Si Aristotélis, na inukit niLýsippos. Ito ay nasaLouvre.
Kapanganakan
384 BCE
Stageira
Chalkidian League
(Olympiada, Commune of Olympiada, Stagira - Akanthos Municipal Unit, Aristotelis Municipality, Chalkidiki Regional Unit, Central Macedonia, Decentralized Administration of Macedonia and Thrace, Gresya)
Si Aristoteles ay sinasabing pinanganak noong 384 BCE sa Masedonyang rehiyon ng hilagang Gresya. Sa edad na labing-pito, nag-aral siya sa akademya ngAtenas na tinuturuan niPlaton. Siya ay nanatili sa akademya hanggang sa kamatayan ni Plato noong 347 BCE.[1]
Naglakbay si Aristoteles sa Assos, ngayon ay nasa hilagang-kanluran ng babaying kasalukuyangTurkiya. Ipinagpatuloy niya ang sariling tatag na akademya kung saan tinuturo niya ang kanyang sariling pilosopikal na mga ideya. Sa panahon ding ito nagka-interes siya sabiyolohiya, partikular na sa mga hayop na pandagat. Umalis si Aristoteles sa Assos nang namatay ang kanyang kaibigan at pinuno ng Assos na si Hermeias. Pumunta siya sa Lesbos para ipagpataloy ang kanyang pilosopikal at makaagham na pag-aaral.[1]
Sa Lesbos, nakatrabaho niya si Theophrastus sa pananaliksik. Sa panahong iyon, napangasawa niya si Pythias, isang kamag-anak ni Hermeias.[1]
Noong 343 BCE, pinakiusapan ni Haring Felipe ng Macedonia si Aristoteles na turuan ang kanyang anak na si Alejandro, noo'y labing-tatlong gulang pa lamang. Natapos ang pagtuturo ni Aristoteles sa prinsipe pagkatapos ng mga tatlo o dalawang taon.[1]
Dahil hindi masyadong natala ang buhay niya mula noong 341 hanggang 335 BCE, sinasabi ng mga historyador na nanatili siya sa Macedon hanggang sa umalis siya rito at bumalik sa Atenas. Sa Atenas, nagtayo siya ng isang "Liseo" (Lyceum). Ang miyembro ng Liseong ito ay may layuning magsaliksik sa kung anumang asignatura kabilang ang mga interes ni Aristoteles. Sa panahong ito, namatay ang kanyang asawang si Pythias at nag-asawa siya muli, kay Herpyllis.[1]
Umalis muli si Aristoteles sa Atenas noong 323 BCE dahil sa pagrebelde at diskriminasyon sa mga tubong Macedonian. Pumunta siya sa Chalcis, sa Euboea, at doon siya namatay noong 322 BCE.[1]
↑1.01.11.21.31.41.5Shields, Christopher (2023), Zalta, Edward N.; Nodelman, Uri (mga pat.),"Aristotle",The Stanford Encyclopedia of Philosophy (ika-Winter 2023 (na) edisyon), Metaphysics Research Lab, Stanford University, nakuha noong2024-08-25