Ang mgabutonsilyo[3] (Ingles:daisy[3][4]) o ang pamilyangAsteraceae oCompositae (kilala sa Ingles bilangaster,daisy, o pamilyangsunflower o mag-anak ng mgamirasol) ay ang pinakamalaking pamilya ng mga halamang namumulaklak, ayon sa bilang ng mga uri. Katulad o kauri ito ng mgakrisantemo.[3] Alin man ang mga ito sa mahigit na sa isandaang mga uri na katutubo saEuropa ngunit laganap na saHilagang Amerika.[4]
Namumulaklak ang puting butonsilyo, o butonsilyong may matang-kapong baka (ox-eye daisy), tuwingtag-araw na may bulaklak na may lapad na 1 hanggang 2 pulgada, at may maningning na dilaw sa gitna at may "sinag" na 20 hanggang 30 ang habangbalingkinitan.[4] Mayroon ding mga uring dilaw ang bulaklak na may itim na gitna, katulad ng Susanang may matang itim (black-eyed Susan). Mayroon pa ring mga uring may dilaw na gitna ngunit may bughaw o rosas na sinag o talulot.[4] Ngunit pangkaraniwan ang mga butonsilyong may maliliit na mga bulaklak na may dilaw na gitna at puting mga talulot.[5]
↑Scott, L.; Cadman, A; McMillan, I (2006). "Early history of Cainozoic Asteraceae along the Southern African west coast".Review of Palaeobotany and Palynology.142: 47.doi:10.1016/j.revpalbo.2006.07.010.