AngAnguilla (
/æŋˈɡwɪlə/ang-GWIL-ə) ay isang teritoryo sa ibayong dagat ng Britanya at teritoryong pang-ibayong dagat ngUnyong Europeo saKaribe. Isa ito sa pinaka nasa hilaga ngKapuluang Leeward saMaliit na Antilles, na nakahimlay sa silangan ngPortoriko at ngKapuluang Birhen at tuwirang nasa hilaga ngSan Martin. Ang teritoryo ay binubuo ng pangunahing pulo ng Anguilla mismo, na tinatayang 26 km (16 mi) ang haba at 5 km (3.1 mi) ang lapad sa kanyang pinaka malapad na punto, kasama ang isang bilang ng mas maliliit na mga pulo at mgakayo na walang pampamalagiang populasyon. Ang kabisera ng pulo ay angAng Lambak. Ang kabuuang area ng lupain ng teritoryo ay 91 km2 (35 sq mi),[1] na may populasyong tinataya na nasa 13,500 (pagtaya noong 2006).
Ang Anguilla ay isang pangkat ng limang mga pulo saDagat Karibe, na pinamamahalaan ngGran Britanya. Dating bahagi ang Anguilla ng nakikilala na sa kasalukuyan bilangSan Kitts at Nevis, subalit humiwalay noong 1980. Nais ng Anguilla na maging bahagi pa rin ng Dakilang Britanya, habang ang San Kitts at Nevis ay nais magingnagsasarili. Pinangalanan ang Anguilla mula sasalitang Kastila para sa "igat", dahil sa pagiging magkahugis nito.
Angreyna ngNagkakaisang Kaharian ang pinuno ng Anguilla, subalit namamahala siya sa pamamagitan ng isanggobernador. Siya ang nagpapangalan, onagtatalaga ng gobernador, at namamahala ang gobernador sa Anguilla bilang kinatawan niya. Anglehislatura ay inihahalal ng mga tao, na may 11 mga kasapi, at tinatawag naHouse of Assembly o "Kabahayan ng Asemblea".
Ang kabuhayan ng Anguilla ay halos nakukuha mula sapangingisda at saturismo.
Karamihan sa mga tao sa Anguill ay mgaProtestante, at nagsasalita ngIngles.
May kaugnay na midya tungkol sa
Anguilla ang Wikimedia Commons.