Angarkeolohiyang pambibliya,arkeolohiyang biblikal, oarkeolohiyang makabibliya (Ingles:biblical archaeology) ay angarkeolohiya na nauukol saBibliya. Ang nangingibabaw na pananaw ng mga arkeologo na gumagawa sa Gitnang Silangan partikular sa Palestina/Israel sa sinasabing panahongBiblikal ay ang mga kuwento saBibliya ay sinasalungat ng mga ebidensiyang arkeolohikal na natagpuan sa mga lugar na ito. Sa katunayan, ang terminong biblikal na arkeolohiya ay isinantabi na at ang mas pinapaborang termino ng mga arkeolohiya ng Gitnang Silangan sa kasalukuyang panahon angarkeolohiyang Siro-Palestinyano.

Ang mga saligan ng biblikal na arkeolohiya ay inilatag noong ika-19 na siglo sa akda ng mga antiquarian gaya ni Johan Jahn na ang manwal ng biblical antiquities na Biblische Archäologie, (1802, na isinalin sa Ingles noong 1839) ay labis na maimpluwensiya (influential) sa gitnang mga panahon ng ika-19 na siglo. Sa sandaling panahong pagkatapos nito, si Edward Robinson na kilala bilang tagapagtatag ng modernongPalestinolohiya ay naglimbag ng mabentang aklat na Biblical Researches in Palestine, the Sinai, Petrae and Adjacent Regions (1841) na nagdulot sa pangkat ng mga tao ng simbahan (clergymen) na magtatag ng Palestine Exploration Fund "upang itaguyod ang pagsasaliksik sa arkeolhiya at kasaysayan, ugali at kagawian at kultura, heolohiy at mga natural na agham sa biblikal na Palestina at Leven" noong 1865. Ito ay sinundan ng Deutscher Palästina-Verein (1877) at ng École Biblique (1890). Ang American School of Oriental Research ay itinatag noong 1900 at ang British School of Archaeology noong 1919. Ang pananaliksik na inisponsoran ng mga institusyong ito sa mga simulang yugto nito ay pangunahing heograpiko at hanggang 1890 nang si Sir Flinders Petrie ay nagpakilala ng mga pundamental na prinsipyo ng siyentipikong na paghuhukay kabilang angstratigrapiya atseramikong typolohiya sa arkeolohiyang Palestinian. Ang dominanteng pigura sa ika-20 siglong arkeolohiya ng bibliya ay si William F. Albright na isang Amerikanong nag-ugat sa tradisyongkristiyanong ebanghelikal (ang kanyang mga magulang ay ministrong baptist sa Chile). Siya ang direktor ng Director of the American Schools of Oriental Research (ASOR) na ngayon ay tinatawag na W. F. Albright Institute of Archaeological Research mula 1920 hanggang 1930 at editor ng ASOR Bulletin hanggang 1968. Sa mga simulang dekada ng ika-20 siglo, ang debate ay pinangibabawan nghipotesis na dokumentaryo. Ang hipotesis na ito ay nagpapaliwanag na angBibliya ay isang pinagsamang produkto ng mga may-akda na sumulat sa pagitan ng ika-10 hanggang ika-5 siglo BCE at nagtaas ng tanong sa kung ang mga aklat sa Bibliya ay maituturing bang mapagkakatiwalaang impormasyon sa panahon niSolomon o mas nauna pa rito. Ang mga skolar naEuropeo ay nagmungkahing ang mga aklat sa Lumang Tipan ay nakasalig sa tradisyong ipinasa ng bibig na maaaring sumasalamin sa tunay na kasaysayan ngunit ang mga mismong aklat na ito ay hindi naglalaman ng tamang kasaysayan. Nakita ni Albright ang arkeolohiya bilang isang praktikal na paraan upang masubok ang mga ideyang ito. Si Albright at ang kanyang mga tagasnod ay naniniwalang ang arkeolohiya ay maaari at dapat magbigay linaw sa mga salaysay ng Bibliya partikular na sa Lumang Tipan. Ang maimpluwensiya (influential) na mga posisyong akademiko ni Albright at ng kanyang mga tagasunod at ang kanilang mga akda ay gumawa sa mga itong labis na maimpluwensiya (influential) lalo na sa Amerika at lalo na sa mga ordinaryongKristiyano na nagnanais na maniwalang ang arkeolohiya ay nakapagpatunay ng Bibliya. Ang katunayan, ang mga kasapi ng eskwelang ito ni Albright ay hindi mgaliteralista (naniniwala sa literal na interpretasyon ng Biliya) at ang kanilang layunin ay ibukod ang mga bahaging totoo sa Bibliya at mga pagpapalamuti (embellishments) dito. Ang mga konklusyon ng eskwelang Albrightian ay pinataob sa ikalawang gitnang bahagi ng ika-20 siglo. Ang pinabuting mga paraang arkeolohikal na ang pinakakilala rito ang mga paghuhukay ng arkeologong Briton na siKathleen Kenyon saJericho ay hindi sumusuporta sa mga konklusyon ni Albright at ng kanyang mga tagasunod. Bukod dito, ang rekonstruksiyon ni Albright kay Abraham bilang isang karabanero (carvaneer) ngasno ay itinakwil ng pamayanang arkeolohikal. Ang hamong ito sa eskwelang Albright ay umabot sa rurok nito sa publikasyon ng dalawang mga mahalagang pag-aaral. Noong 1974, ang aklat ng arkeologong siThomas L. Thompson naThe Historicity of the Patriarchal Narratives ay muling sumiyasat ng mga salaysay saAklat ng Genesis at nagbigay ng konklusyon na "hindi lamang na ang arkeolohiya ay hindi nagpatunay ng isang pangyayari sa mga salaysay Patriarkal bilang historikal (totoong kasaysayan), ito ay hindi nagpakitang ang mga tradisyong ito ay malamang". Ang akda ng arkeologong siJohn Van Seters noong 1975 naAbraham in History and Tradition ay umabot sa parehong konklusyon tulad kay Thompson tungkol sa pagiging magagamit ng kasaysayang tradisyon. Sa parehong panahon, ang mga bagong henerasyon ng mga arkeologo na ang pinakilala ay siWilliam G. Dever ay bumatikos sa arkeolohiyang Biblikal sa pagkabigo nitong pansinin ang rebolusyon sa arkeolohiyangprocessualismo na nakikita ang displinang ito bilang siyentipikong kapanig ngantropolohiya kesa bilang isang bahagi ng corpus nghumanidades (humanities) na kaugnay ng kasaysayan atteolohiya. Ayon kay Dever, ang arkeolohiyang Biblikal ay nanatiling "sa kabuuan sa labis na makitid ng anggulong pananaw teolohikal at dapat ay lisanin at palitan ng isang pang-rehiyon na arkeolohiyang Syro-Palestinian na gumagana sa loob ng isang balangkas na processual". Si Dever ay malawak na nagtagumpay. Ang karamihan sa mga arkeologong gumagawa sa panahon ngBibliya ay gumagawa sa kasalukuyan sa loob ng processual o post-processual na balangkas.
Ayon sa mga arkeologo, skolar ng Bibliya at historyan, ang karamihan ng kasaysayang isinasalaysay saBibliya tungkol sa bansangIsrael (Biblikal na Israel) partikular saLumang Tipan gaya ng salaysay na partriarkal (kuwento niAbraham,Moises),Exodo ng mga Israelita saEhipto at pananakop ni Josue sa Canaan saAklat ni Josue ay sinasalungat ng mga ebidensiyang arkeolohikal atmitikal (mythical). Ayon sa arkeologong Israeli na siIsrael Finkelstein, walang ebidenisyang arkeolohikal na nagpapatunay sadakilang kaharian nina David at Solomon o templo ni Solomon. Ang ebidensiyang arkeolohikal ay nagpapakitang ang Herusalem sa sinasabing panahon nina David at Solomon ay isa lamang baranggay (village) na mayroong hindi tataas sa 5,000 katao.
Ang mga modernong skolar ay kumuha ng mga aspeto ng "biblikal na Israel" (Israel na inilalarawan sa Bibliya) at ikinasal ito sa mga datos mula sa arkeolohikal at hindi biblikal na mga pinagkukunan upang lumikha ng kanilang berisyon ng isang nakaraang Israel o "Sinaunang Israel" (Ancient Israel). Ang Sinaunang Israel na ito na binuo ng mga skolar ay walang labis na kaugnayan sa tunay na kahariang winasak ng imperyong Assyrian noong 722 BCE o sa historikal na Israel. Ang tunay na mga paksa ng pagsusulat na kasaysaysan sa modernong panahon ay anghistorikal na Israel o angbiblikal na Israel. Anghistorikal na Israel ay isang realidad na historikal samantalang angbiblikal na Israel ay isang likhang intelektuwal ng mga may akda ngBibliya.[4][5]
Ang sinaunang mga ugat ngHudaismo na nakasalig sa Panahong Tansongpoliteistikong mgaSemitikong relihiyon (na spesipiko angrelihiyong Cananeo) ay isangsinkretisisasyon ng mga elemento ngZoroastrianismo at ng pagsamba kayYahweh na makikita sa sinaunang mga aklat ngTanakh. Maraming mga skolar ang naniniwala na ang mga konseptong nabuo pagkakatapos ng pagkakatapon sa Babiblonia ng mga Israelita gaya ng eskatolohiya, mga anghel at mga demonyo ay naimpluwensiyahan ng relihiyongZoroastrianismo.[6][7] Noong panahon ngpagkakatapon sa Babilonia ng mga Israelita noong 587 BCE, ang ilang mga pangkat ng mga pinatapongmga taga-Judah ay muling naglarawan ng mas naunang mga ideya tungkol samonoteismo, pagkakahirang ng Israel, batas ng diyos at tipan sa isang teolohiya na nanaig sa Judah sa sumunod na mga siglo.[8]

Ang arkeolohikal na ebidensiya sa panahon ng sinasabingKaharian ng Israel ay nagdodokumento ng mga tensiyon sa pagitan ng mga pangkat na komportable sa pagsamba kayYahweh kasama ng mga lokal nadiyos gaya ninaAsherah atBaal (mga politeista) at sa mga nagpipilit ng pagsambalamang kay Yahweh (mga monoteista).[9][9] Noong ika-8 siglo BCE, ang pagsamba kayYahweh sa Israel ay nakipagtunggali sa maraming iba pang mga kulto na tinukoy ng paksiyong Yahwist bilangmga baal. Ang paksiyong monoteistang ito ay tila nagkamit ng malaking impluwensiya noong ika-8 siglo BCE at noong mga ika-7 siglo BCE batay sa pinagkunangDeuteronomistiko, ang monoteistikong pagsamba kay Yahweh ay tila naging opisyal at ito ay makikita sa pag-aalis ng larawan niAsherah sa templo sa Herusalem sa sinasabing pamumuno ni HaringHezekiah kaya ang pagsambang monoteistiko sa diyos ng Israel ay maikakatwirang nagmula sa pamumunong ito.[8] AngDeuteronomio gayundin ang ibang mga aklat na itinuro saDeuteronomista ay isinulat noong sinasabing panahon ni HaringJosiah. Kaya ang huling mga dekada ng panahon ng kaharian ng Israel hanggang sa pagkakatapon sa Babiblonia ay nagmamarka sa opisyal namonolatriya ng diyos ng Israel. Ito ay may mahalagang mga konsekwensiya sa pagsamba kay Yahweh gaya ng pagsasanay sa mga ipinatapon na Israelita sa Babilonia at kalaunan ay para sa teolohiya ng Ikalawang templong Hudaismo.
Ang sumusunod ang mga yugto ng panahon saarkeolohiyang Syro-Palestinian:[10]
Ayon sa arkeologong Israeli na siZe'ev Herzog:[11]
Ito ang nalaman ng mga arkeologo sa kanilang paghuhukay sa bansang Israel: Ang mga Israelita ay hindi kailanman tumuntong sa Ehipto, hindi naglakbay sa ilang,hindi sinakop ang lupain (ng Canaan), at hindi ito ibinigay sa 12 lipi ng Israel. Marahil, ang isa sa napakahirap lunukin ay angpinagkaisang kaharian ni David at Solomon na sinasabi sa Biblia na makapangyarihan sa buong rehiyon (ng Canaan), ay isang maliit na tribong kaharian lamang. At ikagugulat ng marami na ang diyos ng Israel na si Yahweh ay may asawang babae at ang mga sinaunang Israelita ay tinanggap lamang ang monoteismo sa panahong humina na ang kaharian at hindi sa Bundok Sinai.
Ito ay tinatanggap ng halos lahat ng mga arkeologo at iskolar ng Lumang Tipan kabilang sinaWilliam G. Dever,Israel Finkelstein,Francesca Stavrakopoulou,Zahi Hawass at marami pang iba.