Angastrobiolohiya oastrobiyolohiya ay ang pag-aaral at pananaliksik kung may buhay o wala sa ibang mgaplaneta.[1] Ito ang pag-aaral ngbuhay, kung meron man, sakalawakan. Naghahanap ang larangan ng astrobiyolohiya ng mga kalagayan o kundisyong kinakailangan para magkaroon ng buhay na mga nilalang, katulad ng likidongtubig, mabutingtemperatura, o pagkakaroon ngoksiheno.
Tinatawag din ang astrobiyolohiya bilangeksobiyolohiya,eksopaleontolohiya, atbiyoastronomiya. At binibigyang kahulugan din bilang ang pag-aaral ng pinagmulan o orihen,ebolusyon, pagkakalat o distribusyon, at hinaharap ng buhay sauniberso. Sakop ng interdisiplinaryong larangang ito ang paghahanap ng mga kapaligirang maaaring tirahan sa atingSistemang Solar at mapagtatahanan o mapamumuhayang mga planeta sa labas ng Sistemang Solar, ang paghahanap ng mga katibayan o ebidensiya ngprebiyotikong kimika (abiyohenesis),buhay sa Marte, at iba pang mga katawan sa ating Sistemang Solar, pananaliksik sa laboratoryo at sa labas ng laboratoryo hinggil sa pinagmulan o orihen at maaagang ebolusyon ngbuhay sa Mundo, at mga pag-aaral ng potensiyal para makaayon ang buhay sa mga pagsubok saMundo at sakalawakan.[2]
Ginagamit ng astrobiyolohiya angpisika,kimika,astronomiya,biyolohiya,biyolohiyang molekular,ekolohiya,planetaryong agham atheolohiya upang suriin ang posibilidad ng buhay sa ibang mga mundo at tumulong na makilala ang mgabiyosperong maaaring napaka kakaiba mula sa kung ano ang meron ang Mundo.[3][4]
Dalawa sa mga lugar na maaaring mapagtagpuan ng buhay sasistemang solar angEuropa, isang buwan ngHupiter atTitan, isang buwan ngSaturno. Maaaring may likidong tubig ang mga pook na ito. Subalit maaaring napakalamig nila upang makapagtangkilik o sumuporta ng buhay.