Samitolohiyang Griyego, siAtreus (Ἀτρεύς) oAtreo ay isang hari ngMycenae, na anak na lalaki ninaPelops atHippodamia. Siya ang ama ninaAgamemnon atMenelaus. Sa pangkalipunan, ang mga kaapu-apuhan niya ay nakikilala bilang angAtreidai oAtreidae.
Si Atreus at ang kaniyang kakambal na kapatid na siThyestes ay pinalayas ng kaniyang ama dahil sa pagpatay nila sa kanilang lalaking kapatid sa magulang na siChrysippus dahil sa kanilang kagustuhan na makamtan ang trono ngOlympia. Nagpunta sila saMycenae, kung saan nalagay sila sa trono habang wala si HaringEurystheus dahil nakikipaglaban ang haring ito laban saHeracleidae. Dapat na pansamantala lamang ang pangangasiwa nina Atreus at Thyestes subalit naging permanente ito pagkaraan ng pagkamatay niya sa labanan.
Ayon sa halos karamihan ng sinaunang mga sanggunian, si Atreus ang amaPlisthenes, subalit ayon sa ilang mga makatang liriko, katulad ng sa mga isinulat ninaIbycus,Bacchylides, ang pangalangPlisthenides (anak na lalaki ni Plisthenes) ay ginagamit bilang isang pangalang pamalit para kay Atreus.

Ang lathalaing ito na tungkol saMitolohiya atGresya ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.