Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Aso

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Domestikong aso
Temporal na saklaw:0.015–0 MaPleistoseno –Kamakailan
Katayuan ng pagpapanatili
Domesticated
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
Subespesye:
C. l. familiaris[1]
Pangalang trinomial
Canis lupus familiaris[2]
Kasingkahulugan
Species synonymy
  • aegyptius Linnaeus, 1758
  • alco C. E. H. Smith, 1839
  • americanus Gmelin, 1792
  • anglicus Gmelin, 1792
  • antarcticus Gmelin, 1792
  • aprinus Gmelin, 1792
  • aquaticus Linnaeus, 1758
  • aquatilis Gmelin, 1792
  • avicularis Gmelin, 1792
  • borealis C. E. H. Smith, 1839
  • brevipilis Gmelin, 1792
  • cursorius Gmelin, 1792
  • domesticus Linnaeus, 1758
  • extrarius Gmelin, 1792
  • ferus C. E. H. Smith, 1839
  • fricator Gmelin, 1792
  • fricatrix Linnaeus, 1758
  • fuillus Gmelin, 1792
  • gallicus Gmelin, 1792
  • glaucus C. E. H. Smith, 1839
  • graius Linnaeus, 1758
  • grajus Gmelin, 1792
  • hagenbecki Krumbiegel, 1950
  • haitensis C. E. H. Smith, 1839
  • hibernicus Gmelin, 1792
  • hirsutus Gmelin, 1792
  • hybridus Gmelin, 1792
  • islandicus Gmelin, 1792
  • italicus Gmelin, 1792
  • laniarius Gmelin, 1792
  • leoninus Gmelin, 1792
  • leporarius C. E. H. Smith, 1839
  • major Gmelin, 1792
  • mastinus Linnaeus, 1758
  • melitacus Gmelin, 1792
  • melitaeus Linnaeus, 1758
  • minor Gmelin, 1792
  • molossus Gmelin, 1792
  • mustelinus Linnaeus, 1758
  • obesus Gmelin, 1792
  • orientalis Gmelin, 1792
  • pacificus C. E. H. Smith, 1839
  • plancus Gmelin, 1792
  • pomeranus Gmelin, 1792
  • sagaces C. E. H. Smith, 1839
  • sanguinarius C. E. H. Smith, 1839
  • sagax Linnaeus, 1758
  • scoticus Gmelin, 1792
  • sibiricus Gmelin, 1792
  • suillus C. E. H. Smith, 1839
  • terraenovae C. E. H. Smith, 1839
  • terrarius C. E. H. Smith, 1839
  • turcicus Gmelin, 1792
  • urcani C. E. H. Smith, 1839
  • variegatus Gmelin, 1792
  • venaticus Gmelin, 1792
  • vertegus Gmelin, 1792

Angaso (Ingles:Dog ;Canis lupus familiaris) ay isang uri ngwangis-aso (canine), isang uri ngmamalya sa orden ngCarnivora. Ang salitang ito ay nabibilangan ng parehong mga lagalag (feral) at mga domestikadong uri, ngunit kadalasang hindi sinasama ang canids tulad ng mga lobo. Ang mga demostikong aso ay isa sa mga pinakamaraming hayop na inaalagaan sa kasaysayan ng tao. Naging kontrobersiyal ang mga aso dahil ito ay isa ring pinagkukunan ng pagkain ng ilang kultura na kinokontra ng mga aktibistang pang-hayop.

Maraming naitutulong ang mga aso sa mga tao. Ginagamit ng mga pulis at ng mga gwardya ang aso dahil matalas ang pang-amoy nito at pwede itong makaamoy ng mga bomba, mga pinagbabawal na droga at iba pa. Ginagamit din ang mga aso sa pangangaso at sa pagbabantay.

Ang aso ay isa ring popular at sikat na alaga at pwede rin itong gamitin para magpasaya ng mga tao sa telebisyon at sa mga palabas, sa perya at sa mga sirkus at sa iba pa. Tinutulungan din ng mga aso ang mga taong may kapansanan lalo na ang mga bulag. Ang asong Dalmatian ay sikat na sikat dahil nakakatulong ito sa mga bumbero at marami ding mga lahi ng aso ang sikat katulad ngGolden Retriever,German Shepherd,Belgian Malinois,Doberman Pinscher,Chihuahua atLabrador Retriever. Mayroong tinatayang mga lagpas 800 na milyong mga aso sa mundo.[3]

Pinagmulan ng aso

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Isanglobong gray na ninuno ng mga domestikadong aso.

Ang kasalukuyang lipi ng mga aso aydinomestika mula sa mgalobong gray (gray wolf).[4] Ayon kay Carles Vilà na nagsagawa ng pinaka-malawak na pag-aaral sa kasalukuyan, ang ebidensiya ngDNA ay nagpapakita na walang ibang ninuno ang mga aso maliban sa mga lobo. Sinuri ng pangkat ni Vilà ang 162 iba ibang mga halimbawa ng DNA ng lobo mula sa 27 populasyon sa Europa, Asya at Hilagang Amerika. Ang mga resultang ito ay kinumpara sa DNA mula sa 140 indibidwal na aso mula sa 67 breed na tinipon sa buong mundo. Gamit ang mga sampol ng dugo o buhok, ang DNA ay kinuha at ang distansiyang henetika para samitokondriyal na DNA ay tinantiya sa pagitan ng mga indibidwal.[5] Ang mgalobong gray ang pinakamalapit na kamag-anak ng mga aso. Angdiberhensiyang henetika sa pagitan ng mga lobong gray at aso ay 1.8% lamang salungat sa higit sa 4% sa pagitan ng mga lobong gray, mgalobong Etiopiyano at mgacoyote.[6]

Ang mga paghahambing na pag-aaral sa anatomiya at pag-aasal ng mga aso at lobo ay nagpapakita na ang pisiolohiya at karamihan ng pag-aasal ng aso ay katulad ng mga batang lobo na isang halimbawa ngneoteniya atpedomorpismo.[7] Bagaman ang mga labi ng mga domestikadong aso ay natagpuan saSiberia atBelgium mula sa mga 33,000 taon ang nakalilipas, wala sa mga liping ito ay nakapagpatuloy sahuling pang-yelong maksimum. Ang pagsubok naDNA na mitokondriyal ay nagmumungkahing ng isang paghihiwalay naebolusyonaryo sa pagitan ng mga aso at mgalobo mga 100,000 taon ang nakalilipas.

Bagaman ang ebidensiya ng fossil para sa mga aso ay malaking nabawasan ng higit sa 14,000 taon ang nakalilipas at nagwawakas ng 33,000 taon ang nakalilipas, may mga fossil ng mga buto ng lobo na nauugnay sa mga sinaunang tao ng higit sa 100,000 taon ang nakalilipas.[8]

[9][10][11]

Ang mga pinakaunang mga fossil ng mga karnibora na maiiuugnay ng may ilang katiyakan sa mgacanid (na kinabibilangan ng mgalobo,fox, at mga aso) ang mga hayop naMiacid na lumitaw sa panahongEoseno mga 56 hanggang 38 milyong taon ang nakalilipas. Mula sa mgamiacid ay nag-ebolb ang mga karniborang tulad ngpusa (Feloidea) at tulad ng aso (Canoidea). Ang linyang canoid ay tumungo mula sa hayop na may sukat ngcoyote na tinatawag naMesocyon na lumitaw sa panahongOligoseno 38 hanggang 24 milyong taon ang nakalilipas tungo sa tulad ngfox na hayop naLeptocyon at tulad nglobo hayop naTomarctus na gumala saHilagang Amerika mga 10 milyong taon ang nakalilipas.[12]

Ang hayop naCanis lepophagus na isang may makitid na bungo na canid saHilagang Amerika na lumitaw sa panahongMioseno ay tumungo sa mga unang tunay nalobo sa wakas ngYugtong Hilagang Amerikano na Blancan gaya ngCanis priscolatrans na nag-ebolb saCanis etruscus at pagkatapos ay saCanis mosbachensis[13]. AngCanis mosbachensis ay nag-ebolb naman sa mgalobong gray(Canis lupus) na nauna sa mga domestikadong aso. Mula salobong gray na ito aydinomestika ang mga domestikadong aso.

Katangian

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Pandama

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Magkaibigang tao at aso
Isang asong masigla

Nakikita ng mga aso ang kulay na dilaw, bughaw, at gray. Ang kulay pula na nakikita ng tao ay dilaw sa persepsyon ng aso at ang kulay luntian na nakikita ng tao ay kulay white.[14] Naririnig ng mga aso ang mga tunog na nasa loob ng 16Hz-40Hz hanggang 45000-60000Hz na higit pa sa kakayanan ng mga tao.[15] Mas malayo nang 4 beses kaysa sa tao ang kayang marinig ng mga aso.[16] Mas marami nang 40 beses kaysa sa tao ang reseptor pang-amoy ng aso.[17]

Inaasahang hangganan ng buhay

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Isang ordinaryong tuta

Ang iba't ibangbreed ng aso ay may iba't ibang karaniwang haba ng buhay. 10-14 na taon ang madalas na tagal ng buhay ng isang aso.[18]

BreedTagal
Chichuahua15
Siberian Husky13.5
Shih Tzu13.4
Labrador Retriever12.6
German Shepherd10.3

Tingnan din

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "Mammal Species of the World – Browse: Canis lupus familiaris". Bucknell.edu. 2005. Inarkibo mula saorihinal noong 23 Disyembre 2012. Nakuha noong12 Marso 2012.
  2. "Mammal Species of the World – Browse: lupus". Bucknell.edu. Inarkibo mula saorihinal noong 1 Abril 2013. Nakuha noong10 Agosto 2010.
  3. Matthew Gompper (2013).The dog-human-wildlife interface: assessing the scope of the problem. p. 9-54.ISBN 978-0191810183.
  4. Savolainen P; Zhang YP; Luo J; Lundeberg J; Leitner T (November 2002). "Genetic evidence for an East Asian origin of domestic dogs".Science.298 (5598): 1610–3.Bibcode:2002Sci...298.1610S.doi:10.1126/science.1073906.PMID 12446907.
  5. Vila, C.; Peter Savolainen; Jesus E. Maldonado; Isabel R. Amorim; John E. Rice; Rodney L. Honeycutt; Keith A. Crandall; Joakim Lundeberg; Robert K. Wayne (13 Hunyo 1997)."Multiple and ancient origins of the domestic dog".Science.276 (5319): 1687.doi:10.1126/science.276.5319.1687.PMID 9180076. Inarkibo mula saorihinal noong 2007-09-26. Nakuha noong2012-10-03.
  6. Mech & Boitani 2003, p. 225 harv error: no target: CITEREFMechBoitani2003 (help)
  7. Hemmer 1990, p. 83 harv error: no target: CITEREFHemmer1990 (help)
  8. "Humans live a dog's life". ABC Science. 26 Marso 2002. Nakuha noong2007-04-07.
  9. Germonpré, Mietje; Sablin, Mikhail V.; Stevens, Rhiannon E.; Hedges, Robert E.M.; Hofreiter, Michael; Stiller, Mathias; Després, Viviane R. (2009). "Fossil dogs and wolves from Palaeolithic sites in Belgium, the Ukraine and Russia: osteometry, ancient DNA and stable isotopes".Journal of Archaeological Science.36 (2): 473.doi:10.1016/j.jas.2008.09.033.
  10. Ovodov, Nikolai D.; Crockford, Susan J.; Kuzmin, Yaroslav V.; Higham, Thomas F. G.; Hodgins, Gregory W. L.; van der Plicht, Johannes (2012)."A 33,000-year-old incipient dog from the Altai Mountains of Siberia: Evidence of the earliest domestication disrupted by the Last Glacial Maximum".PLoS ONE.6 (7): e22821.doi:10.1371/journal.pone.0022821.PMC 3145761.PMID 21829526.
  11. Pionnier-Capitan M; Bemilli C; Bodu P; Célérier G; Ferrié J-G; Fosse P; Garcià M; Vigne J-D (2011). "New evidence for Upper Palaeolithic small domestic dogs in South-Western Europe".Journal of Archaeological Science.38 (9): 2123.doi:10.1016/j.jas.2011.02.028.
  12. Douglas J. Brewer; Terence, Sir Clark; Adrian Phillips (March 2002).DOGS IN ANTIQUITY Anubis to Cerberus: The Origins of the Domestic Dog. Aris & Phillips (Marso 2002).ISBN 978-0-85668-704-4. Inarkibo mula saorihinal noong 2009-05-17. Nakuha noong2012-10-03.
  13. Mech & Boitani 2003, pp. 239–45 harv error: no target: CITEREFMechBoitani2003 (help)
  14. Jennifer Davis (1998)."Dr. P's Dog Training:Vision in Dogs and People". Inarkibo mula saorihinal noong 2015.{{cite web}}:Check date values in:|archive-date= (tulong)
  15. Timothy Condon, Glenn Elert (2003)."Frequency Range of Dog Hearing".
  16. "Dog sense of hearing". Inarkibo mula saorihinal noong 2009.{{cite web}}:Check date values in:|archive-date= (tulong)
  17. Stanley Coren (2004).How Dogs Think.ISBN 0-7432-2232-6.
  18. Michell AR (November 1999). "Longevity of British breeds of dog and its relationships with sex, size, cardiovascular variables and disease".Vet. Rec.145 (22): 625–9.doi:10.1136/vr.145.22.625.PMID 10619607.S2CID 34557345.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Aso&oldid=2134147"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp