Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Apyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Apyo
Klasipikasyong pang-aghamedit
Kaharian:Plantae
Klado:Tracheophytes
Klado:Angiosperms
Klado:Eudicots
Klado:Asterids
Orden:Apiales
Pamilya:Apiaceae
Sari:Apium
Espesye:
A. graveolens
Pangalang binomial
Apium graveolens
Para sa ibang gamit, tingnan angkintsay (paglilinaw).

Angapyo (Kastila:apio,Ingles:celery) ay isang uri nggulay.[1] Tinatawag din itongkintsay (Ingles:Chinese celery).[2] Sa agham, kilala ito bilangApium graveolens, isang uri ng halamang nasa pamilyangApiaceae. Daan-daantaon nang itinatanim, inaalagaan, at pinararami ang halamang ito, hindi katulad ng ibang mga halamang naging domestikado o alaga lamang sa tahanan nitong mga huling 200 hanggang 300 mga taon.[3] Tinatawag din itongseleri.[1]

Bilang halamang-gamot

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Isang tanyag at pangkaraniwang gulay, isa ring mahalagang halamang-gamot oyerba ang apyo o kintsay. Sa silanganing medisina, nilalarawan itong mapait na matabang ang lasa, isang katangiang nagiging sanhi ng pagiging may tubig o mamasamasa at nakapagpapalamig kaya't mainam sa pagtitimbang ng mga lutuing maaanghang at mainit sa panlasa. Isang halamang may bahagyang pagka-estimulante o nakapagpapasigla, nakabubusog, at nakapagpapabalik ng lakas sa mahinang katawan. Sa mga nakaraang panahon, itinatanim at pinatutubo ang apyo bilang gulay tuwing panahon ng tag-lamig at mga unang araw ng tag-sibol dahil na rin sa katangiang pang-alis ng mga dumi sa katawan. Isa itong tonikong nakapaglilinis makaraan ang tila pagtigil at paglungkot ng panahon kapag tag-lamig. SaPransiya, malawakang ginagamit ang katas ng mga buto ng apyo bilang pantanggal ng lamang ihi ng katawan. Ilan sa mga katangian nito ang pagiging panlaban sa rayuma, pampakalma (sedatibo), nakapagpapataas ng bilang ng mga nilalabas naasidong uriko, nakapagpapababa ng antas ng presyon ngdugo, panlaban sa mga tumutubonghalamang-singaw, at karminatibo (pamawi ng kabag o hangin sa tiyan, pampadighay, at pampautot).[4]

Mainam ang mga buto ng apyo sa mga taong may sakit napiyo, tinatawag nagout o sa Ingles (anggawt), isang uri ng karamdaman ng mga kalalakihan na kinakikitaan ng atake ngartritis o rayuma. Nagagawa ito ng apyo sapagkat nakapagpapaihi ito (diyuretiko), na nakakatulong sa pagtatanggal ng mga dumi o lason sa katawan, katulad ng mga namumuong mga kristalinang asidong uriko sa mga ugpungan ng mga buto o kasukasuan. Bagaman madalang nang gawin sa pangkasalukuyang gawi, mainam ding pampaihi ang mga ugat at iniinom para tanggalin ang mga tinatawag na mga namumuong batong urinaryo sa may daanan ng ihi ng katawan. Bagaman mapait nga, pampasigla rin ito ng tiyan at bituka. Mabisa itong pampasigla ngatay. Bagaman mas mahina kesa sa ibang bahagi ng halaman, nakapagpapasigla ng daloy ng gatas mula sasuso ng babaeng bagong panganak.[4]

Apyo
Bilang ng nutrisyon sa bawat 100 g (3.5 oz)
Enerhiya12 kcal (50 kJ)
2.97 g (including fibre)
Asukal1.4 g
Dietary fiber1.83 g
0.17 g
0.69g
Bitamina
Bitamina A
(3%)
22 μg
Thiamine(B1)
(2%)
0.021 mg
Riboflavin(B2)
(5%)
0.057 mg
Niacin(B3)
(2%)
0.32 mg
Bitamina B6
(6%)
0.074 mg
Folate(B9)
(9%)
36 μg
Bitamina C
(4%)
3.1 mg
Bitamina E
(2%)
0.27 mg
Bitamina K
(28%)
29.3 μg
Mineral
Kalsiyo
(4%)
40 mg
Bakal
(2%)
0.2 mg
Magnesyo
(3%)
11 mg
Posporo
(3%)
24 mg
Potasyo
(6%)
260 mg
Sodyo
(5%)
80 mg
Sinc
(1%)
0.13 mg
Iba pa
Tubig95 g
Ang mga bahagdan ay pagtataya
gamit angUS recommendations sa matanda.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
May kaugnay na midya ang Wikimedia Commons tungkol sa artikulong:
  1. 1.01.1English, Leo James.Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ngNational Book Store, may 1583 na mga dahon,ISBN971-91055-0-X
  2. English, Leo James (1977)."Kintsay".Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer.ISBN 9710810731.
  3. Daniel Zohary at Maria Hopf,Domestication of plants in the Old World, ikatlong edisyon (Palimbagan ng Pamantasang Oxford, 2000), p.202.
  4. 4.04.1Ody, Penelope (1993). "Apium graveolens,celery".The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.
Mga yerba
Mga panimpla
African pepperAjwain (bishop's weed)Aleppo pepperAllspice •Amchur (pulbos ng mangga)Sangki •Aromatic gingerAsafoetida •Buto ng apyoCamphor •Caraway •Cardamom •Cardamom, blackCassia •Pamintang CayenneChili •Kanela •Clove •Buto ng silantroCubeb •Cumin, blackDill seedFennel •Fenugreek •Fingerroot (krachai)Galangal, greaterGalangal, lesserBawang •Luya •Grains of ParadiseHorseradish •Juniper berryKomino •Liquorice •Mace •Mahlab •Malabathrum (tejpat)Maitim na mustasaKayumangging mustasaPuting mustasaNasturtium •Nigella (kalonji)Nutmeg •Paprika •Pepper, blackPepper, greenPepper, longPepper, pink, BrazilianPepper, pink, PeruvianPepper, whitePomegranate seed (anardana)Buto ng amapolaSaffron •Sarsaparilya •Sassafras •Linga •Siling Sichuan(huājiāo,sansho)Star aniseSumac •Tasmanian pepperSampalok •Turmeric •Wasabi •Zedoary

GulayBotanikaAng lathalaing ito na tungkol saGulay atBotanika ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Apyo&oldid=1940718"
Mga kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp