Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Bako

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Bako
Bakong may Ulong Itim
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Suborden:
Pamilya:
Laridae

Vigors, 1825
Mgasari (Henera)

Larus
Ichthyaetus
Chroicocephalus
Leucophaeus
Hydrocoloeus
Rissa
Pagophila
Rhodostethia
Xema
Creagrus

Tungkol ito sa ibon, para sa Griyego-Romanong diyos tingnan angBako (diyos).

Angbako[1] (Ingles:gull,seagull,sea gull) ay mgaibong-dagat na nasapamilyangLaridae. Higit na kalapit sila ng mgatern [Ingles] (pamilyangSternidae) at malayong kamag-anak ng mgaauk [Ingles] (mga nasaAlcidae) at mgaRhynchopidae o mgaibong nanghahapaw (mgaskimmer sa Ingles); at mas higit pang malayong kamag-anak ng mgaibong-pampang (ibong namimilapil o ibong namamaybay; mgawader sa Ingles). Hanggang sa kamakailan lamang, dating inihanay ang karamihan sa mga bako sasaringLarus, ngunit nalalaman ngayon napolipiletiko ang pagkakahanay na ito, na nagbunsod sa muling pagkabuhay ng ilang mgasari ohenera.[2] Tinatawag din ang bako bilangibong peskador (oibong mangingisda),daya,magdaya,manekas, athibo.[1]

Karaniwan silang malaki at hindi gaanong kalakihang mga ibon, kalimitang abuhin o puti, kadalasang may mga panandang itim sa ulo o mga pakpak. Tipikal na mayroon silang nananaghoy na huni. Mayroon sila ng matabang pangangatawan, mahabangtuka, at paang may anyong palikpik o malasapot. Umaabot ang sukat at laki ng mga uri ng mga bako mula sa maliit na bako, nasa 120 gramo (4.2 onsa) at 29 sentimetro (11.5 pulgada), hanggang sadakilang bakong may maitim na likod, na may 1.75 kilogramo (3.8 libra) at 76 sentimetro (30 pulgada).

Sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 1.01.1Sea gull,gull, ibong peskador, daya, magdaya, manekas, at hiboNaka-arkibo 2016-03-06 saWayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org
  2. Pons J.-M. ; Hassanin A. ; Crochet P.-A.(2005)Phylogenetic relationships within the Laridae (Charadriiformes: Aves) inferred from mitochondrial markers. Molecular phylogenetics and evolution 37(3):686-699.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Bako&oldid=2022149"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp