Angkatitikan oalpabeto (mula saespanyolAlfabeto) ay isang pamantayang ng pangkat ng mgatitik (pangunahing sinusulat na mga simbolo ographeme) na ginagamit upang isulat ang isa o higit pa na mgawika batay sa mga pangkalahatang prinsipyo na ang mga titik ay kinakatawan ang mgaponema (pangunahing mga makabuluhang tunog)ng mga wikang sinsalita. Taliwas ito sa ibangsistema ng pagsusulat tulad ng pantigan (kung saan ang bawat karakter ay kinakatawan ng isangpantig) at logorapiya (kung saan ang bawat karakter ay kinkatawan ang isangsalita,morpema, o semantikong yunit).
Maraming ginagamit na alpabeto sa buong mundo at ang pinakapopular ay angalpabetong Latin[1] (na hango saGriyego). Maraming mga wika ay ginagamit ang binagong anyo ng alpabetong Latin, na may kasamang karagdagang mga titik na nabubuo gamit ang mga diyakritikong marka. Habang karamihan sa mga alpabeto ay binubuo ng mga linya (linyang pagsusulat olinear writing), mayroon din mga di linyang pagsusulat tulad ng mga alpabetong ginagamit para sa Braille.