| Uri | Pampubliko |
|---|---|
| Industriya | Pagpapalabas ng mgaAnime sa telebisyon at pamproduksiyon |
| Itinatag | 20 Mayo 1998[1] |
| Punong-tanggapan | Minato, Tokyo,Hapon[1] |
Pangunahing tauhan | Masao Takiyama, Pangulo & Representateng Direktor[1] |
| Magulang | Sony Corporation |
| Websayt | Animax International |

AngAnimax(アニマックス,Animakkusu), o ang,Animax Broadcast Japan Inc.(株式会社アニマックスブロードキャスト・ジャパン,Kabushiki-gaisha Animakkusu Burōdokyasuto Japan), ay isangHapones na estasyongtelebisyong satelayt na nagpapalabas ng mgaanime[1] na kung saan ay itinatag at pagmamay-ari ngSony Corporation. Nakabase ito saNew Pier Takeshiba North Tower(ニューピア竹芝ノースタワー,Nyū Pia Takeshiba Nōsu Tawā) saMinato, Tokyo,Hapon. Binubuo ito ng mga kompanya tulad ngSony Pictures Entertainment,Sunrise Inc.[1][2],Toei Animation Inc.[3][4],TMS Entertainment Inc., atNihon Ad Systems Inc[5][6].
Ito rin ay nagpapalabas ng mga anime sa labas ng Hapon tulas ng mga bansangTaiwan,India,Pakistan,Timog Korea,Timog Silangang Asya,Hong Kong,Latinong Amerika (pinalitan nito angLocomotion) at ang pinakabagong tatag ay saEuropa (binuksan ito saGermany,Romania,Hungary,Czech Republic noong 2007 (pinalitan nito ang Anime+ sa Romania, Hungary, at Czech Republic),Slovakia (pinalitan ang Anime+),Spain atPortugal (parehang binuksan sa kapatid na estasyon nitongAXN) noong 2008, at bubuksan na rin ito saUnited Kingdom,Poland (itinigil panandalian),Italy,France at ilan pang bansa),[7][8]Africa atAustralia (kasalukuyang nasa dalawang oras na lugar saSci Fi Channel, na kung saan ay pagmamay-ari rin ng pinagmulan ng Animax, angSony Pictures Entertainment). Ang Animax ay ang una at pinakamalaking network na nagpapalabas ng mga palabas na anime sa loob ng 24 oras,[6][9] na may manonood na 89 milyong katao, 62 bansa at humigit kumulang 17 wika.[10]. Subalit, hindi malaman ang dahilan kung bakit itinigil ang Animax sa Vietnam.
Ang pamagat nito ay isangportmanteau (pinagsamang mga salita) ng mga salitanganime(アニメ) atmax(マックス,makkusu).[11]


Itinatag noong 20 Mayo 1998 ng Sony, Ito ay orihinaliyang nai-premiere sa bansang Hapon noong Hunyo 1 ng taong din iyon saSKY PerfecTV satelayt telebisyong platform.[1] Nakabase saMinato, Tokyo,Japan, at pinamumunuan niMasao Takiyama, ang mga shareholder nito aySony Pictures Entertainment,Sunrise Inc.[2],Toei Animation Inc.[3][4],TMS Entertainment Inc., atNihon Ad Systems Inc[5][6].
Ang Animax ay nagpapakita ng magandang samahan sa anime pioneer na Tezuka Productions company na pagmamay-ari niOsamu Tezuka,Pierrot,Nippon Animation, at iba pa. May kinalaman din ito sa produksiyon ng ilang anime series tulad ngGhost in the Shell: Stand Alone Complex[12],Ultra Maniac,Astro Boy,Hungry Heart: Wild Striker,Aishiteruze Baby,Shakugan no Shana, at marami pang iba.
Nago-organize din ang Animax ng ilang mga salu-salong may kinalaman sa anime sa Japan, tulad ngAnimax Taishō, isang taunang scriptwriting na kompetisyon na inaalok ng Animax simula pa noong 2002 para parangalan ang mga pinakamagandang orihinal na anime script at kuwento ng taon. Ang mga nanalo kamakailan lang ay ang: pang-apat, nanalo noong 2005, Lily to Kaeru to (Ototo)[13], gawa ng Toei Animation, pangatlo, nanalo noong 2004, Hotori ~ Tada Saiwai wo Koinegau, gawa ng Sunrise, pangalawa, nanalo noong 2003,Azusa, Otetsudai Shimasu! , produced by TMS Entertainment, and the first, winner in 2002,Super Kuma-san, gawa ng by Toei Animation.[14]

Ang Animax ay nag-premiere sa Taiwan noong 1 Enero 2004, at sa Hong Kong noong 12 Enero 2004, na nag-feature ng anime programming sa ibang network at feeds sa bawat rehiyon at wika. Nagsimula ito ng operasyon nito sa buong Timog-Silangang Asia noong 19 Enero 2004, na nagpalabas ng programangIngles ang salita,Hapon ang salita na mayIngles na subtitle, at iba pang wika kada rehiyon. Noong 5 Hulyo 2004, Nagsimula ang Animax ng operasyon sa Timog Asya, sa buong sabkontinente ngIndia, na nagpalabas ng programangIngles ang wika. Noong 29 Abril 2006, Nagsimula na rin ng operasyon ang Animax sa Korea, na may sariling programming feed sa wikang korean[15]. Noong 31 Agosto 2006, Pormal na inilunsad ang Animax saMalaysia.[16]
Lumahok ang Animax sa ilang salu-salong ma kinalaman saanime sa buongHilagang Amerika at saEstados Unidos, pati na rin ang pagpunong-abala sa mga pistanganime (anime festival), na may pakikisama sa ibang organisasyong nagpapamahagi ng anime tulad ngBandai Entertainment atViz Media, sa base ng Sony saSan Francisco sa shopping complex naMetreon noong Oktubre 2001, noong panahong iyon ipinalabas ng Animax ang ilang mga anime nito, pati ang espesyal naGundam,The Making of Metropolis, at screenings ngLove Hina.
Ang isang bantog na internasyonal na dyaryongThe Financial Times, sinabi noongSetyembre 2004, na "sabik" angSony na ilunsad ang Animax saHilagang Amerika, pagkatapos pumirma ng kasunduan angSony sa pinakamalakingcable company sa Estados Unidos,Comcast, na nakisama sa isang US$4.8 bilyong acquisition ng bantog naHollywood studio Metro-Goldwyn-Mayer, para lamang mailunsad ang tatlong telebisyon network ngSony sa buong rehiyon.
Ang pagpapalabas ng Animax ay nakatalaga sa anime, naging kilala ito bilang pinakamalaking bente-kwatro oras na anime-only network sa buong mundo. nagpalabas ito ng ilang mga sikat na anime series tulad ngGhost in the Shell: Stand Alone Complex,Cowboy Bebop,InuYasha,Ranma ½,Urusei Yatsura,Fullmetal Alchemist,Eureka 7,Honey and Clover,Rurouni Kenshin,Blood+, theDragonBall series,Cardcaptor Sakura,Tsubasa Chronicle,Vision of Escaflowne,YuYu Hakusho,Wolf's Rain,Tweeny Witches, pati na rin ang mga kilalangOVA series at pelikulang anime, tulad ngSteamboy,Ghost in the Shell,Nasu: Summer in Andalusia,Escaflowne at marami pang iba.
Nakapagsalin at nakabansag ng maraming anime ang Animax gamit ang sarili nilang dubbing teams (seiyuu sa hapon) na ipapalabas sa mgaingles na wikang network sa buong Timog at Timog-Silangang Asya, yung iba ay walang lisensiya ng mga amerikanong tagapamahagi tulad ngDetective School Q,Dokkiri Doctor,Twin Spica,Zettai Shonen,Clamp School,Emma - A Victorian Romance,Conan: The Boy in Future, ang sikat naHoney and Clover atJigoku Shoujo series, at marami pang iba. Ipinalabas din ng Animax na walang censor ang ibang anime, halimbawa na angCardcaptor Sakura, na uncensored at hindi binago ang mga pangalan, istorya and pananalita, at marami pang iba.
Ipinalabas din ng Animax ang mga ingles na anime n gawa ng ibang kompanya tulad ngBandai Entertainment,The Ocean Group, Bang Zoom,Geneon Entertainment,Viz Media,Central Park Media, at marami pang iba, nagpapalabas ngCowboy Bebop,Witch Hunter Robin,Mobile Suit Gundam,Brain Powerd,Please Teacher!,Galaxy Angel,Arjuna,Jubei-chan,Tsukikage Ran,Angel Tales,Saber Marionette,Appleseed,Alien 9, mga pelikulangInuYasha,Fullmetal Alchemist, at iba pa.