AngAprika[2] (Ingles:Africa), ang pangalawang pinakamalakingkontinente sadaigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ngAsya. May sukat na mga 30,244,050km² (11,677,240mi²) kasama ang mga karatig na mga pulo. Sa pangkalahatan, tinatawag na mgaAprikano (lalaki) atAprikana (babae) ang mga naninirahan sa kontinente ng Aprika.[2]
Ang kontinenteng Aprika ay ang ikalawang pinakamalaki at may pinakamataas na populasyon sa mundo. Sa sukat na 30.2 milyon kilometro kwadrado (11.7 milyon kwadrado milimetro), kasama na ang mga katabing isla nito, binubuo nito ang 6 na porsyento ng kabuaan na kalupaan ng mundo at 20.4 porsyento ng kabuuang sukat ng patag na kalupaan. Ang populasyon nito na umabot sa 1.1 bilyon noong 2013 ay 15 porsyento ng kabuuang populasyon ng mundo. Ang kontinenteng ito ay pinalilibutan ngDagat Mediteranyo sa hilaga,Kanal Suez atDagat Pula sa mayPeninsula ng Sinai sa hilagang-silangan,Karagatang Indiyano sa timog-silangan, at angKaragatang Atlantiko naman sa kanluran. Kabilang angMadagascar at ilang mgakapuluan sa kontinente ng Aprika. Mayroong 54 na kinikilalang mga estado o bansa sa Aprika, siyam na teritoryo at dalawang de facto o mga estadong may limitado o walang rekognisyon sa kontinenteng ito.
Ang populasyon ng Aprika ay ang pinakabata sa lahat ng kontinente sa mundo. Ang kanilang median age noong 2012 ay 19.7, habang ang pangkabuuang gitnang edad (median age) noon sa mundo ay 30.4.Algeria ang pinakamalaking bansa pagdating sa sukat ng lupa habang Nigeria naman ang bansang may pinakamalaking populasyon. Ang Aprika, partikular na ang sentral ng Silangang Aprika, ay kinikilala bilang lugar na pinagmulan ng mga tao at ngHominidae clade (malalaking bakulaw), kung saan ay natagpuan ang mga pinakaunang hominids at kanilang mga ninuno at mga sumunod na henerasyon na naitalang namuhay pitong milyong taon na ang nakararaan kabilang angSahelanthropus tchadensis,Australopithecus africanus,A. afarensis,Homo erectus,H. habilis atH. ergaster – kasama ang pinakaunangHomo sapiens o modernong tao na natagpuan sa Ethiopia na tinatayang namuhay mga 200,000 taon na ang nakararaan. Ang Aprika ay dinadaanan ng ekwador at mayroon itong iba’t ibang klima. Ito lamang ang kontinente na abot sa hilaga hanggang timog ng sonang katamtaman.
Ang Aprika ay tahanan ng iba’t ibang etnisidad, kultura, at wika. Noong ika-19 na siglo, ang mga bansa sa Europa ay sinakop ang malaking bahagi ng Aprika. Karamihan sa mga modernong estado sa Aprika ngayon ay nagmula sa proseso ng dekolonisasyon noong ika-20 siglo.
↑AngCeuta, naexclave ngSpain, ay binalilibutan ng Morocco sa Hilagang Aprika; para sa 2001 ang bilang ng populasyon at lawak.
↑AngPortugueseMadeira Islands ay karaniwang itinuturing na bahagi ng Hilagang Aprika dahil sa lapit nito sa Morocco; para sa 2001 ang bilang ng populasyon at lawak.
↑The Spanishexclave ofMelilla is surrounded on land by Morocco in Northern Africa; population and area figures are for 2001.
↑Bloemfontein ang kabiserang panghukuman (judicial capital) ngSouth Africa, habang angCape Town ang sentrong pambatas (legislative seat), atPretoria ang sentrong pampangasiwaan (administrative seat) ng bansa.