Angbaha ay labis na pag-apaw ngtubig (o paminsan-minsan ng ibang likido) na lumulubog salupaing karaniwang tuyo.[1] Sa diwa ng "umaagos na tubig", maaaring ilapat ang salita sa pag-agos ng tubig-dagat tuwing pagtaas ng alon. Ang mga baha ay pangunahing pinoproblema sa larangan ngagrikultura,inhenyeriyang sibil, atpampublikong kalusugan. Ang mga pagbabago ng tao sa kapaligiran ay kadalasang nagpapataas sa tindi at dalas ng pagbaha. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang pagbabago sa paggamit ng lupa gaya ngpagkalbo ng kagubatan at pagsasailalim ng mga latian, at mga pagbabago sa daloy ng tubig o mgakontrol sa baha tulad ng pagtatayo ng mga puying. May impluwensiya rin ang mga pandaigdigang suliranin sa kalikasan sa mga sanhi ng pagbaha, lalo na angpagbabago ng klima na nagpapaintindi sa ikot ng tubig at nagpapataas ng lebel ng dagat.[2]:1517 Halimbawa, pinapadalas at pinapalala ng pagbabago ng klima ang mga matitinding kaganapan sa panahon.[3] Humahantong ito sa mas matitinding pagbaha at mas mataas na panganib ng pagbabaha.[4]
Maaaring makapinsala sa ari-arian ang pagbaha at magdulot din ng mga pangalawang epekto. Kabilang sa mga ito sa maikling panahon ang pagtaas ng pagkalat ng mga sakit na dala ng tubig at ng mga bektor, gaya ng mga sakit na ikinakalat ng lamok. Maaari rin itong humantong sa pangmatagalang paglilipat ng mga residente.[5] Ang pagbaha ay isa sa mga pinag-aaralang paksa sa larangan ng hidrolohiya at inhenyeriyang hidrauliko.
Malaking bahagi ng populasyon ng mundo ang nakatira malapit sa mga pangunahing baybayin,[6] habang maraming malalaking lungsod at lugar na pansakahan ay nasa tabi ng mga ilug-ilugan.[7] Malaki ang panganib ng pagtaas ng pagbaha sa mga baybaying-dagat at ilug-ilugan dulot ng nagbabagong mga kondisyon ng klima.[8]
↑Seneviratne, S.I.; Zhang, X.; Adnan, M.; Badi, W.; Dereczynski, C.; Di Luca, A.; Ghosh, S.; Iskandar, I.; Kossin, J.; Lewis, S.; Otto, F.; Pinto, I.; Satoh, M.; Vicente-Serrano, S.M.; Wehner, M.; Zhou, B. (2021)."Chapter 11: Weather and Climate Extreme Events in a Changing Climate" [Kabanata 11: Matitinding Kaganapan sa Panahon at Klima sa Nagbabagong Klima](PDF). Mula sa Masson-Delmotte, V.; Zhai, P.; Pirani, A.; Connors, S.L.; Péan, C.; Berger, S.; Caud, N.; Chen, L.; Gomis, M.I.; Huang, M.; Leitzell, K.; Lonnoy, E.; Matthews, J.B.R.; Maycock, T.K.; Waterfield, T.; Yelekçi, O.; Yu, R.; Zhou, B. (mga pat.).Climate Change 2021: The Physical Science Basis. Contribution of Working Group I to the Six Assessment Report of the Intergovernmental Panel on Climate Change [Pagbabago ng Klima 2021: Batayang Agham Pisikal. Ambag ng Working Group I sa Ikaanim na Ulat-Pagtatasa ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC)] (Ulat) (sa wikang Ingles). Cambridge: Palimbagan ng Unibersidad ng Cambridge. pp. 1513–1766.doi:10.1017/9781009157896.013.