Angaristokrasya (Griyego:ἀριστοκρατίαaristokratía, mula saἄριστοςaristos 'napakahusay', atκράτος,kratos 'pamamahala')[1] okamarhalikaan[N 1] ay isang uri ngpamahalaan na nilalagay ang kapangyarihan sa mga kamay ng isang maliit, may pribilehiyong namumunong uri, mga aristokrata o taong maharlika.[2] Hinango ang katawagang aristokrasya mula sasalitang Griyego naaristokratia, na nangangahulugang 'pamahalaan ng pinakamahusay'.[3]
Sa panahon ngsinaunang Gresya na pinagmulan ng salita, inisip ng mga Griyego ito bilang pamahalaan ng pinakakuwalipikadong mga mamamayan—at kadalasang sinasalungat nito ang pinapaborangmonarkiya, na pinamumunuan ng isang indibiduwal. Unang ginamit ang katawagan ng mga sinaunang Griyego tulad ninaAristotle atPlato. Ginamit nila ang naturang salita upang isalarawan ang isang sistema kung saan ang mga pinakamagagaling na mga mamamayan lamang, na pinili sa pamamagitan ng maingat na proseso ng pagpili, ang magiging pinuno, at bawal ang minanang pamumuno, maliban lamang kung taglay ng mga anak ang mas mahusay na katangian na akma sa pamumuno kumpara sa ibang mga mamamayan alang sa kaayusan ng pamahalaan.[4][5][6] Mas kaugnay ng "minanang pamumuno" ang konteksto ngoligarkiya, isang masamang anyo ng aristokrasya kung saan pinamumunuan ng iilan, ngunit hindi sila mahuhusay. Isinaalang-alang ninaPlato,Socrates,Aristotle,Henoponte at mgaSparta ang aristokrasya (ang mainam na anyo ng pamamahala ng iilan) na likas na mas mabuti kaysademokrasya (mainam na anyo ng nakakarami). Subalit tinuturing din nila na ang masamang anyo ng aristokrasya (oligarkiya) ay mas malala pa kaysa sa masamang anyo ngdemokrasya (oklokrasya).[4][5][6][7][8] Nag-ugat ang paniniwalang ito sa palagay na ang masa lamang ang makakagawa ng katamtamang polisiya, kung sila nga ay pinakakamahusay na mga indibiduwal.[6] Ginamit sa paglaong pagsusuri niPolibio sa Konstitusyong Romano ang konsepto ng aristokrasya upang isalarawan ang kanyang pagkakaintindi ng isangrepublika bilang isang pinaghalong anyo ng pamahalaan, kasama ng demokrasya at monarkiya sa pagkakaintindi mula doon, bilang isang sistema ng mga pagsuri at pagtimbang (checks and balances), kung saan sinusuri ng bawat elemento ang pagmamalabis ng bawat isa.[9]
Sa makabagong panahon, kadasalang nakikita ang aristokrasya bilang pamahalaan na pinamumunuan ng isang may pribilehiyong pangkat, ang uring aristokratiko, at tinataliwas sa demokrasya.[2]
↑Ang salitangmaharlika ay dating tumutukoy sa gitnang uri ng sinaunang lipunangTagalog. Noong panahon ng pagkakatatag ngKilusang Bagong Lipunan sa Pilipinas, ginamit ni dating PangulongFerdinand E. Marcos ang katagang "maharlika" sa kahulugang dugong bughaw o aristokrasya ng sinaunang lipunang Pilipino. Dahil dito, naging madalas ang paggamit sa maharlika sa makabagong panahon sa kahulugang "marangal" o "dugong bughaw" ngunit ang tamang termino para dito ay ang antas at lipi ng "Maginoo".
↑2.02.1"Aristocracy".Oxford English Dictionary (sa wikang Ingles). Disyembre 1989. Inarkibo mula saorihinal noong Hunyo 29, 2011. Nakuha noongDisyembre 22, 2009.
↑A Greek–English Lexicon, Henry George Liddell, Robert Scott, Henry Stuart Jones, Roderick McKenzie (editors). "ἀριστο-κρᾰτία, ἡ,A, rule of the best, aristocracy, ἀ. σώφρων Th.3.82, cf. Henoch.5.17, Isyll.1, etc.; the rule of the rich, Pl.Plt.301a. II ideal constitution, rule of the best, Artist. Pol.1293b1 sqq., EN1160a33, Pl.Mx.238c, 238d, Plb.6.4.3."http://logeion.uchicago.edu/%E1%BC%80%CF%81%CE%B9%CF%83%CF%84%CE%BF%CE%BA%CF%81%CE%B1%CF%84%CE%AF%CE%B1 (sa Ingles)
↑4.04.1Aristotle.Politics (sa wikang Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong 2011-06-29. Nakuha noong2021-08-05.
↑5.05.1Plato.The Republic (sa wikang Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong 2011-04-11. Nakuha noong2021-08-05.
↑Plutarch."The Life of Lycurgus".The Parallel Lives of the Noble Greeks and Romans (sa wikang Ingles). Inarkibo mula saorihinal noong 2011-05-24. Nakuha noong2021-08-05.