Angdalubtalaan oastronomiya ay isang agham na kinapapalooban ngpagmamasid atpagpapaliwanag ng mga kaganapang nangyayari sa labas ngDaigdig at nghimpapawid nito. Pinag-aaralan nito angpinagmulan,pagbabago, at mga katangiangpisikal atkimikal ng mga bagay na mapagmamasdan sa kalangitan (na nasa labas ng atmospero), pati ang mga kaugnay na mga proseso at kababalaghan.
Ang astronomiya ng buwan (astronomiyang lunar): ang malakingcrater ay angDaedalus, kinunan ng tauhan ngApollo 11 nang pinalubutan nila angBuwan noong1969. Matatagpuan ito na malapit sa gitna ngmalayong gilid ng Buwan. Ang diyametro nito ay humigit-kumulang sa 93 km.
Ang astronomiya ay isa sa mga piling agham na kung saan gumanap ng aktibong papel ang mgaamateur, lalo na sa pagtuklas at pagmonitor ng di-palagiangkabalaghaan (transient phenomena). Hindi dapat ipagkamali ang astronomiya saastrolohiya, na nagpapalagay na ang kapalaran ng tao at pamumuhy sa pangkahalatan ay may kaugnayan sa nakikitang na kinalalagyan ng mga bagay sa kalangitan—kahit na ang dalawang larangang na ito ay magkapareho ang pinagmulan; sinusunod ng mga astronomo angmakaagham na pamamaraan, habang hindi ito sinusunod ng mgaastrologo.
Ang salitangastronomiya ay nagmula saWikang Griyegong αστρονομία = άστρον + νόμος,astronomia =astron +nomos, na mayroong literal na kahulugang"batas ng mgabituin".