsusuri, napatunayan na importante ang mga biyolohikal na piksasyong nitroheno sa agrikultural na kinabukasan upang matutuhan ng mga tao na bantayan at kontrolin ang mga ganitong proseso.
Hindi lahat ng mga bakterya ay mayroong pader ng selula, subalit sa mayroon, hugis bag namikromolekyul ang kanilang pader na tinatawag napeptidoglikan, na kung saan ay nakakalat sa dimensiyon na nakapalibot saprotoplast. Dalawa ang kinakailangang pangkat ng mga glucose, kasama ang isang kadena ng iilangasidong amino na nakakabit sa subyunit na magkakasama. Mayroong makapal, magkakaugnay na pader na naglalaman ng apatnapu hanggang siyamnapung porsiyentong tuyong bigat na peptidoglycan ang mgapositibong bakterya ayon kay Gram o mgaGram-positive bacteria. Samantalang, mayroong maninipis, dalawahang patong ng mga pader, na kung saan ang loob na patong ay binubuo ng peptidoglycan at ang labas na patong ay isang yunit ng mga membrano na binubuo ngprotina,pospolipido, atlipopolysaccharides, ang mganegatibong bakterya ayon kay Gram o mgaGram-negative bacteria. Mayroong kapal na sampung nanometro ang pinagsamang patong ng mga pader samantalang mayroon lamang sampu hanggang limanpung nanometro ang pader ng isang positibong bakterya. Halimbawa nito ay angPenicillin. Pinipigilan ng bakteryang ito ang pagbuo ng peptidoglycan ng isa pang bakterya, kaya ginagamit ito bilang isang antibiotics.
Mayroong malaking halaga ang mga itinatampok na pader na ito sa paghihiwalay o pagpapangkat ng mga bakterya. Sa kasalukuyan , napapangkat ang mga bakterya sa tatlo, ang mga positibo, negatibo at angMycoplasmas, na kung saan ay hindi naglalaman ng pader. Ang henera ngHalobacterium atHalococcus ay ilan lamang sa mga bakteryang hindi napapasama sa tatlong pangakat na ito sapagkat hindi kumpleto ang kanilang peptidoglycan subalit kaya pa rin nilang ipanatili ang integridad ng kanilang estruktura.
Inilalarawan ang mga selula ng prokaryote sa kanilang simplesidad ng panloob na arkitektura subalit hindi ibig sabhin nito na isahan lamang ang kanilang protoplast. Mayroong granular na anyo ang cytoplasm dahil na rin sa pagkakaroon ng maramingribosome. Maaari itong matanggal sa pamamagitan ng inbaginasyon ng membrano ng selula. Hindi ibinibilang ang mga berdeng bakterya sa ang mgabesikulo ay napapalibutan ng membrano na nakahiwalay sa membrano ng selula. Mayroong membranongcarboxysome ang mga bakteryang potosintetiko sa kanilang cytoplasm.
Hindi tulad sa mga organismong may maraming selula, ang paglaki ng selula (angpaglaki ng selula at pagpaparami sa pamamagitan ngdibisyong selular) ay iniuugnay sa organismong may isang selula lamang. Lumalaki ang bakterya sa isang saktong sukat at nagpaparami sa pamamagitan ngbinary fission, isang porma ngreproduksiyong asekswal.[39] Sa ilalim ng ilang kondisyon, mabilis na lumaki at mahati ang mga bakterya, at ang populasyon ng mga bakterya ay mahaharing domoble sa loob lamang ng 9.8 minuto.[40] Sa dibisyong selular, dalawang identikal naklone na anak na selula ang nailalabas. Sa ilang bakterya, habang nagpaparami sali sa pamamagitan ng reproduksiyong asekswal, bumubuo ng maraming kumplikadong estrukturang pagpaparami na tumutulong na mapalawak ang mga bagong anak na selula. Halimbawa na lamang nito ay ang pagpaparami ngMyxobacteria at ang pormasyong aryal nahyphae ng mgaStreptomyces, o budding.
Karamihan sa mga bakterya ay nagpaparami sa simpleng paghahati ofussion. Nahahati ang isang selula sa dalawang selula. Kapag malapit na ang paghihiwalay ng dalawa, hinihila ng bawat isa ang kanilang selula na kung saan ay nababanat ang pader ng selula at ang membranong plasma. Nabibiyak ang manipis at nabatak na bahagi nito sa bawat dulo ng dalawang selula. Pagkatapos pa ng paghahati, humihiwalay na rin ang nucleoplasm sa selula. Nagpaparami naman ang ibang bakterya sa pamamagitan ng budding, na kung saan ang selula ay tumutubo na kapareho ng bolyum ng magulang na selula.
Sa ilalim ng ilang kondisyon, maaaring mahati ang isang bacterium at lumaki sa kanilang pinakamalaking sukat na kung saan ay handa na para sa panibagong paghahati sa loob lamang ng sampung minuto.Kung ang ganitong proseso ay nagpapatuloy, maaaring magkaroon ng dalawangdaang trak na may limang toneladang kapasidad na bakterya sa loob lamang ng isang araw.Subalit, ang ganitong kahihinatnan ay hindi pa nangyayari.
↑"Bakterya." Estrada, Horacio R.Bakterya, Bayrus, at Bulate, nagsisilbing sanggunian para sa pag-unawa sa agham ng mikrobiyolohiya, bakterya, birus, at iba pang mga mikroorganismo,NRCP Medical Series 4Naka-arkibo 2008-10-04 saWayback Machine., STII.dost.gov.ph
↑Wanger, G; Onstott, TC; Southam, G (2008). "Stars of the terrestrial deep subsurface: A novel `star-shaped' bacterial morphotype from a South African platinum mine".Geobiology.6 (3): 325–330.doi:10.1111/j.1472-4669.2008.00163.x.PMID18498531.
↑Douwes K, Schmalzbauer E, Linde H, Reisberger E, Fleischer K, Lehn N, Landthaler M, Vogt T (2003). "Branched filaments no fungus, ovoid bodies no bacteria: Two unusual cases of mycetoma".J Am Acad Dermatol.49 (2 Suppl Case Reports): S170–3.doi:10.1067/mjd.2003.302.PMID12894113.{{cite journal}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
↑Madigan M; Martinko J (editors). (2005).Brock Biology of Microorganisms (ika-11th (na) edisyon). Prentice Hall.ISBN0131443291.{{cite book}}:|author= has generic name (tulong)CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
Funke BR, Tortora GJ, Case CL (2004).Microbiology: an introduction (ika-8th (na) edisyon). San Francisco: Benjamin Cummings.ISBN0-8053-7614-3.{{cite book}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
Shively, Jessup M. (2006).Complex Intracellular Structures in Prokaryotes (Microbiology Monographs). Berlin: Springer.ISBN3-540-32524-7.
Witzany G, (2008). "Bio-Communication of Bacteria and their Evolutionary Roots in Natural Genome Editing Competences of Viruses".Open Evol J.2: 44–54.doi:10.2174/1874404400802010044.{{cite journal}}: CS1 maint: extra punctuation (link)