AngSamoang Amerikano (Samoa:Amerika Sāmoa,IPA: [aˈmɛɾika ˈsaːmʊa];Amelika Sāmoa oSāmoa Amelika din) ay isang di-nakasanib na teritoryo ngEstados Unidos na matatagpuan saTimog Karagatang Pasipiko, sa timog-silangan ng pulong bansa ngSamoa.[1] Nakasentro ang lokasyon nito sa14°18′S170°42′W / 14.3°S 170.7°W /-14.3; -170.7. Nasa silangan ito ngPandaigdigang Guhit ng Petsa, habang nasa kanluran ng Samoa ang Guhit. Nasa 199 kilometro kuwadrado (76.8 mi kuw) ang sukat nito, bahagyang mas malaki saWashington, D.C. Ang Amerikanong Samoa ay ang pinakatimog na teritoryo ng Estados Unidos at isa sa dalawang teritoryo ng Estados Unidos na nasa timog ngekwador, kasama ang walang nakatirang Pulo ng Jarvis. Pangunahing niluluwas nito ang mga produktongtuna, at pangunahing kasosyo sa pagkakalakal ang natitirang bahagi ng Estados Unidos.
Binubuo ang Samoang Amerikano ng limang pangunahing pulo at dalawang mgaatol na korales. Tutuila ang pinakamalaki at pinakamataong pulo, at kasama sa teritoryo ang Kapuluang Manuʻa. Atol ng Rose at Pulo ng Swains. Lahat ng pulo maliban sa Pulo ng Swains ay bahagi ng mga Kapuluang Samoano, kanluran ngKapuluang Cook, hilaga ngTonga, at mga 500 kilometro (310 mi) timog ngTokelau. Nasa kanluran ng kapuluan ang grupongWallis at Futuna. Magmula noong 2022, tinataya ang populasyon ng Samoang Amerikano na 45,443 katao.[1] Bilingguwal ang karamihan sa mga Amerikanong Samoano at matatas masalita ngIngles atSamoano.[1][2]
Naging kasapi ang Samoang Amerikano ng Pamayanang Pasipiko mula pa noong 1983. Kilala ang Samoang Amerikano sa pagkakaroon ng mataas na bilang ng pagpapalista sa militar ng kahit anumangestado ng Estados Unidos o teritoryo. Magmula noong Setyembre 9, 2014, ang lokal na Hukbong Estados Unidos na estasyong tumatanggap saPago Pago ay unang nakaranggo sa produksyon sa 885 estasyong tumatanggap at sentro ng Hukbo sa ilalim ngUnited States Army Recruiting Command.[3]
Ang Samoang Amerikano lamang ang nakapirming may nakatirang teritoryo ng Estados Unidos na kung saan hindi ginagawad angpagkamamamayan sa pagkapanganak, at ang mga tao na ipinanganak doon ay tinuturing na "mga nasyunal na di-mamamayan".