SiAshur-uballit I ang kauna-unahang katutubong pinuno ng Asirya na nag-angkin ng pamagat nasar(Hari). Pagkatapos makamit angkasarinlan, karagdagan niyang inangkin ang dignidad ng isang dakilang hari gaya ng mgaparaon ngSinaunang Ehipto at mga haringHiteo. Ang pag-akyat sa kapangyarihan ng Asirya ay kaugnay sa pagbagsak ng KahariangMitanni na pumayag sa mga hari ng Gitnang Imperyong Asirya na palawaking ang kanilang mga teritoryo sa hilagang Mesopotamiy.[9] Sa ilalim ng mga haring mandirigmang sinaAdad-nirari I (naghari noong 1305–1274 BCE),Shalmaneser I (naghari noong 1273–1244 BCE) atTukulti-Ninurta I (naghari noong 1243–1207 BCE), nakamit ng Asirya ang hangarin nitong maging isang Imperyong Asirya. Sa ilalim niShalmaneser I, ang mga huling labi ng Kahariang MIttani ay isinama sa Asirya.Ang pinakamatagumpay na haring Asiryo ay siTukulti-Ninurta I na nagpalawak sa Gitnang Imperyong Asirya.[10] Ang kanyang pinakatanyag na nagawa sa military ang pagkapanalo saLabanan ng Nihriyac. 1237 BCE na nagmarka sa pagsim ula ng wakas ng impluwensiyangHiteo sa hilagaang Mesopotamiya]] at ang kanyang pananakop saBabilonya na nagingbasalyo ng Asirya noong 1225–1216 BCE.[11][12] Si Tukulti-Ninurta rin ang unang haring Asiryo na naglipat ng kabisera nito mula sa Assur at naglunsad ng bagong lungsod ngKar-Tukulti-Ninurta bilang kabisera nito noong[13]c. 1233 BCE.[14] Ang kabisera ng imperyo ay muling ibinalik sa Assur pagkatapos ng kanyang kamatayan.[13]
Angasasinasyon niTukulti-Ninurta I noong 1207 BCE ay sinundan ng alitan ng mga dinastiya at humantong sa pagbagsak sa kapangyarihan ng Asirya. Hindi nagawa ng kanyang mga kahalili na panatilihin ang kapangyarihan ng Asirya at namuno lamang sa lupaing sentro ng Asirya na isang panahon na kasabay ngHuling Pagguho ng Panahong Bronse. Bagaman tinangka ng mga haring Asiryo sa panahong ito gaya ninaAshur-dan I (naghari noongc. 1178–1133 BCE),Ashur-resh-ishi I (naghari noong 1132–1115 BCE) atTiglath-Pileser I (naghari noong 1114–1076 BC) na palakasin ang Asirya sa pamamagitan ng pananakop, ito pananakop ay hindi matatag at panandalian lamang. Mula sa panahon niEriba-Adad II (naghari 1056–1054 BCE), patuloy na humina ang Imperyong Asirya.[15] Sa panahong ito, hindi lamang ang Asirya ang humina ngunit muling nasakop ng mga hukbong asiryo na sakupin ang malalaking bahagi ng Imperyo. Sa ilalim niAshur-dan II (naghari noong 934–912 BCE), ang paghina nito ay bumaliktad. Ang wakas ng kanyang paghahari ang pasimula ng pag-akyat sa kapangyarihan ngImperyong Neo-Asirya.(911–609 BCE).[16]
Yari sa mga tisang ibinilad sa araw ang kanilang mga gusali. Ngunit gumamit sila ng mga pundasyong bato para sa mga templo at mga palasyo, at nilagyan ng mga mabusisi o detalyadong mga ukit ang mga pader.
Ang haring Asiryo na siAshurbanipal ay kilala sa pagtitipon ng mga teksto at tableta saAklatan ni Ashurbanipal. Sa pagtitipon ng mga teksto sa kanyang aklatan, sumulat siya sa mga lungsod at sentro ng pagkatuto sa buongMesopotamiya na nag-utos sa kanila na magpadala ng mga kopya ng lahat ng mga akdang isinulat rehiyon..[17] Bilang aprentis na iskriba, pinag-aralan niya ang mgaWikang Akkadiyo atWikang Sumeryo. Nagpadala siya ng mga iskriba sa bawat rehiyon ngImperyong Neo-Asirya upang magtipon ng mga sinaunang teksto. Humirang siya ng mga iskolar at iskriba upang kopyahin ang mga teksto mula sa mga sangguniangBabilonyo. Ito ay naglalaman ng 30,000 tableta at teksto at kabilang sa aklatan ang mga kilalang panitikan naEpiko ni Gilgamesh,mito ng paglikha naEnûma Eliš, kuwento ngunang tao na siAdapa atMahirap na tao ng Nippur.
↑This date refers to whenAssur became an independent city-state, i.e. the beginning of theOld Assyrian period. The Old Assyrian period was preceded by theEarly Assyrian period but Assur was not independent during this time and distinct Assyrian cultural and religious practices had not yet fully formed.[1][2][3]
↑This date refers to the end of theNeo-Assyrian Empire, when Assyria ceased to be a state. It omits the laterpost-imperial period when there was no longer an independent Assyrian kingdom.