AngApganistan (Pastun:افغانستان ;Dari:افغانستان), opisyal naIslamikong Emirato ng Apganistan (Pastun:د افغانستان اسلامي امارت ;Dari:امارت اسلامی افغانستان), ay isang bansang nasasagitna ng lupa na nasa sangang-daan ngGitnang Asya atSilangang Asya. Kilala bilang ang "Puso ng Asya", hinahangganan ito ngTurkmenistan atUsbekistan sa hilaga,Tayikistan atTsina sa hilagang-silangan,Iran sa kanluran, atPakistan sa silangan at timog.[1] AngKabul ay ang kabisera at ang pinakamalaking lungsod ng bansa.
Nagsimulang mahirahan ang mga tao sa Apganistan noongGitnang Paleolitiko, at ang estratehikong kinaroroonan ng bansa sa makasaysayangDaan ng Sutla ay nag-ugnay dito sa mga kalinangan ng ibang bahagi ngAsya atEuropa, na nag-iwan ng mosaiko ng mga etnolinggwistiko at relihiyosong grupo na nakaimpluwensya sa modernong bansang Apgano.[2] Naging tahanan ang lupain ng iba't-ibang tao at dumaan ng maraming pananakop, kabilang ang pagsakop niAlejandrong Dakila,Imperyong Maurya, ng mga Arabong Muslim, Monggol,Britaniko,Sobyetika, at ang pinakabagong koalisyon napinamunuan ng mga Amerikano.[3] Nagsilbing pinagmulan din ang Apganistan kung saan bumangon ang mgaGrekobaktriyano atMughal, bukod sa iba pa, upang bumuo ng mga malalaking imperyo.[4] Ang iba't-ibang pananakop at kapanahunan sa mga kalipunang pangkalinangang Indiyano at Persa ay gumawa sa lugar na isang sentro para saBudismo,Zoroastrianismo,Hinduismo, at sa kalaunan ayIslam. Noong 2021, ang populasyon nito ay 40.2 milyon, ang karamihan ay binubuo ng mga etnikongPastun,Tayiko,Hasara, atUsbeko.[5]
Ang modernong estado ng Apganistan ay nagsimula sadinastiyang Durrani noongika-18 dantaon, ang imperyo sa tuktok nito ay namumuno ng lugar mula sa silangangIran hanggang hilagangIndiya. Kasunod ng paghina nito at pagkamatay ngTimur Shah, nahati ito sa mas maliliit na nagsasariling kaharian ng Herat, Kandahar at Kabul, bago muling pinagsama noong ika-19 na dantaon pagkatapos ng mga digmaan para sa pagkakaisa na pinamunuan niDost Mohammad Khan. Sa panahong ito, nagingestadong tapon ang Apganistan sa "Dakilang Laro" sa pagitan ngBritanikong Raj atImperyong Ruso. Tinangka ng mga Britaniko sa Indiya na sakupin ang bansa ngunit naitaboy saUnang Digmaang Anglo-Apgano. Saikalawang digmaan ay matagumpay na naitatag ang isang Britanikong protektadong estado sa Apganistan, ngunit kasunod ngikatlong digmaan noong 1919 ay napalaya ang bansa mula sa dayuhang dominasyon, at sa kalaunan ay lumitaw ito bilang ang malayangKaharian ng Apganistan noong Hunyo 1926 sa ilalim niAmanullah Khan. Ang kahariang ito ay tumagal ng halos 50 taon, hanggang sa mapatalsik siZahir Shah noong 1973, kasunod nito ay naitatag ang isangrepublika, na siya'y hinalili ng isangdemokratikong republika pagkatapos ngHimagsikang Saur. Pagkatapos ng pagbagsak ng komunistang pamahalaan ay pinalitan ito ng isangIslamikong estado. Ang kasaysayan ng Apganistan mula noong huling bahagi ng dekadang 1970 ay sumaklaw ng mga kudeta, himagsikan, pagsalakay, insurhensiya, at digmaang pambayan. Ang bansa ay kasalukuyang nasa ilalim ng kontrol ngTaliban, na bumalik sa kapangyarihan at muling itinatag angIslamikong emirato pagkatapos maipatalsik angIslamikong Republika ng Apganistan sa pagtatapos ng matagalang20-taong digmaan sa bansa.
Iminumungkahi ng ilang mga iskolar na ang pinagmulang pangalangAfghān ay nagmula sa salitang Sanskrit naAśvakan na siyang pangalang ginamit para sa mga sinaunang taong naninirahan saHindu Kush.[6] AngAśvakan ay literal na nangangahulugang "mga mangangabayo" (mula sa salitangaśva, ang salitang Sanskrit at Avestan para sa "kabayo").[6] Gayunpaman, ang iba tulad ni Ibrahim Khan ay nanindigan na ang salitangAfghan ay nagmula sa wikangBactrian.[7]
Iminumungkahi ng mga paghuhukay sa mga sinaunang lugar na nagsimulang manirahan ang mga tao sa kasalukuyang Apganistan nang hindi bababa sa 50,000 taon na ang nakalilipas, at ang mga pamayanan ng pagsasaka sa lugar ay kabilang sa mga pinakauna sa mundo. Isang mahalagang lugar ng mga maagang makasaysayang gawain, marami ang naniniwala na naihahambing ang Apganistan sa Ehipto sa makasaysayang halaga ng mga arkeolohikong lugar nito.[8][9]
↑Griffin, Luke (14 Enero 2002)."The Pre-Islamic Period".Afghanistan Country Study (sa wikang Ingles). Illinois Institute of Technology. Inarkibo mula saorihinal noong 3 Nobyembre 2001. Nakuha noong5 Marso 2023.