Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Asya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saAsia)
Tungkol sa kontinente ang artikulo na ito. Para sa ibang kagamitan, tingnan angAsya (disambiguation).
Asya
Sukat44,579,000 km2 (17,212,000 mi kuw)  (Una)[1]
Populasyon4,694,576,167 (

2021;Una)

[2][3]
Densidad ng populasyon100 km2 (39 mi kuw)
GDP (PPP)$72.7 trilyon (2022; Una)[4]
GDP (nominal)$39 trilyon (2022;Una)[5]
GDP kada kapita$8,890 (2022;Ika-4)[6]
Mga relihiyon
PantawagAsyano
Mga bansa49 na nasa UN
1 nag-oobserba
5 iba pa
Mga dependensiya
Mga estadong wala sa UN
Mga wika
Mga sona ng orasUTC+2 hanggangUTC+12
InternetTLD.asia
Mga malalaking lungsod
UN M49 code142 – Asia
001 – World

Depende sapagpapakahulugan,Asya angpinakamalakingkontinente ng mundo, o isangsubkontinente ng mas malakingEurasya oApro-Eurasya. May sukat itong aabot sa 44,579,000 km2 (17,212,000 mi kuw) — halos 30% ng kabuuang laki ng kalupaan ngDaigdig at 8.7% ng kabuuang lawak ng ibabaw nito. Makikita rito angMesopotamia,Lambak ng Indus, at angIlog Yangtze, na nagsilbing lugar kung saan umusbong ang ilan sa mga unangsibilisasyon sanakatalang kasaysayan. Kasalukuyan itong tinitirhan ng lagpas 4.6 bilyong katao, ang60% ng kabuuang populasyon ng mundo.

Ang hangganan ng Asya sa silangan ay angKaragatang Pasipiko.Karagatang Indiyano atKaragatang Artiko naman ang mga hangganan nito sa timog at hilaga. Samantala, pabago-bago sa kasaysayan ang hangganan nito sa kanluran, dahil sa kultura at politika. Gayunpaman, pinagkakasunduan ng marami na ang hangganan ng Asya sa Europa ay angBulubunduking Ural atBulubunduking Caucasus saRusya, gayundin ang mgakipot ng Turkiye (Kipot Bosphorus,Kipot Dardanelles, atDagat Marmara). AngKanal ng Suez naman saEhipto ang nagsisilbing hangganan nito saAprika.

Ang rehiyon ngTsina atIndia ang naging sentro ng ekonomiya ng mundo hanggang noong ika-19 na siglo sa pag-usad ngRebolusyong Industriyal sa Europa. Ang yaman na ito, na hinaluan pa ng mga pantasyang isinulat ng mga naunang manlalakbay tulad niMarco Polo, ang nagpaakit sa mga Europeo upang makipagkalakalan sa Silangan, na humantong kalaunan upang magtayo sila ng mga kolonya sa malaking bahagi ng kontinente. Dahil sa lawak nito at ekonomiya, naging tirahan ito ng malaking bahagdan ng populasyon sa halos buong kasaysayan nito. Gayunpaman, unti-unti na itong bumabagal pagsapit ng ika-20 siglo dahil sa samu't saring dahilan. Dito itinatag ang karamihan sa mga pinakalaganap na mgarehiliyon sa mundo, kabilang na angKristiyanismo,Islam,Judaismo,Budismo, atHinduismo.

Kahulugan at hangganan

Hangganan sa Aprika

Sa malaking bahagi ng kasaysayan, itinuturing angTangway ng Sinai bilang ang hangganan ng Asya sa Aprika. Gayunpaman, naging mas malinaw ito nang itinayo angKanal ng Suez noong ika-19 na siglo saEhipto. Samantala, ang hangganan ng dalawang kontinente sa katubigan ay angDagat Pula at angGolpo ng Suez.

Hangganan sa Europa

Pabago-bago ang naging hangganan ng Asya sa Europa sa kasaysayan dahil sa kultura at politika. Ang pinakaunang nagsubok na maglagay ng isang tiyak na hangganan ng dalawang kontinente ay angmga Griyego. Ginamit niAnaximander ang Ilog Phasis (ngayo'yIlog Rioni) saKaukasya bilang hangganan ng Europa sa Asya, mula sa lungsod ngPoti saDagat Itim hanggang saDaang Surami atIlog Kura saDagat Kaspiyo. Ito rin ang ginamit na hangganan niHerodotus noong ika-5 siglo BKP. Binago ito noongpanahong Helenistiko, kung saan inusog ang hangganan papunta sa hilaga, sa Ilog Tanais (ngayo'yIlog Don). Ito ang ginawang basehan ng mga Romanong manunulat tulad ninaStrabo atPtolemy.

Ang modernong pinagkakasunduan na hangganan ng dalawang kontinente ay nagmula sa isang mungkahi noong 1730 niPhilip Johan von Strahlenberg sa kanyangatlas. Iminungkahi niya na gawingBulubunduking Ural ang hangganan ng Europa at Asya. Pinalawig ito nang husto sa mga nagdaang taon: ginamit kalaunan angIlog Ural sa timog ng kabundukan bilang karagdagan hangganan nito, at angBulubunduking Caucasus na matatagpuan sa pagitan ng Dagat Itim at Kaspiyo.

Sa Oseaniya

Nilalagay kalimitan ang hangganan ng Asya saOseaniya saKapuluang Malay. Kinokonsidera na bahagi ng Asya angKapuluang Maluku samantalang bahagi ng Oseaniya ang isla ngNew Guinea at ang mga karatig na isla nito. Parehong nasaIndonesia ito ngayon.

Mga teritoryo ng mga Bansa sa Asya at rehiyon

MgaUN subrehiyon ng Asya
Mapang pisikal ng Asya (hindi kasama ang Timog-kanlurang Asya).
Pangalang ngrehiyon at
teritoryo, kasama angwatawat[8]
Lawak
(km²)
Populasyon
(Taya ng 1 Hunyo 2008)
Kapal ng Populasyon
(bawat km²)
Kabisera
Gitnang Asya:
KazakhstanKazakhstan[9]2,346,92715,666,5335.7Nur-Sultan
KyrgyzstanKyrgyzstan198,5005,356,86924.3Bishkek
TajikistanTayikistan143,1007,211,88447.0Dushanbe
TurkmenistanTurkmenistan488,1005,179,5739.6Ashgabat
UzbekistanUzbekistan447,40028,268,44157.1Tashkent
Silangang Asya:
HaponHapon377,835127,288,628336.1Tokyo
TaiwanTaiwan[10]35,98022,920,946626.7Taipei
MongoliaMongolia1,565,0002,996,0821.7Ulaanbaatar
Republikang Bayan ng TsinaTsina[11]9,584,4921,322,044,605134.0Beijing
Hong KongHong Kong (Tsina)[12]1,0927,903,3346,688.0
MacauMacau (Tsina)[13]25460,82318,473.3
Hilagang KoreaHilagang Korea120,54023,479,095184.4Pyongyang
Timog KoreaTimog Korea98,48049,232,844490.7Seoul
Hilagang Asya:
RusyaRusya[14]13,115,200140,702,0923.0Moscow
Timog-silangang Asya:[15]
BruneiBrunay5,770381,37160.8Bandar Seri Begawan
KambodyaCambodia181,04014,241,64070.6Phnom Penh
East TimorSilangang Timor[16]15,0071,108,77763.5Dili
IndonesiaIndonesya[17]1,419,588237,512,355159.9Jakarta
LaosLaos236,8006,677,53424.4Vientiane
MalaysiaMalaysiya329,75025,274,13568.7Kuala Lumpur
MyanmarMyanmar678,50047,758,22462.3Naypyidaw[18]
PilipinasPilipinas300,00092,681,453281.8Maynila
SingaporeSingapore7044,608,1676,369.0Singapore
TaylandiyaThailand514,00065,493,298121.3Bangkok
VietnamVietnam331,69086,116,559246.1Hanoi
Timog Asya:
BangladeshBangladesh144,000153,546,901926.2Dhaka
BhutanBhutan47,000682,32114.3Thimphu
IndiaIndia[19]3,167,5901,147,995,226318.2New Delhi
MaldivesMaldives300379,1741,067.2Malé
NepalNepal140,80029,519,114183.8Kathmandu
PakistanPakistan803,940167,762,049183.7Islamabad
Sri LankaSri Lanka65,61019,576,783298.4Colombo
Timog-kanlurang Asya:
AfghanistanAfghanistan647,50032,738,77542.9Kabul
ArmenyaArmenia[20]29,8002,968,586111.7Yerevan
AzerbaijanAzerbaijan[21]46,8703,845,12782.0Baku
BahrainBahrain665718,306987.1Manama
CyprusCyprus[22]9,250792,60483.9Nicosia
Estado ng PalestinaGaza[23]3631,537,2693,315.7Gaza
HeorhiyaGeorgia[24]20,4604,630,84199.3Tbilisi
IranIran1,648,19565,875,22342Tehran
IraqIraq437,07228,221,18154.9Baghdad
IsraelIsrael20,7707,112,359290.3Jerusalem[25]
JordanJordan92,3006,198,67757.5Amman
KuwaitKuwait17,8202,596,561118.5Kuwait City
LebanonLebanon10,4523,971,941353.6Beirut
OmanOman212,4603,311,64012.8Muscat
QatarQatar11,437928,63569.4Doha
Saudi ArabiaSaudi Arabia1,960,58223,513,33012.0Riyadh
SyriaSyria185,18019,747,58692.6Damascus
TurkeyTurkey[26]756,76871,892,80776.5Ankara
Nagkakaisang Arabong EmiratoUnited Arab Emirates82,8804,621,39929.5Abu Dhabi
Estado ng PalestinaWest Bank[27]5,8602,611,904393.1
YemenYemen527,97023,013,37635.4Sanaá
Kabuuan43,810,5824,050,404,19389.07

Mga Bansang Nagbago ng Pangalan

Maraming bansang Asyano ang nagpalit ng pangalan dahil sa pagbabago ng pamahalaan, pagbago ng pinuno o kalayaan mula sa ibang bansa.

Dating PangalanTaonKasalukuyang Pangalan
Dominyon ng India,datingBriton na Indya1950Republika ng India
East Bengal province1905-1911 and 1947-1955
1955-1971
1971
East Pakistan state
Bangladesh, People's Republic of
Democratic Kampuchea1975Cambodia, Kaharian ng
Dinastiyang Qing1912
1949
China, Republic of
China, People's Republic of
Portuguese Timor1975
2002
Timor Timur (province of Indonesia)
East Timor, Democratic Republic of
Dutch East Indies1949Indonesia, Republika ng
Persia1935
1979
Iran,
Iran, Islamikong Republika ng
Transjordan1946Jordan, Kaharian ng
Kirghiz SSR (USSR)1991Kyrgyzstan, Republika
Malaya,North Borneo,Sarawak andSingapore1963
1965
Malaysia (includingSingapore)
Malaysia andSingapore
Burma1989Myanmar, Unyon ng
Muscat1971Oman, Sultanate ng
Dominion of Pakistan1947-1956
1956-1970
1971
West Pakistan, Islamic State of
Pakistan, Islamikong Republika ng
Islas de San Lorenzo,Spanish East Indies,Philippine Islands,Las Islas Filipinas1965Pilipinas, Republika ng
Hejaz-Nejd, The Kingdom of1932Saudi Arabia, Kaharian ng
Aden1970South Yemen, People's Republic of
Ceylon1972Sri Lanka, Democratic Socialist Republic of
Tajik SSR (USSR)1991Tajikistan, Republika ng
Siam1939Thailand, Kaharian ng
Imperyong Ottoman1923Turkey, Republika ng
urkmen SSR (USSR)1991Turkmenistan
Trucial Oman &Trucial States1971United Arab Emirates
French Indo-China1949Cambodia,Laos andVietnam
Yemen, People's Democratic &Southern Yemen1990Yemen, Republika ng

Mga Relihiyon

Ang Asya ay kung saan nagmula angBudismo,Hinduismo at iba pang Indiyanong at Tsinong relihiyon. Ito rin kung saan nagsimula ang relihiyongHudaismo,Kristyanismo,Islam at iba't ibang Abramikong paniniwala. Nagsimula rin dito ang mga pilosopiyangConfucianismo atTaoismo.

Kasaysayan

Ang Asya bago ang Imperyong Mongol

Ang kasaysayan ng Asya ay makikita bilang kolektibong kasaysayan ng ilang mga natatanging mga paligid pandalampasigan mga rehiyon tulad ngSilangang Asya,Timog Asya, at angGitnang Silangan Naka-ugnay ito sa pamamagitan ng panloob na tumpok ng mga taong hating Asyano at Europeo sakapatagan.

Ang dalampasigan ay ang tahanan sa ilan sa mga maagang sibilisasyon sa daigdig. Ang bawat isa sa tatlong rehiyon ay bumubuo ng mga sibilisasyon sa paligid ng mga lambak at ilog. Sagana ang mga lambak dahil ang lupa ay may mayamang lupa at maaaring tamnan ng maraming halamang-ugat. Ang mga sibilisasyon saMesopotamya, saLambak ng Indus, at saTsina ay nagbahagi ng maraming mga pagkakatulad at palaging nagpapalitan ngteknolohiya at mga ideya tulad ngmatematika at ang mgagulong. Iba pang mga paniniwala tulad ng pagsulat ay maaaring binuo paisa-isa sa bawat lugar. Nabuo ang mga lungsod, estado, at imperyo sa mga mabababang lugar.

Ang mga patag ng rehiyon ay matagal na pinaninirahan ng mga pagala-gala, at mula sacentral steppes ay maaaring sila umabot sa lahat ng mga lugar ng Asya. Ang hilagang bahagi ng kontinente, na sinasakop ngSiberia ay hindi rin mararating ng mga pagala-gala sa kapatagan dahil sa mga makakapal na kagubatan attundra. Ang mga lugar sa Siberia ay bihira panirahan ng tao.

Ang mga sentro at paligid ay inihiwalay ng mga bundok at disyerto. AngKaukasya,Himalayas,Disyerto ng Karakum, atDisyerto ng Gobi ay bumuo ng mga hadlang para mahirapang makatawid ang mga mangangabayo sa kapatagan. Habang sa larangan ng teknolohiya at kultura, ang mga naninirahan sa lungsod ay mas masulong na, kaunti lamang ang magagawa nila na protektahan ang sarili nila laban sa mga pagala-gala. Gayunman, ang mga mabababang lugar ay hindi magkakaroon ng sapat na bukas na damuhan upang suportahan ang isang malaking pwersa ng mga nakakabayo. Kaya ang pagala-gala na sumakop sa Tsina, India, at Gitnang Silangan ay napilitang umangkop sa lokal na lipunan.

9000 BC–4500 BC

Isang templo sa lugar ng dakong timog-silangang Turkiya saGöbekli Tepe na napetsahan noong 10000 BC ay nakikita bilang ang simula ng kulturang "Neolitiko 1". Ang lunang ito ay binuo ng nga pagala-galangmangangaso-maniningil dahil walang permanenteng pabahay sa paligid. Itong lunan ng templo ay ang pinakalumang kilalang ginawa ng tao bilang sambahan. Noong 8500 BC hanggang 8000 BC, ang mga sakahan ay nagsimulang lumaganap saAnatolia,Hilagang Aprika at HilagangMesopotamia.

Angsinaunang-panahong lugar ng Beifudi malapit sa Yixian saHebei,Tsina, ay naglalaman ng mga reliko ng isang kultura na may kasabay na angCishan atXinglongwa kultura noong 7000 hanggang 8000 BC, ang mga Neolitikong kultura sa silangan ngTaihang Mountains, ay bumuo ng mga arkeolohikong puwang sa pagitan ng dalawang Hilagang kulturang Intsik. Ang kabuuang lugar na nahukay ay higit sa 1,200 metro kuwadrado at ang mga koleksyong Neolitiko ay natuklasan sa lugar na binubuo ng dalawang uri.[28]

Noong 5500 BC angkulturang Halafian ay nagpakita sa Levant, Libano,Palestina,Sirya, Anatolia at hilagang Mesopotamia, batay sa agrikultura sa tuyong lupa.

Sa timog Mesopotamya ay ang mga inaanod na kapatagan ngSumer atElam. Dahil diyan ang maliliit na patak ng ulan sa sistema ngpatubig ay kinakailangan. Angkulturang Ubaid ay lumaganap noong 5500 BC.

Panahon ng Bronse

Ang Panahong Calcolitico (Chalcolithic) ay nagsimula noong 4500 BC. Pagkatapos, nagsimula angPanahon ng Tansong Pula noong 3500 BC, at pinalitan ang mga kulturang Neolitiko.Ang Tsina at Vietnam ay sentro rin ng paggawaang-metal. Noon pa mang Panahong Neolitiko, ang unang mga bronseng dram, na tinatawag naDong Son Drums ay nahukay sa paligid ng rehiyon ng Red River Delta sa Biyetnam at Timog Tsina. Iniuugnay ito sa sinaunang-panahong kulturang Dong Son ng Biyetnam.

Sa Ban Chiang, Thailand (Timog-silangang Asya), ang mga artipaktong tanso ay natuklasan noong 2100 BC.

Sa Nyaunggan, Burma, ang mga kagamitang tanso ay nahukay kasama ng mga artepaktongseramika at bato. Ang pagpepetsa ay kasalukuyang malawak pa rin (3500-500 BC).

Panahon ng Bakal

Angdinastiyang Achaemenid ngImperyong Persa, na itinatag niHaring Cirong Dakila (Cyrus), ay naghari saGresya atTurkiya saIlog Indus atGitnang Asya noong ikaanim hanggang ikaapat na siglo BC. Sinakop ito niAlejandrong Dakila (Alexander) noongikaapat na siglo BC. AngImperyong Romano ay mamamahala sa bahagi ng Kanlurang Asya. Ang mga dinastiyangSeleucido (Seleucid),Partia atSasanida ng Persiya ay namayani sa Kanlurang Asya sa maraming siglo. Maraming mga sinaunang sibilisasyon ay naaapektuhan sa pamamagitan ngDaang Seda, na iniuugnay ang Tsina, Indya, Gitnang Silangan, at Europa. Ang relihiyon ngHinduismo atBudismo, na nagsimula sa Indya, ay isang mahalagang impluwensiya sa Timog, Silangan, at Timog-Silangang Asya.

Gitnang Panahon

Ang mgaKalipang Islamiko at iba pangestadong Muslim ay kinuha angGitnang Silangan,Kaukasya atGitnang Asya sa panahon ngpananakop ng Muslim noong ikapitong siglo, at pinalawak na sasubkontinenteng Indiyano atkapuluan ng Malay. AngImperyong Monggol ay sumakop sa isang malaking bahagi ng Asya noongikalabintatlong siglo, at pinalawak mula sa Tsina hanggang sa Europa.

Hindi siMarco Polo ang unang taga-kanluran na naglakbay sa Silangan at bumalik na may kamangha-manghang mga kuwento ng mga iba't-ibang kultura nito, ngunit ang kanyang mga ulat na inilathala sa huling bahagi ng ika-13 at unang bahagi ng ika-14 siglo ay ang kauna-unahang malawak na babasahin sa buong Europa.

Dinaig ng Medyebal Asya ang Kanluran sa pagbuo ng digma, komunikasyon at agham. Ang pulbura ay malawak na ginamit mula pa noong ika-11 siglo at sila ay gumagamit ng naigagalaw na uri ng paglilimbag limang daang taon bago ginawa ni Gutenberg ang kanyang palimbagan. Ang Budismo,Taoismo, atConfucianismo ay ang nangingibabaw na mga pilosopiya ngMalayong Silangan sa panahon ng Gitnang Panahon.

Ang Medyebal Asya ay ang kaharian ng mga Khan. SiGenghis Khan ay kumontrol sa maraming lupain. Nabuo niya ang kanyang kapangyarihan sa pagsasanib ng mga hiwalay na mga tribung Monggol bago palawakin ang kanyang kaharian sa timog at kanluran. Siya at ang kanyang apong lalaki, si Kublai Khan, ay kinokontrol ang mga lupain sa China, Burma, Gitnang Asya, Rusya, Iran, Gitnang Silangan, at Silangang Europa. Mga pagtaya na ang sandatahang Monggol ay bumawas ang populasyon ng China sa pamamagitan ng halos isang katlo. Pagano si Genghis Khan. Ang kanilang kultura madalas nagdusa sa napakarahas na paggamot mula sa sandatahang Monggol. Ang sandatahang Khan ay humunhon bilang malayong kanluran bilang Jerusalem bago bumagsak noong 1260.

Ang Panahong Gitna ay isang hindi maunahang panahon para sa mga Intsik sa seramika at pagpipinta. Ang mga obra maestrangarkitekturang medyebal tulad ng Angkor Wat sa Cambodia, angGreat South Gate sa Todaiji, Hapon, at ang Tien-Ning Templo sa Peyping, Tsina ang ilan sa mga tulong ng ibang konstruksyon mula sa panahon na ito.

Ang Kamatayang Itim, kung saan ay wawasak sa Kanlurang Europa ay nagsimula sa Asya, kung saan ito umubos malaking populasyon sa Tsina noong 1331. Ang Tsina ay lumaganap muli noong huling mga taon ng medyebal panahon sa panahon ng pagsikat ngDinastiyang Ming. Sa bansang Hapon ang mga ito ay nakita noong Gitnang Panahon ang isang pagbabalik sa tradisyunal na pananampalatayang Shinto at ang patuloy na pagiging popular ng Budismong Zen.

Modernong panahon (1500-kasalukuyan)

AngImperyong Ruso ay nagsimulang lumawak sa Asya noongika-17 siglo, at kokontrol ngSiberya at karamihan ngGitnang Asya saika-19 siglo. AngImperyong Ottoman ay kinokontrol angTurkiya at angGitnang Silangan mulaika-16 na siglo pataas. Noongika-17 siglo, angManchu ay sinakop ang Tsina at itinatag angDinastiyang Qing, bagaman ito ay sa tanggihan sa ika-19 siglo at ibinagsak noong 1912.

Ang kapangyarihang Europeo ay kumontrol ng iba pang bahagi ng Asya noong 1900s, tulad ngIndyang Ingles,Indotsinang Pranses atMacau atGoa ng Portuges. AngGreat Game sa pagitan ng Rusya at Britanya ay ang mga pakikibaka para sa kapangyarihan sa rehiyon ng Sentral Asya noong ika-19 siglo. AngTrans-Siberian Railway, na tumatawid sa Asya sa pamamagitan ng tren, ay kumpleto na noong 1916. Ang ga bahagi ng Asya ay nanatiling nalaya mula sa kontrol ng Europa, bagaman hindi umimpluwensiya, tulad ngPersiya,Thailand at karamihan ng Tsina. Sa ika-20 siglo, angImperyo ng Hapon ay pinalawak na sa Tsina at Timog-silangang Asya sa panahon ngIkalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkatapos ng digmaan, maraming mga bansanng Asyano ay naging malaya mula sa kapangyarihang Europeo. Sa panahon ngDigmaang Malamig, sa hilagang bahagi ng Asya aykomunista na kinokontrol angUnyong Sobyet atPeople's Republic of China, habang ang kanluraning alyado ay nakabuo ng mga samahan tulad ngCENTO atSEATO. Ang mga away tulad ngDigmaang Korea,Digmaang Vietnam atpagsakop ng USSR sa Apganistan ay away sa pagitan ng mga komunista at di-komunista. Isang dekada matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, isang napakalaking planong pagbuhay muli ay nagdala saHapon bilang pangalawang-pinakamalaking ekonomiya sa mundo, isang palatandaan na kilala bilangpang-ekonomiyang himala matapos ang digmaan sa Hapon. Angtunggaliang Arabe-Israelita ay may dominadong tala sa pangkasalukuyang kasaysayan ngGitnang Silangan. Pagkatapos ang pagbagsak ngUnyong Sobyet noong 1991, maraming mga bagong malayang bansa ang naitatag sa Gitnang Asya. Naimbento ang tren noong ika-19 na siglo.

Tingnan din

Talababa

  1. Hindi kasama sa pagtatayang ito ang mga bansang nasa labas ng rehiyong Asya-Pasipiko, lalo na yung mga nasaGitnang Silangan.

Sanggunian

  1. National Geographic Family Reference Atlas of the World [Pampamilyang Sangguniang Atlas ng Mundo ng National Geographic] (sa wikang Ingles).Washington, DC,Estados Unidos:National Geographic Society (Estados Unidos). 2006. p. 264.
  2. "World Population Prospects 2022".population.un.org.United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population Division. Nakuha noong17 July 2022.
  3. "World Population Prospects 2022: Demographic indicators by region, subregion and country, annually for 1950-2100" [World Population Prospects 2022: Mga panukoy pang-demograpiko batay sa rehiyon, subrehiyon, at bansa, taunan mula 1950-2100](XSLX).population.un.org ("Kabuuang populasyon, tumpak noong ika-1 ng Hulyo (libo)") (sa wikang Ingles).United Nations Department of Economic and Social Affairs, Population Division. Nakuha noongJuly 17, 2022.
  4. "GDP PPP, current prices" [GDP PPP, kasalukuyang presyo] (sa wikang Ingles).International Monetary Fund. 2022.Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Enero 2021. Nakuha noong26 Oktubre 2022.
  5. "GDP Nominal, current prices" [GDP Nominal, kasalukuyang presyo] (sa wikang Ingles).International Monetary Fund. 2022.Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2017. Nakuha noong26 Oktubre 2022.
  6. "Nominal GDP per capita" [Nominal na GDP kada capita].International Monetary Fund. 2022.Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Enero 2020. Nakuha noong26 Oktubre 2022.
  7. "Religious Composition by Country, 2010–2050" [Komposisyon ng Rehiliyon kada Bansa, 2010-2050].pewforum.org (sa wikang Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Disyembre 2019. Nakuha noong26 Oktubre 2022.
  8.   Rehiyong kontinental ayon sapag-uuri ng UN (mapa), hindi kabilang ang 12. Depende sa depinisyon, ang ibang teritoryo sa ibaba (notes 6, 11-13, 15, 17-19, 21-23) ay maaringen:sa Asya at isa sa mga sumusunod:Europa,Aprika, oOceania.
  9.   Minsan ay itinuturing na bansang transkontinental angKazakhstan sa Gitnang Asya atSilangang Europa; ang pigura ng populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang.
  10.   Ang pigura ay para sapook sa ilalim ngde facto kontrolado ng pamahalaangRepublika ng Tsina (ROC). Inaanking buo ng PRC; tingnan angestadong pampolitika ng Taiwan.
  11.   Ang kasalukuyang estado ay pormal na kilala bilangPeople's Republic of China (PRC). Ang mga pigura ay para lamang saKalupaang Tsina at hindi kasama angHong Kong,Macau, atTaiwan.
  12.   AngHong Kong ay isangSpecial Administrative Region (SAR) ng PRC.
  13.   AngMacau ay isangSpecial Administrative Region (SAR) ng PRC.
  14.   Malawakang itinuturing angRussia na isang bansang transkontinental sa Silangang Europa (UN region) atHilagang Asya; ang pigura ng populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang.
  15. Hindi kabilang angPulo ng Christmas atCocos (Keeling) Islands (panlabas na teritoryo ng Australia na nasaKaragatang Indian sa timog-kanluran ngIndonesia).
  16.   AngEast Timor ay kalimitang itinuturing na isang bansang transkontinental sa Timog-silangang Asya atOceania.
  17.   AngIndonesia ay itinuturing na bansang transkontinental sa Timog-silangang Asya atOceania; hindi kasama sa pigura angIrian Jaya atKapuluang Maluku, na karaniwang itinuturing na nasa Oceania (Melanesya/Australasya).
  18.   Ang kabeserang administratibo ngMyanmar ay opisyal na inilipat mulaYangon sa isangmilitarised greenfield na nasa kanluran ngPyinmana noong 6 Nobyembre 2005.
  19.   Kasama angJammu at Kashmir, isang pinagtatalunang teritoryo ng India,Pakistan, at ngPRC.
  20.   AngArmenia ay minsang itinuturing na isang bansang transkontinental: pisikal na matatagpuan ito saKanlurang Asya, ngunit mayroon itong historikal at sosyopolitikal na koneksyon ito sa Europa.
  21.   AngAzerbaijan ay kalimitang itinuturing na isang bansang transkontinental sa Kanlurang Asya at Silangang Europa; ang pigura sa populasyon at lawak ay para sa bahaging ansa Asya lamang. Kasma sa pigura angNakhchivan, isang nagsasarilingexclave ng Azerbaijan na pinalilibutan ngArmenia,Iran, atTurkey.
  22.   Ang pulo ngCyprus ay minsang itinuturing na isang teritoryong transkontinental: sa Eastern Basin ngDagat Mediterranean timog ngTurkey, ito ay may historikal at sosyopolitikal na koneksyon sa Europa. AngRepublikang Turko ng Hilagang Tsipre (TRNC), na iba sade jure na Republic of Cyprus sa timog, ay kinilala lamang ng Turkey.
  23.   AngGaza atWest Bank, na tinatawag na "Occupied Palestinian Territory" ng UN, ay mgateritoryo na bahagyang sakop ngIsrael ngunit nasade facto na sa ilalim ng administrasyon ngPalestinian National Authority.
  24.   AngGeorgia ay kalimitang itinuturing na isang bansang transkontinental sa Kanlurang Asya at Silangang Europa; ang pigura sa populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang.
  25. Noong 1980, angHerusalem ay ipinahayag na pinagsanib na kabesera ng Israel, pagkaraan ngannexation ngEast Jerusalem sa panahon ng1967 Six-Day War. Hindi ito kinikilala ngUnited Nations at maraming bansa, kaya maraming bansa ang nagtatayo ng embahada saTel Aviv na lamang.
  26.   AngTurkey ay pangkahalatang itinuturing an isang bansang transkontinental sa Kanlurang Asya atTimog Europa; ang pigura sa populasyon at lawak ay para sa bahaging nasa Asya lamang, at hindi kasama ang buongLalawigan ng Istanbul.
  27.   AngWest Bank atGaza, tinatawag na "Occupied Palestinian Territory" ng UN, ayteritoryong sakop ngIsrael ngunit nasade facto na administrasyon ngPalestinian National Authority.
  28. "New Archaeological Discoveries and Researches in 2004 — The Fourth Archaeology Forum of CASS". Institute of Archaeology — Chinese Academy of Social Sciences. Inarkibo mula saorihinal noong 2011-05-12. Nakuha noong2007-09-18.Naka-arkibo 2011-05-12 saWayback Machine.
Mga bansa at dependensiya saAsya
Mga estadong soberano
Estadong limitado ang pagkakakilala
Dependensiya at iba pang teritoryo


   
Mga heolohikal na malalaking lupalop

   

Lumubog na mga lupalop
Kerguelen Plateau · Zealandia

Posibleng mga lupalop sa hinaharap
Pangaea Ultima · Amasia

Mitolohiya/Mga awtorisadong lupalop
Atlantis · Lemuria · Meropis  · Mu · Terra Australis

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Asya&oldid=2118301"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp