Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Eskala ng panahong heolohiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saArchean)
Eskala ng panahong heolohiko na may proporsyonal na representasyon ng mga eon/eonothem at mga era/erathem. Pinapaikli ang Senosoiko sa Cz. Pinapakita din ng larawan ang ilang kapansin-pansin na kaganapan sa kasaysayan ng Daigdig at pangkalahatang ebolusyon ng buhay.
Eskala ng panahong heolohiko na may proporsyonal na representasyon ng mga eon/eonothem at mga era/erathem. Pinapaikli ang Senosoiko sa Cz. Pinapakita din ng larawan ang ilang kapansin-pansin na kaganapan sa kasaysayan ng Daigdig at pangkalahatang ebolusyon ng buhay. Kinakatawan ng isang megaano (Ma) ang isang milyong (106) taon.
Alternatibong representasyon ng eskala ng panahong heolohiko bilang isang orasan. Tandaan: ang GTS ay lineyar at hindi pasiklo o paikot.

Angeskala ng panahong heolohiko (Ingles:geologic time scale ogeological time scale oGTS) ay isang representasyon ng oras batay sa tala ng bato ngDaigdig. Ito ang sistema ng pagpepetsang kronolohikal na gumagamit ng kronoestratigrapiya (ang proseso na inuugnay angestrato sa panahon) at heokronolohiya (isang siyentipikong sangay ngheolohiya na naglalayon na matukoy ang eded ng mga bato). Pangunahin itong ginagamit ng mga siyentipiko ngagham pandaigdig (kabilang ang mga heologo,paleontologo,heopisiko, heokimiko, at paleoklimatologo) upang isalarawan ang pagsasapanahon at ugnayan ng mga pangyayari sa heolohikong kasaysayan. Naisagawa ang eskala ng panahon sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga patong ng bato at pagmamasid ng kanilang ugnayan at pagtukoy sa mga katangian tulad ng litolohiya, mga katangiang paleomagnetiko, at mgaposil. Ang depinisyon ng pinamantayang internasyunal na mga yunit ng panahong heolohiko ay nasa responsibilidad ngInternational Commission on Stratigraphy (ICS,lit. na'Komisyong Internasyunal ng Estratigrapiya'), isang kasamang sangay ngInternational Union of Geological Sciences (IUGS,lit. na'Unyong Internasyunal ng mga Siyensyang Heolohikal'), na ang pangunahing layunin[1] ay tumpak na bigyang kahulugan ang pandaidigang kronoestratigrapikong yunit ngInternational Chronostratigraphic Chart (ICC,lit. na'Internasyunal na Kronoestratigrapikong Tsart')[2] na ginagamit upang bigyan kahulugan ang panahong heolohiko.[2]

Mga dibisyon ng panahong heolohiko

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  • Ang isangeon ay ang pinakamalaking panahong heokronolohikong yunit at katumbas ng isang kronoestratigrapikong eonothem.[3] Mayroong apat na pormal na ipinakahulugang eon: angHadiko,Arkaiko,Proterosoiko atPanerosoiko.[2]
  • Ang isangera ay ikalawang pinakamalaking heokronolohikang yunit ng panahon at katumbas ito ng kronoestratigrapikong erathem.[4][3] Mayroong sampung ipinakahulugang era: ang Eoarkaika,Paleoarkaika, Mesoarkaika, Neoarkaika, Paleoproterosoiko, Mesoproterosoiko,Neoprotosoiko,Paleosoiko,Mesosoiko atSenosoiko, na wala kanila ay mula sa eon na Hadiko.[2]
  • Ang isangpanahon operiod ay katumbas isang sistemang kronoestratigrapiko.[4][3] Mayroong 22 panahon na nabigyang kahulugan.[2] Ang isang eksepsyon sa dalawang subpanahon ay ginagamit para saPanahong Karbonipero.[4]
  • Ang isangepoka okapanahunan ay ang pinakamaliit na yunit heokronolohiko. Katumbas ito ng isang kronoestratigrapikong serye.[4][3] Mayroong 37 ipinakahulugang epoka at isang impormal na isa. Mayroon din 11 subepoka na nasa loob lahat ngNeoheno atKuwaternaryo.[2] Ang paggamit ng subepoka bilang pormal na yunit sa internasyunal na kronoestratigrapiya ay ipinagtibay noong 2022.[5]
  • Ang isangedad ay ang pinakamaliit na herarkikong yunit heokronolohiko at katumbas ito sa isang yugtong kronoestratigrapiko.[4][3] Mayroong 98 pormal at limang impormal na edad.[2]
  • Ang isangcron ay ang di-herarkikong pormal na yunit heokronolohiya ng hindi tinukoy na ranggo at katumbas ng isang kronosonang kronoestratigrapiko.[4] May korelasyon ito sa mga yunit na magnetoestratigrapiko, o biyoestratigrapiko habang nakabatay sila sa nakaraang ipinakahulugang yunit estratigrapiko o katangiang heolohiko.

Ang mga subdibisyongMaaga atHuli ay ginagamit bilang heokronolohikong katumbas ng kronoestratigrapikongMas Mababa atMas Mataas, halimbawa, ang MaagangTriyasikong Panahon (yunit heokronolohiko) ay ginagamit kapalit ng Mas Mababang Seryeng Triyasiko (yunit kronoestratigrapiko).

Ang mga bato na kinakatawan ang isang binigay na yunit kronoestratigrapiko ay iyon ang yunit kronoestratigrapiko, at ang panahon na nilalatag sila ay ang yunit heokronolohiko, iyan ay, ang mga bato na kinakatawanang SeryengSiluriko at dineposito silanoong Panahong Siluriko.

Pormal, mga yunit herarkiko ng eskala ng panahong heolohiko (pinakamalaki hanggang pinakamaliit)
Yunit kronoestratigrapiko (estrato)Yunit heokronolohiko (panahon)Tagal ng panahon[a]
EonothemEonIlang libong milyong taon hanggang dalawang bilyong taon
ErathemEraMga sampu hanggang mga libong milyong taon
SistemaPanahonMga milyong taon hanggang mga sampung milyong taon
SeryeEpokaMga daang libong taon hanggang mga sampung milyon taon
SubseryeSubepokaMga libong taon hanggang mga milyong taon
YugtoEdadMga libong taon hanggang mga milyong taon

Mga pananda

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Malawak na naiiba ang tagal ng panahon ng panahong heolohiko, a walang numerikong limitasyon sa tagal ng panahon na kanilang kinakatawan. Limitado sila sa tagal ng panahon ng mas mataas na ranggo na yunit na kinabibilangan nitla, at sa kronoestratigrapikong mga hangganan na ipinakahulugan sila.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "Statues & Guidelines" (sa Ingles). International Commission on Stratigraphy. Nakuha noong2022-04-05.
  2. 1234567Cohen, K.M.; Finney, S.C.; Gibbard, P.L.; Fan, J.-X. (2013-09-01)."The ICS International Chronostratigraphic Chart".Episodes (sa Ingles).36 (3) (ika-binagong (na) labas):199–204.doi:10.18814/epiiugs/2013/v36i3/002.ISSN 0705-3797.S2CID 51819600.
  3. 12345Michael Allaby (2020).A dictionary of geology and earth sciences (sa Ingles) (ika-Ika-5 (na) labas). Oxford.ISBN 978-0-19-187490-1.OCLC 1137380460.{{cite book}}: CS1 maint: location missing publisher (link)
  4. 123456"Chapter 9. Chronostratigraphic Units".stratigraphy.org (sa Ingles). International Commission on Stratigraphy. Nakuha noong2022-04-02.
  5. Aubry, Marie-Pierre; Piller, Werner E.; Gibbard, Philip L.; Harper, David A. T.; Finney, Stanley C. (2022-03-01)."Ratification of subseries/subepochs as formal rank/units in international chronostratigraphy".Episodes (sa Ingles).45 (1):97–99.doi:10.18814/epiiugs/2021/021016.ISSN 0705-3797.S2CID 240772165. Inarkibo mula saorihinal noong 2023-12-07. Nakuha noong2024-01-06.
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Eskala_ng_panahong_heolohiko&oldid=2140207#Mga_dibisyon_ng_panahong_heolohiko"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp