AngArmenya (Armenyo:Հայաստան;tr.Hayastan), opisyal naRepublika ng Armenya, ay bansang transkontinental at walang pampang na nasa pagitan ngSilangang Europa atKanlurang Asya. Matatagpuan sa Timog Kaukasya, hinahangganan ito ngTurkiya sa kanluran,Heorhiya sa hilaga,Aserbayan at ng koridor Lachin sa silangan, atIran at ng eksklabong Aseri na Nakhchivan sa timog. Ang kabisera, sentrong pinansyal, at pinakamalaking lungsod nito ayEreban.
Sa pagitan ng ika-16 at ika-19 na dantaon, ang tradisyunal na tinubuang-bayan ng Armenya na binuo ngKanlurang Armenya atSilangang Armenya ay napasailalim ng pamumuno ngImperyong Otomano atPersa, na paulit-ulit na pinamunuan ng alinman sa dalawa sa paglipas ng mga siglo. Noongika-19 na dantaon, ang Silangang Armenya ay nasakop ngImperyong Ruso habang ang karamihan sa mga kanlurang bahagi ng tradisyunal na Armenyong tinubuang-bayan ay nanatili sa ilalim ng pamamahalang Otomano. NoongUnang Digmaang Pandaigdig, higit 1.5 milyong Armenyo na nanirahan sa kanilang lupaing ninuno sa Imperyong Otomano ay sistematikong nalipol sahenosidyong Armenyo. Noong 1918, kasunod ngHimagsikang Ruso, ang lahat ng mga bansang hindi Ruso ay nagpahayag ng kanilang kalayaan pagkatapos na pagkabuwag ngImperyong Ruso, na humantong sa pagkatatag ngUnang Republika ng Armenya. Noong 1920, ang estado ay isinama saTranskaukasyanong Sosyalistang Pederatibong Republikang Sobyet, at noong 1922 ay naging isa itong kasaping nagtatag ngUnyong Sobyet. Noong 1936, ang estadong Transkaukasyano ay nilansag at ginawang ganap na mga republika ng Unyon ang mga nasasakupan nitong estado, kabilang na angArmenyong Republikang Sosyalistang Sobyet. Ang modernong Republika ng Armenya ay naging malaya noong 1991 sa panahon ngpagbuwag ng Unyong Sobyet.
Ang Armenia ay nahahati sa sampunglalawigan (marzer, kapag isamarz), na ang lungsod (kaghak) ngYerevan (Երևան) bilang may natatanging kalagayang pang-administratibo dahil sa pagiging kabesera ng bansa.