Angmga Ama ng Simbahan o angmga Ama ng Iglesia, o sa wikang InglesChurch Fathers ay ang mga sinaunang maimpluwensiyang mga teologongKristiyano. Ang katagang ito ay ginagamit sa mga manunulat o gurong Kristiyano na hindi kinakailangang mgaordinado at hindi rin kinakailangang mgasanto. SinaOrigen atTertullian ay kadalasang itinuturing ngmga ama ng simbahan ngunit hindi itinuring na mga santo dahil sa kanilang mga paniniwalang kalaunang itinuring ng ilang mga Kristiyano naeretikal. Ang karamihan samga ama ng simbahan ay itinuturing na mga santo sa mga simbahangRomano Katoliko,Silangang Ortodokso,Ortodoksiyang Oriental,Anglicano,Lutherano at iba pa.
Ang pag-aaral ngmga ama ng simbahan ay kilala bilangPatritisika. Ang mga kasulatan ng "mga ama ng simbahan" bago ang KristiyanismongNiceno noong 325 CE ay isinalin sawikang Ingles noong isang ika-19 siglong sa isang koleksiyon ng mga amang ante-niceno o bago ang niceno. Ang mga kasulatang isinulat noongUnang Konseho ng Nicaea at hanggang saIkalawang Konseho ng Nicaea (787) ay tinipnon samga amang Niceno at pagkatapos-ng-Niceno.
Ang mga pinakamaagang "mga ama ng simbahan" ay karaniwang tinatawag na "mga apostolikong ama" dahil sa inaangking tradisyon na ang mga amang ito ay tinuruan ngapostol niHesus. Ang mga ito ay sinaClemente ng Roma,Ignacio ng Antioquia, atPolicarpio ng Smyrna. Sa karagdagan, ang mga kasulatangDidache atPastol ni Hermas ay karaniwang ibinibilang sa mga kasulatan ngmga apostolikong ama bagaman hindi alam ang mga may akda nito. Tulad ng mga kasulatan nina Clemente, Ignacio at Policarpio, ang mga ito ay unang isinulat saGriyegong Koine.
Ang liham ni Clemente na1 Clemente (c.96),[3] ay malawakang kinokopya at binabasa sa sinauanng simbahan.[4] Ito ang pinakamaagang liham na Kristiyano sa labas ng nagingBagong Tipan.
SiIgnacio ng Antioquia (c.35-110)[5] ang ikatlong obispo oPatriarka ng Antioquia at inaangking isang estudyante niApostol Juan. Siya ay hinatulan at tumungo sa Roma upang lapain ng mga mga mababagsik ng hayop. Siya ang ikalawang manunulat pagkatapos ni Clemente na bumanggit sa mgasulat ni Pablo.[3]
SiPolicarpio ng Smyrna (c.69–c.155) ay isang obispo ngSmyrna sa probinsiyang Asya (ngayongİzmir sa Turkey). Siya ay inangking alagad ni Juan na maaaring ang apostol o ang presbitero.[6] Nabigo si Policarpio sa kanyang pagtatangka na hikayatin siPapa Aniceto ng Roma na ipagdiwang ang pesach o paskuwa tuwing Nisan 14 gaya ng saSilangang Kristiyanismo. Noong c. 155, hiniling ng mga taga-Smyrna ang pagpatay kay Policarpio. Siya ay itinuturing na santos sa parehong Romano Katoliko atSilangang Ortodokso.
SiIrenaeus na nabuhay noong ika-2 siglo ay obispo ng Lugdunum sa Gaul, ngayong Lyon saPransiya. Siya ang mahusay na kilala sa kanyang aklat naLaban sa Erehiya na isinulat noong c. 180 na umatake sa mga iba ibang mga paniniwala na sumasalungat sa kanyang paniniwala. Siya ang unang nagmungkahi ng pagtanggap lamang sa 4 na ebanghelyo at nangatwiran laban sa mga ibang pangkat na Kristiyano na gumagamit ng mga ebanghelyo na kaunti o higit pa sa 4. Ang kanyang katwiran sa pagtanggaplamang ng 4 na ebanghelyo ay: "Angmga ebanghelyo ay hindi posibleng higit o kaunti sa bilang. Dahil may apat na sulok ng daigdig na ating tinitirhan at apat na mga pangunahing hangin, at ang haligi at saligan ng simbahan ang ebanghelyo, at espirito ng buhay, akmang may apat na saligan na saan man ay humihinga ng kawalangkorupsiyon at muling bumubuhay ng mga tao."
Kanyang sinalungat ang KristiyanismongGnostisismo sa kanyang aklat naUkol sa Pagtukoy at Pagpapabagsak ng tinatawag naGnosis o mas kilala bilangLaban sa Erehiya. Bago ang pagkakatuklas ng mga kasulatang gnostiko saAklatang Nag Hammadi noong 1945, ang paglalarawan ni Ireneus ang tanging alam na paglalarawan ngGnostisismo. Ayon sa mga skolar, maling kinatawan o maling naunawaan ni Irenaeus ang mga paniniwala ng mgagnostikong Kristiyano.[7][8] Halimbawa, kanyang inilarawan ang mga pangkat gnostiko bilang mga hayok sa laman gayong ang mga kasulatang gnostiko ay nagtataguyod ng pagpipigil sa pakikipagtalik na mas masidhi pa kesa sa mga kasulatan ng mga kalaunang nagingortodoksiya na tumuligsa sa mga gnostiko.
Si Irenaeus rin ang unang Kristiyano na gumamit ng doktrinangapostolikong paghalili upang salungatin ang kanyang mga katunggali.
SiOrigen (c.185–c.254) ay isang Ehipsiyong skolar at teologo na nagturo sa Alehandriya at muling bumuhay sa Kateketikal na paaralan ng Alehandriya na pinagturuan ni Clemente. Sa simula ay sinuportahan si Origen ngPatriarka ng Alehandriya ngunit kalaunang siyang pinatalsik dahil sa kanyang ordinasyon na walang pahintulot ng Patriarka. Siya ay lumipat saCaesarea Maritima at namatay doon.
Gamit ang kanyang kaalaman sawikang Hebreo, si Origen ay lumikha ng isang itinuwid sa mga pagkakamali naSeptuagint.[3] Kanyang pinakahulugan ang kasulatan ng alegorikal at itinanghal ang kanyang sarili bilang isangstoiko,neo-pitagoreano at isangplatonista.[3] Para kay Origen, angDiyos ay hindi siYahweh kundi angUnang Prinsipyo, at ang kristo atlogos ay nagpapailalim dito.[3] Ang kanyang pananaw ng isang hierarkala na istruktura ngTrinidad, ang temporalidad ng materya, ang preeksistensiya ng mga kaluluwa at ang muling pagbabalik na sumusunod dito ay idineklaranganathema noong ika-6 siglo CE.[9][10]
Angmga amang Capadocio ay sinaBasilio ng Caesarea (330-379 CE) na obispo ng Caesarea; ang nakababatang kapatid ni Basil na siGregorio ng Nyssa (c.332-395)CE na obispo ng Nyssa; at isang malapit na kaibigan na siGregorio ng Nazianzus (329-389 CE) na nagingPatriarka ng Constantinople. Ang rehiyongCappadocia sa modernong panahongTurkey ay isang maagang lugar ng gawaing Kristiyano. Ang mga amang Capadocio ay nagsulong ng pagpapaunlad ng maagang teolohiyang Kristiyano halimbawa, ang doktrina ngTrinidad. Sila ay labis na ginagalang bilang mga santo sa parehong Simbahang Silanganin at Simbahang Kanluranin.
SiCirilo ng Alehandriya (c.378–444) ang obispo ngAlehandriya, Ehipto. Siya ay sental na tauhan saUnang Konseho ng Efeso noong 431 na humantong sa pagpapatalsik kayNestorio bilang Arsobispo ng Constantinople. Ang kanyang reputasyon sa daigdig na Kristiyano ay nagresulta sa pagbibigay sa kanya ng mga pamagat na "Haligi ng Pananampalataya" at "Selyo ng lahat ng mga Ama".
↑See "Ignatius" inThe Westminster Dictionary of Church History, ed. Jerald Brauer (Philadelphia:Westminster, 1971) and also David Hugh Farmer, "Ignatius of Antioch" inThe Oxford Dictionary of the Saints (New York:Oxford University Press, 1987).