Apendisitis |
---|
 |
Isang apendiks na malubha ang pamamaga at paglaki, na hiniwa nang pahaba. |
Espesyalidad | General surgery  |
---|
Angapendisitis (Ingles:appendicitis) ay ang sakit na kinatatangian ng pamamaga dahil sa impeksiyon ngapendiks (apendise, naappendix sa Ingles), na isang bahagi ngbituka ng tao. Dahil sa pamamaga at impeksiyon, karaniwang kailangang sumailalim sa isang operasyon osiruhiyang tinatawag naapendektomiya ang isang tao, kung saan tinatanggal ang apendiks. Bagaman may katungkulan ang apendiks na kaugnay ngsistemang imyuno, maaaring alisin ang naimpeksiyong apendiks sapagkat magagawa ng sistemang imyuno ang tungkulin ng apendiks kahit natanggal na ito mula sa katawan ng tao.[1]
Sa kasalukuyan, walang katiyakan kung ano ang sanhi ng apendisitis. Ngunit may katiyakan na ito ay hindi isang namamanang kalagayan, walang kaugnayan sa salinlahi, at hindi ito nakakahawa.[1]
Kabilang sa mga sintomas ng apendisitis ang pananakit ng tiyan mula sa gitna, na nasa may itaas na bahagi ng puson. Ang hapding ito ay gumagapang patungon sa kanang bahagi ng tiyan at pati na sa pang-ibabang bahagi ng tiyan, partikular na sa may kanan ng puson). Ito ang karaniwang paglalarawan ng pananakit na ito dahil sa pamamaga ng apendiks, subalit maaaring maging ibang bahagi ng tiyan ang maapektuhan ng sakit. Bukod sa pananakit ng tiyan, ang taong apektado ng apendisitis ay maaari ring makadama ng kawalan ng ganang kumain, pagsusuka, pagkaliyo, pagtatae (pagtitibi), at panghihina (pagkakalos).[1]
Ang pananakit, na karaniwang inilalarawan ng apektadong tao bilang napakasakit, napakahapdi, o napakakirot. Ang pananakit ay karaniwang lumalampas nang mahigit sa 24 na mga oras, at hindi naiibsan o hindi natatanggal kahit uminom ng gamot na pantanggal ng pananakit.[1]
Ang manggagamot ang makakatiyak ng pagkakaroon ng apendisitis ng isang pasyente. Magsasagawa ang duktor ng pagsusuri sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa pasyente, pag-eksamin ng tiyan, magpasagawa ng mga eksaminasyong panglaboratoryo (kabilang ang kumpletong pagbilang ng dugo ocomplete blood count, dinadaglat bilang CBC, at pagsusuri ng ihi ourinalysis).[1]
Ang apendisitis ay malulunasan sa pamamagitan ng siruhiya, kung saan tinatanggal ang apendiks na naimpeksiyon. Isinasagawa ito upang huwag kumalat sa ibang mga bahagi ng bituka ang impeksiyon. Ang siruhiya ang makapipigil sa pagkasira ng bituka at makaiiwas sa maaaring maging pagkamatay ng taong nagkaapendisitis.[1]