AngKasakistan (Kasaho:Қазақстан,tr.Qazaqstan), opisyal naRepublika ng Kasakistan, ay bansang transkontinental na pangunahing matatagpuan saGitnang Asya at bahagya saSilangang Europa. Hinahangganan ito ngRusya sa hilaga at kanluran,Tsina sa silangan,Usbekistan sa timog,Kirgistan sa timog-silangan, atTurkmenistan sa timog-kanluran; mayroon din ito ng baybayin saDagat Kaspiyo. Sumasaklaw ng mahigit 2,724,900 km2 at may 19 milyong residente, ito ang ikasiyam na pinakamalaking bansa sa mundo ngunit isa sa may pinakamababang pampopulasyong densidad, na mas mababa sa 6 na tao bawat kilometrong kuwadrado. Ang kabisera nito'yAstana at ang pinakamalaking lungsod nito'yAlma Ata.
Sa malaking bahagi ng moderno nitong kasaysayan, iba't-ibang tribong lagalag ang nanirahan sa teritoryong nasasakupan ng Kazakhstan. Noong ika-16 na siglo, nanaig ang mgaKazakh bilang isang natatanging pangkat, na nahahati sa tatlongJuz. Nagsimulang dumating ang mgaRussian sa mgakaparangan ng Kasakistan noong ika-18 siglo, at noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo ang kabuuan ng bansa ay naging bahagi na ngImperyong Ruso. Pagkaraan ngRebolusyon sa Russia noong 1917 at ang sumunod pangdigmaang-sibil, ilang-ulit na isinaayos ang teritoryo ng Kasakistan bago ito nagingKazakh Soviet Socialist Republic noong 1936, na bahagi ngUSSR.
Dahil na rin sa malawakang pagpapatapon sa Kasakistan ng iba't-ibang grupong etniko noong pamumuno niStalin, naghalo-halo ang iba't-ibang kultura at etniko sa bansa. Ang 16.6 milyong populasyon nito ay may 131 etnisidad, kasama rito angKazakh,Russian,Uyghur,Ukrainian,Uzbek,Tatar, atGerman. Nasa 63 porsiyento ng populasyon ang Kazakh.[2] Pinahihintulutan sa Kasakistan ang kalayaan sa pananampalataya at maraming relihiyon ang matatagpuan sa bansa.Islam ang pangunahing panampalataya sa Kasakistan ng 70 porsiyento ng mamamayan nito, habang malaking bahagi naman ng natitira ayKristiyanismo. Angwikang Kasaho ay angwikang pambansa, samantala opisyal na wika rin angRuso na kapantay ng Kasaho sa mga pampublikong institusyon.[3]
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa isangdi-tinukoy na artikulo ng [/wiki/Kazakhstan: kazakhstan.wikipedia].