Lansangang-bayang Maharlika | |
---|---|
Pan-Philippine Highway Lansangang Asyano Blg. 26 | |
![]() | |
![]() Palatandaang pang-katiyakan para sa AH26 sa bahaging Lungsod Quezon ngEDSA. | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 3,517 km (2,185 mi) |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | Laoag,Ilocos Norte |
Dulo sa timog | Lungsod ng Zamboanga |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
AngLansangang-bayang Maharlika (English:Maharlika Highway),[1] na kilala rin sa pangalangPan-Philippine Highway sa Ingles (AH26 AH26), ay isang pinag-ugnay na kalsada, tulay at mga serbisyo ng barko na umaabot sa 3,517 km (2,185 mi) ang haba na kumokonekta sa mga pulo ngLuzon,Samar,Leyte, atMindanao saPilipinas, na sumeserbisyo sa pangunahing gulugod ng transportasyon.
Salungsod ng Laoag saIlocos Norte ang hilagang dulo ng daanan at saLungsod ng Zamboanga ang timog na dulo.
Iprinisinta ang daanan noong 1965 at itinayo sa panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Ang mga tagaplano mula sa pamahalaan ay naniniwala na ang daanan ay magpapasigla sa agrikultural na produksiyon at magpapababa sa gastos sa transportasyon, mag-aanyaya sa panlipunan at pang-ekonomiya na pagbabago sa labas ng pangunahing sentrong urban, at magpapalawak ng industriyal na produksiyon para sa domestiko at dayuhang pamilihan. Sinusuportahan ito ng pautang para sa pamahalaan at tulong mula sa institusyong dayuhan, tulad na lamang ngPandaidigang Bangko. Nang matapos ang proyektong ito, sinasabing isa ito sa mga pangunahing naabot ng bansa sa sektor ng transportasyon.
Inayos muli ang daanan at pinaunlad noong 1997 mula sa tulong ng pamahalaan ngHapon, at matapos ang proyektong ito, tinawag rin itongPhilippine-Japan Friendship Highway. Noong 1998, nagdesigna angKagawaran ng Turismo ng 35 seksiyon sa daanan bilang "Scenic Highways" na may pinaunlad na amenidad para sa mga manlalakbay at mga turista.
Ang bahagi ng Lansangang-bayang Maharlika sa loob ng Kamaynilaan sa hinaharap ay angSkyway Stage 3 mula Balintawak,Lungsod Quezon hanggang Buendia,Lungsod ng Makati, kasama na ang bahaging ng Skyway Stage 1 na naroroon na (mula Abenida Gil Puyat hanggang Magallanes). Magsisilbi rin itong alternatibong ruta sa mga motorista upang maiwasan angEDSA, mulaNorth Luzon Expressway hanggangSouth Luzon Expressway at gayundin naman South Luzon Expressway hanggang North Luzon Expressway.
Itinakda ang Lansangang-bayang Maharlika bilangAH26 AH26 saKalambatan ng mga Lansangang Asyano (Asian Highway Network; AHN), isang proyektong kooperatiba na naglalayon ng pagbabago sa sistema at pamantayan ng mga daanan at lansangan sa kontinente ngAsya, noong 2009.[1] Ito ang kasalukuyang daanan na hindi umuugnay sa ibang mga daanan sa kalambatan — nakakonekta ang mga seksiyon ng AHN saHapon (AH1 AH1),Sri Lanka (AH43 AH43) atIndonesia (AH2 AH2) sa kontinente sa pamamagitan ng barko papuntangTimog Korea (AH1 AH1),India (Dhanushkodi), atSingapore.
Balintawak, Lungsod Quezon - Monumento (Caloocan) - Navotas - Ermita, Maynila - Pasay - Magallanes, Makati