AntartikaMapa ng mundo na pinapakita ang lokasyon ng AntarticaIsangsatellite composite image ng Antartika.
AngAntartika[1] (mulaGriyego:Ανταρκτική, salungat ngArtiko;Kastila:Antártida oAntártica;Ingles:Antarctica) ay ang pinakatimog nakontinente ng Daigdig. Matatagpuan nang halos lubusan sa timog ng Bilog ng Antartiko at napapalibutan ngKatimugang Karagatan, napapalibutan nito ang heograpikong Timog Polo. Ang Antartika ay ang ikalimang pinakamalaking kontinente, na halos doble ang laki ng Australya, at mayroong lawak na 14,200,000 km2 (5,500,000 mi kuw). Nakatakip ang karamihan sa Antartika ng yelo, na may promedyong [average] kapal na 1.9 km (1.2 mi).
Sa katamtaman, ang Antartika ay ang pinakamalamig, pinakatuyo, at pinakamahangin sa mga kontinente, at mayroong pinakamataas na elebasyon. Pangunahin itong isang disyertong polo, na may presipitasyon taon-taon na higit sa 200 mm (8 pul) sa dalampasigan at lalo pang mababa sa kalapuaan. Halos 70% ng mga reserba ng tubig-tabang ay elado (nagyelo) doon, na kung matunaw ay mapapataas nito ang ang antas ng dagat ng Daigdig nang halos 60 metro (200 tal). Mayroong tala ang Antartika para sa pinakamababang naisukat na temperatura sa Daigdig, na −89.2 °C (−128.6 °F). Maaaring umabot ng higit 10 °C (50 °F) ang mga temperatura sa mga rehiyon sa baybayin sa tag-init. Kasama sa mga katutubongespesye ng mga hayop ang mga garapata (omite),nematode (uri ng bulate),penguino,karnerong-dagat, attardigrade. Angbehetasyon ay binubuo ng tundra.
Maaaring unang nakita ang mgaice shelf (o platapormang yelo) ng Antartika noong 1820, sa ekspedisyongRuso na pinamunuan nina Fabian Gottlieb von Bellingshausen at Mikhail Lazarev. Sa sumunod na mga dekada, nagkaroon ng karagdagang eksplorasyon ng mga ekspedisyong Pranses, Amerikano, at Britaniko. Nakamit ang unang nakumpirmang paglapag ng isang grupong Norwego noong 1895. Sa unang bahagi ng ika-20 dantaon, naisagawa ang maraming mga ekspedisyon sa loob. Ang Britanikong eksplorador na si Ernest Shackleton ang naging kauna-unahang tao na maabutan ang magnetikong Timog Polo noong 1907, at unang naabutan ang heograpikongTimog Polo noong 1911 ng mga explorador na Norwego.
Sa mga buwan na tag-init, nakatira ang 5,000 katao sa mga istasyon ng pananaliksik, isang bílang na bumababa sa humigit-kumulang na 1,000 sa taglamig. Pinamamahalaan ang Antartika ng humigit-kumulang na 30 bansa, na lahat ay mga kasapi sa Sistemang Tratadong Antartiko noong 1959. Ayon sa mga termino ng tratado, lahat na pinagbabawalan ang aktibidad na pangmilitar, pagmimina, pagsasabog nanukleyar, at ang pagtatapon ng duming nukleyar.
Isang haka-hakang representasyon ng Antartika na nakatatak bilang 'Terra Australis Incognita' saZeekaart van het Zuidpoolgebied (1657) ni Jan Janssonius,Het Scheepvaartmuseum
Nagmula ang pangalan na binigay salupalop sa salitangantartiko, na mula sa Gitnang Pransesantartique oantarctique ('kabaligtaran ngArtiko') at, nagmula naman ito saLatin naantarcticus ('kabaligtaran ng hilaga'). Hinango angantarcticus mula saGriyegongἀντι- ('anti-') atἀρκτικός ('ngOso', 'hilaga').[2] Sinulat ngpilosopong Griyego na siAristoteles saMeteorolohiya ang tungkol sa "rehiyong Antartiko" noongc. 350 BCE.[3] Naiulat na ginamit ng heograpong Griyego na si Marino ng Tiro ang pangalan sa kanyang mapa ng mundo noong ikalawang dantaon CE, na nawala na ngayon. Ginamit ng mga may-akdangRomanong sina Higino atApuleyo ang para sa Timog Polo angromanisadong pangalang Griyego napolus antarcticus,[4] kung saan hinango ang Lumang Pranses napole antartike (makabagongpôle antarctique) na pinatunayan noong 1270, at mula doon ang Gitnang Ingles napol antartik, na matatagpuan sa unangtratado na sinulat ng Ingles na may-akda na siGeoffrey Chaucer.[2] Hinango naman ngTagalog ang katawagang Antartika mula sa KastilangAntártica.
Ang paniniwala ng mga Europeo ng pagkakaroon ng isangTerra Australis—isang malawak ng lupalop sa malayong timog ng globo upang ibalanse ang hilagang lupain ng Europa,Asya atTimog Aprika—ay mayroon na bilang konseptong intelektuwal noong pang klasikong sinaunang panahon. Tumagal ang paniniwalang ito hanggang natuklasan ng mga Europeo angAustralya.[5]
Noong maagang ika-19 na dantaon, nagduda ang manggagalugad na si Matthew Flinders ang pagkakaroon ng nakahiwalay na lupalop sa timog ng Australya (tawag noon na Bagong Olanda) at kaya, tinaguyod niya ang pangalang "Terra Australis" para sa Australya sa halip.[6][7] Noong 1824, ang kolonyal na awtoridad saSydney ay opisyal na pinalitan ang pangalan ng kontinente ng Bagong Olanda sa Australya, na iniwan ang katawagang "Terra Australis" na hindi makuha bilang reperensya sa Antartika. Sa mga sumunod na mga dekada, ginamit ng heograpo angpariralang tulad ng "ang Kontinenteng Antartiko". Hinanap nila ang mas matulaing kapalit, na minumungkahi ang mga pangalangUltima atAntipodea.[8] Pinagtibay angAntartika noong dekada 1890, na naikakabit ang unang paggamit ng pangalan sakartograpong Eskoses na si John George Bartholomew.[9]